KABANATA FIFTY-NINE
[ Bangin ]
---------------------------
FARFALLA's POV
"Nico! Pakawalan mo na kasi ako! Ano pa bang gusto mo?!"
Kahapon pa ako nanghihina. Kahapon ko pa gusto maligtas sa Nico na ito. Napatunayan ko na hindi talaga si Nikkoi. Sadyang may tama lang siya sa ulo kaya ginagaya niya si Nikkoi.
"Gusto ko?! Ikaw!" Sagot niya. Nakatali ako ngayon sa upuan. Mamaya, magkikita kami nila kuya kaso sa may bangin.
"Ayaw ko sayo, Nico! Ayaw ko sayo! Hindi ikaw si Nikkoi." Sabi ko ng may galit. "AT KAILANMAN HINDI SIYA MAGIGING IKAW! ANG KILALA KONG NIKKOI, MABAIT!"
Sinampal niya ako mukha at hindi ako nasaktan. Lalo lang akong nagalit.
"SANA KAININ KA NG KONSENSYA MO YUNG DI KA MAKAKATULOG! SANA WALA NG MAGMAHAL SAYO! PAREHAS DAPAT KAYO NI CRYSTAL MAKULONG KASI PAREHAS NINYO AKONG SINAKTAN!" Sigaw ko.
Kahapon, pinagtulungan ako ni Nico at Crystal. Parehas nila akong sinaktan. Pinukpok pa ni Crystal ang ulo ko sa semento dahil ang plano nila, magkaroon ako ng amnesia para makalimutan ko na na may totoong Nikkoi at para ariin ni Crystal si kuya Blaster.
Doon ko na-realize na hindi ko pwedeng ibigay sa iba si kuya Blaster. Ginawa niya ang lahat para sakin, gagawin ko din lahat para sakanya. Kagabi, alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya. Sadyang tamang oras na lang ang kulang para sagutin ko siya.
"ETO ANG PINAKAMAMAHAL NINYONG FARFALLA!" Sabi ni Nico at hinatak ako para harapin ang mga mahal ko sa buhay. Nasa may bangin kami ngayon. Nakatali pa rin ang kamay ko. Hinatak ako ni Nico pababa ng likuran ng pick-up niya.
Nakikita kong lumalapit si mama.
"HUWAG KANG LALAPIT DITO! KUNDI BUHAY MO ANG TATAPUSIN KO!" Sabi ni Nico kay mama.
"Maawa ka naman Nico!" Sabi ko sakanya. "Mama ko siya!"
"Sige buhay ko ang tapusin mo! Huwag lang ang sa anak ko!" Sabi ni mama.
"Ma, huwag!" Sabi ko naman. Mahal na mahal ko pa rin si mama kahit ano pa man ang nagawa niya.
Kitang-kita ko si kuya Zild, kuya Blaster, tito Badj, at Unique na hindi rin alam ang kanilang gagawin para iligtas ako. Sila Shanne, tita Aimee, at Goldie, umiiyak. Ako, umiiyak na rin.
"Sinong maglalakas loob na iligtas ang mahal ninyong Farfalla?!" Tanong ni Nico at tumawa siya na parang demonyo.
"AKO!" Sabi ni Unique at lumapit siya kay Nico. "Harapin mo ang totoong Nikkoi ngayon."
Si Unique?! Si Unique ang tunay na Nikkoi?! Grabe... Si Unique pala. Siya pala yung Nikkoi sa grocery store. Yung Nikkoi na mahilig sa chocolate chip cookies, si Unique. Siya ang totoong Nikkoi. Siya ang kababata ko.
"Unique? Ikaw ang kababata ko?" Tanong ko.
"Ang tunay mong kababata, Farfalla." Sabi ni Unique. Si Nico, nakatutok ang baril kay Unique.
"Sige iputok mo!" Sabi ni Unique. "Kahit ako na lang! Huwag na si Farfalla!"
Salamat po Lord kasi nakita ko na rin ang totoong Nikkoi. Alam ko na ililigtas Niyo kami mula sa kalbaryong ito.
Binaba ni Nico ang baril niya at tinanggal ang pagkakatali ko.
Tumayo ako para lumapit kila mama, pero may humila sa akin na dalawa.
"Hindi ka pa makakalapit sakanila!" Sabi ni Crystal.
"This will be your end, girl!" Sabi ni Arizella at bago nila ako maitulak sa bangin, sumigaw ako.
"MAHAL NA MAHAL KO KAYONG LAHAT! TITO BADJ, TITA AIMEE, MAMA, KUYA ZILD, SALAMAT SA PAGBUHAY AT PAGALAGA SAKIN! SHANNE BESTIE, SAGUTIN MO SI KUYA ZILD AH! GUSTO KO KAYO YUNG IKASAL!" Sigaw ko na umiiyak. "KUYA BLASTER, MAHAL KITA! AT NIKKOI, SA TOTOONG NIKKOI, NAGPAPASALAMAT AKO KASI NAGKITA PA TAYO PERO SIGURO ETO NA ANG KATA-----"
"HUWAG MONG SASABIHIN YAN, BESTIE! MABUBUHAY KA PA!" Si Shanne halos mapaluhod na kakaiyak.
"Ang dami mong satsat!" Sabi ni Crystal at hinulog na ako sa bangin pero akala ko tuluyan na akong mahuhulog, may kamay na humawak sa akin.
Si Unique. Si Nikkoi.
"Farfalla, huwag kang bibitiw. Kumapit ka."
"Paano ka nakalapit dito, Nikkoi? Hindi ba nakaharang si Nico?"
"May mga dumating na mga pulis. May go signal kasi sila."
"Asan sila Arizella?" Tanong ko.
"Sinabunutan na sila nila Shanne."
"Halika na Farfalla, umakyat ka na."
"Unique, di ko kaya."
"Kumapit ka lang, Farfalla. Eto dalawang kamay."
"Nikkoi, natatakot ako!!"
"Magbibilang ako ng tatlong beses. Aangat ka, 1, 2, 3!"
Naka-angat ako pero si Unique naman ang nahulog sa bangin dahil sakto nung nakaakyat ako tinulak pa siya ni Arizella.
"NIKKOI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
"Mahal pa rin kita, Farfalla!"
Tuluyan siyang gumulong pababa at di ko na alam saan siya napunta at narinig ko ang putok ng baril, dalawang beses.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...