Kabanata 63

93 4 0
                                    

KABANATA SIXTY-THREE

[ T-Shirt ]

------------------------------

FARFALLA's POV

"Bestie, i-lilive ko itong sale natin sa account natin sa Instagram! Ang daming bumibili!" Sabi ni Shanne.

"Sige lang."

Ilan taon na rin ang lumipas. Marami na rin ang nangyari. Nagbago na rin ang mga buhay namin.

Matagal na akong graduate ng college. Maganda naman ang trabaho ko bilang isang pre-school teacher.

Oo, teacher na ako. Parehas kami ni Shanne, teacher naman siya ng elementary. At eto may business kaming isang clothing store. Matagal namin itong pinag-ipunan. Ang laman, puro pang-retro. IV OF SPADES inspired syempre. Marami naman ang bumibili.

Ang IV OF SPADES, naging successful. Kilala na sila sa buong Pilipinas at hindi lang iyon, may international gigs na rin sila.

Si tita Aimee at tito Badj, may dalawa na silang anak. Babae at lalaki. Sila Amelia at Christian. Kinuha yung pangalan ni Christian doon sa totoong pangalan ni tito Badj.

Si Unique may lovelife na. Ang kaibigan kong si Nikkoi, may nakatagpo na. Si Erika. Matagal na silang mag-on. 5 years na.

Si kuya Zild at si Shanne, sila na rin. 5 years na rin sila. Matatawag ko silang aesthetic couple. Kasi grabe kapag nakita mo yung pictures nila, together hindi ka lang kikiligin. Mapapa-wow ka pa. Parehas pa silang kulot kaya meant to be talaga sila.

Si kuya Gelo, nililigawan lang naman niya ang kapatid namin ni kuya Zild. Si Goldie.

Kami naman ni Blaster, strong pa rin ang relationship namin. Minsan, nag-aaway kami pero we make sure na isa sa amin magbababa ng pride para maayos agad. Marami ngang nagsasabi sa amin na bat di pa daw kami magpakasal. Sabi naman namin, darating din yung tamang oras.

"Farfalla, okay ka lang diyan ah?! Magvivideo lang ako dito!" Sabi ni Shanne.

"Sige, okay lang ako dito. Kaya ko naman magpunch ng mga bibilhin ng customers natin." Sagot ko.

Since wala pa naman nagbabayad, nagcellphone muna ako. At sa timeline ko, puro mga kinakasal ang lumilitaw.

May pahiwatig ba ito?

Lumipat naman ako sa Instagram at ang bumungad sa akin, wedding reception. Ano ba yan! May ibig sabihin ba ito?

"Excuse me, miss?" Pinatay ko ang cellphone ko dahil sa lalaking nagtanong sa akin.

"Hello, sir. May kailangan po kayo? Hindi niyo po ba mahanap ang men's wear dito sa store namin?" Tanong ko. Hindi ko siya mamukhaan kasi naka-cap siya.

"Nahanap ko na pero wala ba kayong T-shirt na may nakalagay Will You Marry Me?" Tanong niya.

Pati ba naman customer, kasal ang sinasabi?!

"Sorry sir, di po kami nagtitinda ng T-shirt na may will you mar——"

"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo..." Napatigil ako sa pananalita nung nakita ko ang tatlo sa IV OF SPADES na kumakanta sa harap ko at may dalang gitara itong si Nikkoi.

"Hindi ako sa aalis sa piling mo," Sabi ng lalaking naka-cap at tinanggal niya ang cap niya.

Si Blaster pala!!!!!!!!!! Ano ito? Anong pakana ito?!

"Blaster? Ano ito?" Tanong ko.

"Binigay na namin ang basbas namin nila tita Aimee at tito Badj." Sabi ni kuya Zild. "Mukhang mag-aasawa ka na, sis."

"Pinangako niya na aalagaan ka niya, hindi papabayaan ano man mangyari, mamahalin ka niya lagi, kaya pumayag ako na pakasalan na niya ang kaibigan ko." Sabi ni Nikkoi.

Magpo-propose ba si Blaster sa akin?!

Lumabas ako sa may mini pintuan ng counter at lumuhod doon si Blaster. "Farfalla, I'm asking you again. I will not ask you about the T-shirt but I will ask you agin. Will you marry me and be with me, forever?"

"I want to be Farfalla Silonga. I will be Farfalla Silonga. I will take your name."

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon