Kabanata 62

90 4 0
                                    

KABANATA SIXTY-TWO

[ Day One ]

--------------------------------

FARFALLA's POV

Malinaw na ang lahat. Malinaw na pinipili ko si kuya Blaster kaysa kay Unique, kay Nikkoi.

Nakapag-usap na kami ni Unique kahapon sa playground. Alam ko na may iba pang naka-laan para sa amin. Hindi kami itinadhana ni Unique.

Pinagtagpo lang kami pero hindi talaga kami itinadhana. Pero hindi mapuputol ang relasyon namin ni Unique bilang magkaibigan.

Ngayon, inaaayos ko ang sarili ko. Pupuntahan ko si kuya Blaster sa amusement park. Nandoon daw siya pero kung pwede, ako na lang ang pupunta sakanya. Sige sabi ko naman.

Bago ako makaalis, may nag-text sa akin. Si Unique.

Nikkoi:
Farfalla, may sasabihin ang pogi mong kaibigan.

Ako:
Jusko ka, Nikkoi. Ang hangin. Ano ba yun?

Nikkoi:
Humingi kasi ako ng sign kay Bathala. Kung saan ang tagpuan niya para sa akin. Ngayon, gusto kong ma-experience kumain ng Jollibee sa rooftop ng mall.

Ako:
Baliw ka! Kakain ka sa rooftop?!

Nikkoi:
Oo! Kumain na nga ako. Nagawa ko na kaninang tanghaling tapat. Tapos alam mo... hindi ako mag-isa.

Ako:
Bakit? Sinong nandoon?

Nikkoi:
Nakita ko lang naman yung intern na nurse na nagbantay sa akin. Yung kaklase ko nung high school. Si Erika! Kumakain ng burger steak. O Jollibee yun!

Sabi ko na nga ba eh. May ibang dahilan kung bakit nagkatagpo si Erika at si Nikkoi. Siguro, sila talaga para sa isa't-isa.



"Saan mo gustong sumakay?" Tanong ni kuya Blaster sa akin.

"Sa ferris wheel," Sagot ko. "Kahit mabagal yung ikot."

"Hindi mabagal iyan. Sadyang mabagal lang talaga ang mundo kapag kasama kita." Sabi niya sakin tapos hinawakan niya yung kamay ko, at sumakay sa ferris wheel.

Pagsakay namin, nakatabi kami sa isa't-isa.

"Ayaw mo doon sa kabila kuya Blaster? Baka nasisikipan ka dito?"

"Farfalla, ayos lang ako. Okay lang kahit masikip, basta kasama kita. Okay lang kahit ano man pagsubok ang dumating, makasama lang kita." Sabi niya sa akin at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Gusto kitang makasama, magpahanggang wakas."

Ito na yata...

Ito na yata ang tamang oras.

"Ako din, kuya Blaster. Gusto kitang makasama, magpahanggang wakas."

Bigla naman siyang napangiti na parang nanalo siya sa lotto!

"TALAGA BA?! IBIG SABIHIN BA NIYAN TAYO NA?! SERYOSO KA BA MY LOVES?!"

"Seryoso ako, tayo na. Blaster Silonga."

Niyakap niya ako ng mahigpit at bumulong sa akin.

"Day one of being officially us."

--------------------------------

SHANNE's POV

Linggo ngayon at nag-church kami. Sa harap namin sila kuya Blaster at Farfalla na mag-on. Hindi man naging si bestie at Nikkoi, masaya naman ako kasi masaya din sila sa piling ng iba.

Katabi ni Farfalla at kuya Blaster sila Unique at Erika. Si Erika yung sinasabi ni Unique na "kaibigan" niya lang daw pero hindi kami naniniwala kasi iba yung pagtingin nila sa isa't-isa. The way they look each other, you can really see there is magic.

Pagkatapos si tito Badj at tita Aimee ang katabi nila Unique at Erika.

"Malay mo, yung ka-forever mo pala nasa tabi mo lang." Yan ang narinig ko mula sa pastor na nagp-preach. About love kasi yung topic.

Pagkasabi na pagkasabi niya, tumingin ako sa katabi ko at tumingin din siya sa akin.

Si kuya Zild pala ang katabi ko! Akala ko kanina yung kapatid ko. Hindi pala. Nanlaki ang mga mata ko.

"Katabi pala ah," Sabi ni kuya Zild at nag-smile siya sa akin. Nakakamatay yung ngiti niya, grabe. Ngayon, aaminin ko, may feelings ako para sakanya at yung feelings na yun, unti-unti ng nag grow.

Siya na ba yung ka-forever ko?

Tinanggal ko na yung tingin ko sakanya at nag-focus na lang sa message ni God.

Pero pag-focus ko, may humarang na rosas sa pagtingin ko doon sa verse sa wide screen.

Titingnan ko pa lang si kuya Zild pero bago ko pa siya matingnan...

May binulong siya sa akin.

"Courtship day one."

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon