Kabanata 14

136 8 1
                                    

KABANATA FOURTEEN

[ Cookies ]

-------------------------------


FARFALLA's POV

"Dalaga ka na! Ang bilis!"

"Binata ka na din! Ang bilis!"

Si Nico ang kakwentuhan ko ngayon. Nandito kami sa playground dito sa park. Kung saan dito kami naglalaro dati. Kachat ko lang siya kahapon, pero di ko inaasahan na darating siya ngayon.

"Kamusta na kayo ng pamilya mo?" Tanong niya.

"Ayos lang." Sagot ko. "Maayos naman kami nila Tito Badj. Kaso di talaga kami ayos nila mama."

"Naaalala ko nun kapag pagod tayo kakalaro, ipaghahanda tayo ng pancake ng mama mo." Kwento ni Nico.

Pancake? Wala akong maaalala na pancake. Sa mga panaginip ko, na involved si "NIKKOI", puro chocolate chip cookies ang hinahanda ni mama.

"Hindi ba chocolate chip cookies?" Tanong ko para malinaw.

"Ah, oo! Pati cookies. Nakalimutan ko lang." Sa tono ng pananalita ni Nico parang nag-aalangan siya. Hindi ko alam kung nakalimutan niya lang o sadyang hindi niya talaga alam.

"Alam mo Nico, sa mga panaginip ko, favorite mo daw ang ice scramble atsaka taho. Favorite mo ba yung mga yun?" Tanong ko.

Matagal siyang hindi sumasagot. Parang nagiisip pa siya o nag-aalangan.

"Hoy Nico!" Sabi ko ng malakas.

"Ay! Nagulat naman ako sayo, Farfalla. Iniisip ko kasi kung favorite ko yang Ice Scramble at taho." Sagot ni Nico. "Pero, oo. Paborito ko yun."

Siya ba talaga si Nikkoi? O hindi? O magkaiba sila?

"Nico, wala ba talaga tayong kababata na pangalan Nikkoi?" Tanong ko.

"Wala nga. Sabi ko naman sayo diba, ako din yun. Baka nagiba lang talaga pangalan ko sa panaginip mo." Reaksyon ni Nico.

Hindi na lang ako nagsalita. Tumango na lang ako, sumasangayon na iisa si Nikkoi at Nico.

"Nico, tara bili tayong ice scramble at taho." Sabi ko. Sa kanto kasi namin, may nagiice scramble doon tsaka taho. Buti nga di umaalis yung magtataho doon eh.

"O sige, tara." Sabi naman neto.




Bumili kami ng ice scramble at taho pagtapos bumalik kami sa park. Ako, ubos ko na yung ice scramble at taho ko, si Nico parang nandidiri pa.

"Hindi mo ba makain yan ng maayos?" Tanong ko. "Bat parang diring diri ka?"

"Hindi na kasi ako sanay sa ganito. Alam mo naman, mayaman." Aba, talaga naman.

"Ahh." Sabi ko. "Edi sanayin mo ulit sarili mo."

"Geh, para sayo."

Yung Nico sa totoong buhay, di na sanay sa ice scramble at taho. Pero yung sa panaginip ko si Nikkoi na hindi ko alam kung si Nico ba talaga yun, ay nabibitin pa sa isang taho at isang ice scramble. Sa mga panaginip ko, parehas kaming nakaka-apat na baso.







Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon