KABANATA SIXTY-ONE
[ Playground ]
-------------------------------
BLASTER's POV
"Mag-uusap kami ni Nikkoi bukas sa playground."
"Ano pag-uusapan ninyo, Farfalla?"
"Kung mahal pa ba niya ako. Kung paano ang lahat. Lilinawin namin sa isa't-isa anong relasyon ba dapat ang meron kami."
Gabi na at nasa isang bundok kami ni Farfalla. Nags-star gazing. Nakahiga kami sa mat. Alam ko naguguluhan din si Farfalla kung ipagpapatuloy niya yung naputol nilang ugnayan ni Nikkoi. Yung mga pangako nila sa isa't-isa.
Kung sakali man na si Nikkoi ang piliin ni Farfalla, maiintindihan ko. Magpaparaya ako.
Pero kung ako yung pipiliin niya, thank you Lord. Hindi masasayang lahat ng effort ko.
"Alam mo ba lost stars tayo." Sabi ko sakanya.
"Ikaw at ako?"
"Pati si Nikkoi. Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Kasi hindi pa natin mahanap ang pwesto natin. Di natin alam saan tayo naka-align. Ako, hinihintay ka pa tapos may mga iba din na nagpaparamdam sa akin. Ikaw, di mo alam sinong pipiliin mo. Si Nikkoi, panigurado naguguluhan din."
Si Nikkoi pala, gising na pero di pa siya pwedeng mag-gig.
"Kuya Blaster alam mo ba may instinct ako about doon sa nurse ni Nikkoi. Yung intern. Si Erika."
"Ano naman kutob mo doon?"
"Kutob ko na may gusto siya kay Unique. Iba yung nararamdaman ko eh. Di ko maexplain ng maayos pero kutob ko talaga na gusto niya si Unique."
Lord, alam ko balang araw malalaman din namin sino talaga ang pinagtagpo mo. At kung sino man ang magkakatuluyan sa huli, that's Your will.
-------------------------------
UNIQUE's POV
Nandito na naman ako.
Nandito na naman kami.
Nandito na naman kami sa playground.
Sa tagpuan namin. Sa tagpuan ni Bathala para sa amin.
Nakaupo siya sa swing. Pagbilang ko ng tatlo. Lalapit na ako.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
"Farfalla, andito na ako."
Lumingon siya sa akin at ngumiti. Wala pa ring pinagbago ang ngiti niya. Ganyan pa rin ang ngiti niya nung mga bata pa kami.
"Nikkoi, andiyan ka na pala. Upo ka na diyan sa kabilang swing." Sabi niya.
Umupo naman ako at huminga ng malalim bago magtanong ng diretso sakanya.
"Mahal mo pa ba ako?"
"Mahal mo pa ba ako?"
Nagkatinginan kaming dalawa dahil sabay kaming nagtanong.
"Mauna ka ng sumagot, Farfalla."
"Ikaw muna, Nikkoi."
"Ikaw na muna, Farfalla."
"Sa totoo lang Nikkoi, aaminin ko sayo. Matagal din kitang hinahanap. Matagal din akong nangulila sayo. Yung mga pangako mo, hindi ko makakalimutan yung mga yun. Yung liligawan mo ako pag laki natin. Pero nagbabago ang lahat eh. Nagbabago ang panahon. Si kuya Blaster, alam mo naman nililigawan niya ako. Nakita ko na sincere ang pag-ibig niya sa akin. Nakita ko na naging loyal siya sa akin. Walang araw na hindi niya ako sinuyo. Mapa-text man o sa personal. Hindi ko mamahalin si kuya Blaster dahil nanghihinayang ako sa efforts niya kundi, mamahalin ko siya kasi mahal ko siya, mahal ko na siya, at patuloy na mamahalin."
Medyo masakit para sa akin ang sagot ni Farfalla. First love ko siya eh. Para sa akin, first love never dies pero nagbago ang lahat ng iyon nung narinig ko ang sagot ni Farfalla.
Ngayon, para sa akin may tatalo pa sa first love. Ang true love.
"Naiintindihan kita, Farfalla. Masakit man na hindi ako ang pipiliin mo. Masakit man na hindi natin maitutuloy ang ating naudlot na pag-iibigan pero kailangan kong respetuhin ang desisyon mo. Gusto ko man na ligawan ka, suyuin ka, maging tayo, hindi ko magagawa yun kasi ikaw mismo, ayaw mo. At ayaw ko naman na masaktan ako, siguro kailangan ko ng mag-move on. Tanggapin na dito sa Tagpuan ni Bathala, pinagtagpo tayo pero hindi itinadhana."
Tumayo si Farfalla sa swing at tumayo rin ako. Lumapit kami sa isa't-isa.
"Pwede naman natin ituloy ang ating pagkakaibigan diba, Nikkoi?" Tanong ni Farfalla.
"Oo naman, Farfalla. Palalayain kita bilang mahal ko pero ikukulong kita bilang kaibigan ko. Hindi magtatapos ang friendship natin ah? Ano man ang mangyari sa mga buhay natin, sino man ang mapangasawa natin, magka-apo man tayo, magkaibigan pa rin tayo ah?"
"Oo naman, Nikkoi. Walang kalimutan. Magkahiwalay man pero hindi nagkalimutan. Nagkita pa tayo ulit at bumalik ang ating pagkakaibigan dito sa tagpuan ni Bathala para sa atin. Ikaw Nikkoi, baka may ibang tagpuan si Bathala para sayo."
"Baka nga itong playground, tagpuan ni Bathala para sa ating dalawa Farfalla. Yun nga lang pinagtagpo lang tayo pero hindi itinadhana. Baka sa ibang lugar ang tagpuan ni Bathala para samin ng mamahalin ko at panigurado, ibang lugar din ang tagpuan ni Bathala para sayo at ng mamahalin mo."

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...