KABANATA SEVEN
[ IV OF SPADES ]
------------------------------
FARFALLA's POV
Ang bilis ng araw, akalain mo yun, Sabado na. Kasalukuyan akong nag-aalmusal ng Koko Krunch. Tapos nandito lang naman sila kuya Blaster at Unique.
"Aba, nagcecereal ka na ngayon." Sabi ni kuya Zild.
"Si kuya Blaster kasi! Dinalhan ako ng isang box ng cereal." Sabi ko.
"Pampa-energy yan." Sabi naman ni kuya Blaster.
"Kayo na ba?" Tanong ni Unique. At nagulat kami ni kuya Blaster.
"Hindi!" - Ako
"Hindi pa!" - Kuya Blaster
"Hindi pa? So may balak?" Tanong ni Unique tas humalakhak. Parang pamilyar sa akin ang tawa niya... yun nga lang hindi ko alam kung saan o kanino ko narinig.
"Secret." Sabi ni Kuya Blaster.
"Secret secret ka pa diyan, Ter." Sabi ni Zild. "Alam mo Unique, sa sobrang love na love netong si Blaster ang kapatid ko, napatrouble yan."
"Ah! Kaya pala may pasa." Sabi ni Unique. "Siguro kung ako yung binugbog, lasog lasog na ako. Payatut ako eh. Pero gwapo naman."
Tapos nailuha ko yung kinakain kong cereal. Patawa din itong si Unique eh.
"Baliw!" Sabi ko. "GGSS ka din neh, Unique."
"Asan pala si Tito Badj?" Tanong ni kuya Blaster.
"Baka tulog pa sila ni Tita Aimee." Sagot ko, tapos kinuha ko yung box ng Koko Krunch at naglagay pa sa bowl ko.
"O? Bat ka pa naglalagay?" Tanong ni kuya Zild. "Tama na yan, sasakit tiyan mo."
"Hayaan mo lang kumain si Farfalla, Zild. Tsaka ayaw kong nagugutom siya." Banat ni kuya Blaster. "Sige lang, Farfalla kain ka lang diyan support kita. Healthy naman yang cereal eh,"
"Mahilig ka bang kumain?" Tanong ni Unique sa akin.
"Ah, oo. Masarap. Food is life kasi," Sabi ko naman. Kasi sa totoo lang, love na love ko ang pagkain. Baka forever na nga kami eh. Joke!
"Bahala ka diyan, Farfalla. Tataba ka." Pang-aasar ni kuya Zild.
"Aba, pwede naman mag-exercise. Zumba!" Depensa ko at lumamon ng Koko Krunch.
"Dapat itong si Unique, malakas din kumain para naman magka-laman." Biro ni kuya Blaster.
"Ewan ko ba, kumakain naman ako ng marami. Di pa rin ako tumataba." Sabi ni Unique at ngumiti. Yung ngiti ni Unique... pamilyar talaga. Hindi ko alam kung kanino ko nakita. Pati yung mga mata niya.
"Good morning people," Biglang bati ni Tito Badj.
"Good morning Tito Badj!!!!" Bati namin.
"Nasaan po si Tita Aimee?" Tanong ko.
"Masarap pa yung tulog." Sagot ni tito Badj. "Oo nga pala, boys jamming tayo mamaya."
"Saan?" Tanong ni kuya Zild.
"Sa bahay na lang namin!" Sagot ni kuya Blaster. "Farfalla, sama ka. Suportahan mo at panoorin ang pinaka-gwapong lead guitarist."
"Nako, kuya Blaster nalipasan ka na naman ng gutom. Kumain ka ulit. Hahahahahahaha. Sige sama ako." Sabi ko naman.
"Hindi lang ikaw ang gwapo dito, Ter. Ako din." Sabi naman ni Unique. Mga GGSS ang mga lalaking ito. Huwag naman sanang dumagdag pa sila kuya Zild at tito Badj.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfic"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...