Kabanata 31

96 4 1
                                    

KABANATA THIRTY-ONE

[ Bisita ]

** AFTER ONE WEEK **

-----------------------------

FARFALLA's POV

Lumipas din ang isang linggo, bakasyon na namin! Sa wakas! Completer na ako! Marami rin ang nangyari bago ang Moving Up Ceremonies.

Nung Moving Up, nagpadala si Nico sa akin ng bouquet. A sign of congratulating me. Tinanggap ko. Si Teigan, nagpaparamdam talaga kay Shanne, as in.

Si Kuya Blaster, ayun effort na effort pa rin sa akin. Si Kuya Zild, hindi masyadong kumikibo.

Si Unique naman, parang may kakaiba sa mga kinikilos niya. Si Tito Badj, super sweet parin kay tita Aimee. At kinukutuban daw siya pero ayaw niyang sabihin samin ano ang kutob niya.

"Saan kaya tayo pwedeng magbakasyon?" Tanong ni tita Aimee habang kumakain kami ng almusal.

"Dapat doon sa magandang lugar. Yung kahit na hindi ka magsstay doon lagi, kapag nandoon ka na makakalimutan mo yung problema, ganoon." Sabi ni kuya Zild.

"Sa Palawan." Suggestion ko.

"Ilocos Sur." Suggestion ni tito Badj. "Diba meron doon yung para kang nasa Greece?"

"Opo, meron nga." Sabi ko.

"Badj, kelan pala susunod ninyong gig?" Tanong ni tita Aimee.

"Next week pa." Sagot ni tito Badj. "Tatlong araw, sunod-sunod."

Ang IV OF SPADES, unti-unti ng gumagawa ng pangalan sa industriya. Lumalaki na rin ang fan base. Sa pagkakaalam ko, meron silang mga kantang bago.

"Ano yung bago ninyong kanta na English?" Tanong ko.

"Secret! Malalaman po pag narelease na ang music video." Sabi ni kuya Zild. Aba! May music video.




"Farfalla, huwag ka ng kumain ng ginisang pusit ni mama. Bawal yan sayo."

"Pero, Nikkoi gusto ko yan eh."

"Naaalala mo ba last week? Nagluto si mama ng ginisang pusit nagkaroon ka ng mga kati-kati at halos di ka pa makahinga. Gusto mo bang maulit iyon?"

"Ayaw ko, Nikkoi."

"O yun naman pala. Irerequest ko na lang kay mama na pagluto ka ng fried chicken, ayaw kong nakikita kang nahihirapan, Farfalla."



"NIKKOI!" Sigaw ko na naman. Napanaginipan ko na naman siya. Ilang araw din bago ko siya ulit mapanaginipan. Natulog lang ako ulit kaninang 1pm at paggising ko, 4pm na pala.

Alam din pala ni Nikkoi na allergic ako sa pusit. Ngayon kaya na matanda na kami, alam pa rin ka niya saan ako allergic? Alam pa kaya ni NICO?

Bumukas naman ang pintuan ng kwarto ko. Si Kuya Zild.

"Farfalla... napano ka?" Tanong niya. "Narinig ko ang sigaw mo."

"Kuya Zild, napanaginipan ko si Nikkoi."

"Si Nico?"

"Si Nikkoi."

"O diba si Nikkoi rin naman si Nico?"

"H-hindi ko alam kuya. May parte sa puso ko na nagsasabing hindi."

"Hayaan mo, Farfalla. Tutulungan kita na malaman ang totoo. Magkasama tayo dito. Andito si kuya lagi."

"Salamat, kuya Zild."



Bumaba kami ni kuya Zild para mag-meryenda. Kaso bago kami dumiretso sa kusina, parang may naririnig kami na mga boses sa sala.

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon