Kabanata 17

120 7 1
                                    

KABANATA SEVENTEEN

[ Ipis ]

-------------------------------

FARFALLA's POV

"Bestie, alam mo, nalilito na naman ako." Sabi ko kay Shanne habang busy siya nagpapaint. May project kasi kami, painting. Dito namin sa school ginagawa. Ako kasi di pa ako nagppaint. Nag-iisip pa ako anong ippaint ko.

"Bakit naman, Farfalla?" Tanong niya. "May nangyari na naman ba para lalo kang malito?"

"Oo. Nanaginip na naman ako na si Nikkoi binigyan ako ng kwintas na gold na may sign ng infinity. Tapos sinuot ko daw yun. And then tinanong ko si Nico kagabi sa bar kung may binigay ba siyang kwintas sa akin na gold nung mga bata pa kami pero sabi niya hindi daw gold ang binigay niya. Kundi, silver." Sagot ko.

"Tapos?"

"Pagkatapos doon sa panaginip ko, suot ko yung kwintas. Pero sabi ni Nico, binalik ko daw sakanya."

"Ang hirap naman ng sitwasyon mo bestie. Huwag kang mag-alala, someday, you will find the answers to your questions."

"Sana nga."

Nung sinabi ko kay Shanne ang panaginip ko, may naisip na akong i-paint. Naisipan kong i-paint sa oslo paper yung couple na nasa may sunset tapos nagcoconnect sa mga kamay nila ang infinity sign. Na kahit may sunset, kahit natatapos ang araw, nagdidilim, they will love each other, forever.

Habang nagppaint na ako, napatingin naman ako doon sa painting ni Shanne. Parang familiar yung pinapaint niyang lalaki.

"Sino yan? He looks familiar." Sabi ko.

"Hulaan mo!" Sabi niya with a smile. Papahula niya pa sakin.

Inobserbahan ko yung lalaki sa painting ni Shanne.

Kulot...

May dimples...

Maganda actually pag naging babae.

Oh my munggo. Anak ng munggo. Anak ng ipis. Oh my ipis!!!!!! Si KUYA ZILLLLLLD!!!!!!!!!!!!

"Hala! Si Kuya Zi-----" Tinakpan niya ang bibig ko dahil malakas ang pagkakasabi ko.

"Hindi kaya!" Deny niya.

"Anong hindi? Siya kaya yan!" Protesta ko.

"Hindi nga, bestie."

"Eh sino yan?"

"Basta."

Wala nang effect sakin ang pagtanggi ni Shanne. Basta, si kuya Zild yung pinapaint niya.

"Shanne, alam mo huwag ka ng mahiya. Boto naman ako sayo para kay kuya Zild. Yieeeeeeeee!" Sabi ko.

"Manahimik ka nga diyan bestie. Hindi nga ito si kuya Zild. Kulit hah. O yang lalaki? Sino yan? Si Nico?"

"Hindi ah."

"Sino? Si Nikkoi?"

"Hindi rin."

"O sino?"

"Ewan ko din eh."

"Huwag kang mag-alala bestie, magkakaroon rin ng identity yang lalaki."


After an hour natapos din ang painting namin, so lunch na.

"Shanne, bestie kumain ka muna nga. Mamaya na yang social media." Sabi ko. Paano kasi tutok na tutok sa cellphone.

"Paano kasi tingnan mo mga tweets ng kuya Zild mo." Sabi niya sakin. Kinuha ko ang cellphone ko at agad nag-Twitter.

Bumungad sa akin ang mga tweets ni kuya Zild.

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon