KABANATA FIFTY-SIX
[ Picture Frame ]
----------------------------
AIMEE's POV
Kanina pang tanghali umalis ang pamangkin kong si Farfalla at magse-seven na ng gabi, wala pa rin siya.
"Nasaan na kaya si Farfalla?" Tanong ko sa asawa ko na walang ginawa kundi kumain ng marshmallow na kasing fluffy niya.
"Baka nag-mall lang sila ni Crystal." Sabi ni Badjao.
"Baka nga." Sabi ko naman. Pero iba yung kutob ko. Hindi ko alam pero may masama akong kutob.
Kumakain ako ng hapunan namin at napabitaw ako sa kutsara ko nung may nabasag na malakas, sa taas.
"ZILDJIAN! Anong nangyayari?"
Tanong ni Badj at agad kaming umakyat. Sa kwarto ni Zild, may basag na picture frame."Anong nangyari, pamangkin?" Tanong ko.
"Kasi pinapatay ko lang po yung lampshade ko tas may picture frame sa tabi, si Farfalla pala ang nasa picture. Natabig ko at may naramdaman akong kakaiba." Sagot ni Zild.
"Ako nga kanina pa masama ang kutob ko, sa totoo lang." Sabi ni Badjao.
"Tinawagan niyo na po ba si Farfalla? Baka mamaya ano na nangyari sa kapatid ko." Sabi ni Zild.
"Tatawagan ko." Sabi ko at dinial ang number ni Farfalla. Hindi siya sumasagot. Cannot be reached.
Hala, yung pamangkin ko po Lord, huwag Ninyong papabayaan. Mahal na mahal po namin yun.
"Hindi sumasagot." Sabi ko na naluluha.
"Ako ang tatawag." Sabi ni Zild at mukhang hindi rin sumasagot sakanya. "Napano na kaya siya? Ayaw kong mag-isip ng masama pero masama ang kutob ko."
"AIMEE! BADJAO! ZILD! AIMEE! BADJAO! ZILD!" Boses yun ng mama ni Farfalla mula sa labas. Bumaba kaming lahat at si Badjao dali-dali niyang pinapasok ang mama nito at si Goldie.
"NAWAWALA SI FARFALLA! NAWAWALA SIYA!" Sabi ng mama nito.
"Papano mo nalaman?" Tanong ko.
"Sinabi ni Arizella sa akin. Tumawag daw sakanya si Crystal at kinuha daw ni Nico si Farfalla!" At nagulat kaming lahat.
"Ang totoo po niyan..." Sambit ni Goldie. "Kasama po si ate Arizella sa plano. Narinig ko po siya kausap si kuya Nico... natatakot lang ako sabihin pero yun po yung totoo."
"Anong usapan nila Goldie?! Anong plano nila sa kapatid ko?!" High blood na tanong ni Zild. Naiiyak na ako dito.
"Napadaan po ako k-kagabi sa kwarto ni Ate Arizella t-tapos po narinig ko na ang plano nila ay magmemeet si Ate Crystal at Ate Farfalla sa isang Japanese restaurant. At sa parking lot andoon si Kuya Nico... kukunin niya daw si Ate Farfalla para hindi na daw siya mahirapan na ligawan ito at p-para hindi na daw alamin ni ate Farfalla yung totoong Nikkoi atsaka para makuha na daw po ni ate Crystal ang loob ni kuya Blaster."
Ibig sabihin hindi si Nikkoi si Nico?!
"Sabi ko na nga ba! Niloloko lang tayo nung Nico na yan eh!" Sabi ni Zild.
"Hindi si Nico ang totoong Nikkoi. Alam ko ang plano ni Nico. Bata pa lang sila Farfalla, Nikkoi, at Nico, si Nico matagal na niyang crush si Farfalla. At hanggang ngayon, gusto niya pa rin ang anak ko. Nagpakita siya sakin at nagpaalam kung pwede daw ba siyang magpanggap na Nikkoi. Kapag hindi ako pumayag, ako yung papatayin niya. May tama sa utak si Nico." Sabi ng mama nila Farfalla at Zild.
"Goldie, alam mo ba saan dinala ang ate Farfalla mo?" Tanong ni Badjao.
"Hindi ko po gaanong narinig. Pero parang may BA." Sagot ni Goldie. Bataan, Batanes, Batangas, Baguio. Saan doon?! Ang pamangkin ko, sana ayos lang siya.
Lahat kami dito nagpapanic na si Zild, kumukulo ang dugo. Si Badjao tumatawag na sa pulis. Ang mama ni Farfalla, umiiyak ako at ako. Si Goldie nakayakap sa mama niya.
Biglang pumasok sa pinto si Arizella na kalmado.
"Nandito lang pala kayo mama. I'm looking for you everyw---" Naputol ang sinabi niya nung sinampal ko siya ng malakas.
"ANO BANG PUMASOK DIYAN SA ISIP MO AT PUMAYAG KA SA PLANO NI NICO?! GANYAN KA BA KASAMA?!" Sigaw ko.
"Aimee, yung anak natin." Sabi ni Badjao.
"I'm not doing anything!" Deny niya.
"Ate, huwag ka ng magsinualing! Narinig ko. Narinig ko kayo." Sabi ni Goldie. "Saan lugar dinala si Ate Farfalla?! Saan?! Maawa ka naman!"
"I do not know what you are say---" Tinulak ko siya sa may pader at hinawakan sa braso at nauntog siya doon sa picture frame na naman na may larawan ni Farfalla at nabasag ito.
"Kapag may nangyaring masama sa pamangkin ko, yari ka sakin." Nangigigil kong sabi.
"Ikaw Arizella! Tinuring kitang anak tapos ganito yung igaganti mo?! Mas mabuti ng buhay ko ang magtapos kaysa kay Farfalla!" Sabi ng mama nila Zild at sinampal si Arizella.
"Why are hurting me? I swear I didn't do anything!" Nagdadrama pa itong Arizella na ito.
Lord, kung saan man pong lugar na may 'BA' si Farfalla, magbigay po kayo ng sign para mailigtas po namin Siya sa tulong Ninyo.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...