Ang Wakas

139 8 13
                                    

ANG WAKAS

[ Butterfly ]

----------------------------------

UNIQUE's POV

"I love you, my angel baby girl. You are God's gift to me. Maybe this is the last time na mahahawakan kita. Eto ang kwintas na butterfly para sayo. You are a strong woman, colorful, flying high to seek freedom, you will fall but you will never give up, and you will fly again."


"Yan ang mga huling salita ng asawa ko pagkatapos niyang ipanganak ang bunsong anak namin na si Butterfly."

Lahat ng tao, nakasuot ng puti. Naghihinagpis.

Namatay na ang pinakamamahal na pamangkin ni tito Badjao at tita Aimee. Namatay na ang pinakamamahal na kapatid ni Zild at Goldie. Namatay na ang pinakamamahal na asawa ni Blaster. Namatay na ang pinakamamahal kong kaibigan. Ang tanging tao lamang na tumatawag sa akin na Nikkoi.

Si Farfalla.

"Hindi ko inasahan na kukunin siya agad sa atin," Sabi ni Zild. "Mahal na mahal ko yan." Magkatabi kasi kami sa upuan.

"Nakita natin gaano siya naging malakas. Nilabanan niya ang kanyang sakit na cancer. Ngunit wala na." Sabi ko. Nung nalaman ni Farfalla at Blaster na magkaka-anak sila ulit, yun din yung araw na nalaman nila, naming lahat na may sakit na cancer si Farfalla.

May cancer siya sa buto. Buti na lang yung baby, si Butterfly, cancer-free.

Nung birthday ni Butterfly, doon naman ang death day ng kanyang ina.

"Unique, gusto mo ba ng inumin? Pangkukuha kita." Sabi ng asawa ko sa akin. Si Erika.

"Ayos lang ako, Erika." Sabi ko. "Nasaan nga pala yung anak natin?"

"Iniwan ko muna kila mama." Sagot niya. "Huwag ka ng malungkot. Nandito lang ako. I love you, Unique."

"I love you too, Erika Salonga."

Hindi man kami ni Farfalla ang nagkatuluyan pero masaya ako kasi nakahanap naman ako ng talagang para sa akin. Siguro nga pinagtagpo kami ni Farfalla pero itinadhana kami bilang magkaibigan lamang.

"Siguro, isang araw, magkikita kami ulit. Sa Tagpuan ni Bathala. Kung saan wala ng lungkot, wala ng sakit. Puro na lang saya." Sabi ni Blaster. "Mahal na mahal ko ang asawa ko. Sobra."

"Mahal na mahal ko si bestie ko." Sabi ni Shanne at niyakap siya ni Zild.






"Ate Farfalla, maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa akin. Ikaw, ang nagpaaral sa akin sa kolehiyo. Ikaw ang dahilan bakit maayos ang buhay ko..." Sabi ni Goldie bago tuluyan ibaon ang kabaong ni Farfalla. Si Goldie, asawa na niya si Gelo.

"Farfalla, aking kaibigan, mamimiss ko yung pagtawag mo sa akin na Nikkoi." Sabi ko. "Mahal na mahal kita."

Bago tuluyan bumaon sa lupa ang kanyang kabaong at pati na rin siya, nagsalita si Blaster.

"Mahal na mahal kita, Farfalla. Pangako ko sayo, ikaw lang. Hindi na ako hahanap ng iba. Sayo lang ako masaya. Tapat ako sayo at kahit wala ka na, mananatili akong tapat. I love you, Farfalla my loves. I love you. Sisikapin kong maging ama't-ina sa tatlong anak natin."

Pagkatapos ng libing, nagpalipad kami ng lobo at mga paro-paro sa langit.

Butterfly ang pinalpipad namin dahil ang ibig sabihin ng FARFALLA sa English, ay butterfly.

--------------------------------

BLASTER's POV

"Papa, ang ganda po pala ni mama Farfalla." Sabi ni Butterfly sa akin. Ang anak namin na bunso ni Farfalla.

"Maganda talaga ang mama mo anak. Parang ikaw." Sabi ko.

Death anniversary kasi ng asawa ko ngayon at ngayon din ang birthday ni Farfalla.

10 years ng patay si Farfalla. 10 years old na rin si Butterfly.

Nandito kami ngayon sa sementeryo, dinalaw ang pinakamamahal kong asawa.

"Papa, si kuya, ayaw akong pakainin ng burger!" Reklamo ni Zildter sa akin.

"Akin ito eh!" Sabi naman ni Blasgelo, ang panganay namin.

"Huwag nga kayong mag-away. Bahala kayo, papagalitan kayo ng mama ninyo." Sabi ko.

"Miss ko na si mama." Sabi ni Zildter.

"Ako din." Sabi ni Blasgelo. "Sayang, di na siya naabutan ng kapatid natin na si Butterfly."

Nanghihinayang nga din ako. Kasi sa mga family picture namin, wala na ang asawa ko. Ang mahal ko. Hindi man lang nakasama ni Butterfly si Farfalla.

Naaalala ko dati, nung binyag ni Zildter. Andoon si Crystal. Akala ko magtatapos na ang buhay ng mag-ina ko. Pero hindi pa pala.

Imbis na sila ang mabaril, si Zild pala ang nabaril. Siya ang nakakita kila Farfalla, siya yung sumalo nung bala.

Iyak ng iyak si Shanne noon. Akala niya wala ng pag-asa si Zild. Pero milagro, nabuhay siya.

"Kain muna tayo!" Rinig kong sabi ni tita Aimee. Oo, kasama namin sila.

"Mga anak, punta na kayo doon, kain na kayo." Sabi ko at pumunta sila Blasgelo, Zildter, at Butterfly doon sa pagkakainan namin na mesa.

Hinawakan ko ang lapida ni Farfalla at tumingin doon sa picture niya. Yung picture niya na may hawak din siyang sunflower.

"Babalikan kita diyan, mahal ko. Marami pa akong ikwekwento sayo. Huwag kang mag-alala. Magkikita rin tayo. Sa Tagpuan ni Bathala. Kung kayo ni Nikkoi, meron. Yung sa playground, syempre tayo rin. Magkikita ulit tayo."

Bago ako tumayo sa pagkaupo ko, may dumapo sa akin na butterfly. Sa puso ko dumapo. At isa lang ang nasabi ko. "Mrs. Farfalla Silonga, andito ka. Wala ka man sa aking piling, pero andito ka lagi sa puso ko. Dito sa puso ko ang tagpuan pa rin natin dalawa at balang araw, magtatagpo rin tayo... sa Tagpuan ni Bathala."

____________________________________________

AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading! Hoped you like the whole story! If you are looking for more IVOS stories, I also have other stories about them just check my profile.

Eto na ang wakas ng Tagpuan ni Bathala. Nanaig ang #Blastalla. Blaster & Farfalla. Kay Nikkoi naman si ate Erika (acertainauthor ) 💙💙💙

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon