KABANATA THIRTY-TWO
[ Allergic ]
A/N: Short chapter!
------------------------------
FARFALLA's POV
"Ayaw ko ngang sumama, kuya Zild."
"Farfalla, isang dinner lang. Kasama si mama. May isang oras ka pa para baguhin ang desisyon mo."
"Saan ba tayo magdidinner?"
"Edi dito sa bahay. Magdadala si mama ng pagkain."
"Ayaw ko pa rin sumama. Di na lang ako kakain."
Kanina pa ako kinukulit ni kuya Zild na mag-dinner. Akala ko naman sa restaurant. Yun pala dito lang sa bahay. Ayaw ko pa rin kumain.
"Farfalla, sige na. Kahit para kay mama na lang. Huwag mo muna alalahanin si Arizella." Sabi ni kuya Zild. "Please."
"Oo na." Sabi ko.
Nakaupo na kami ngayon sa hapag kainan at sila mama andito na rin. Wala yung bagong asawa ni mama. Siya, si Arizella at Goldie lang.
"Let's eat na!" Sabi ni Arizella.
"Pwede bang dasal muna?" Sabi ni kuya Zild.
"Dasal? Seriously? Abala lang yun." Sabi ni Arizella.
"Alam mo ate, kahit short prayer lang na nagpapasalamat ka sa biyaya na binigay ni Lord." Sabi ni Goldie sakanya.
"Edi magdasal kayo. Basta ako kakain na ako." Sabi ni Arizella at napailing na lang ako. Bastos, grabe. Ayaw ko na lang magsalita.
Kumuha ako ng mga luto ni mama, yung Beef Broccoli. Apat yung putahe. Pero isa lang muna ang pinili ko.
"Anak, tikman mo itong sweet n' sour ko." Sabi ni mama tas binigyan niya ako sa plato ko. Alangan namang tanggihan ko.
Tinikman ko yung sweet n' sour at paglunok na paglunok ko, agad na akong nakaramdam ng kati-kati sa braso ko. At pati sa leeg.
"Ate Farfalla, ayos ka lang?!" Sabi ni Goldie.
"Mama, ano itong sweet n' sour mo?!" Tanong ni kuya Zild. Halos hindi na ako makahinga.
"Sweet n' Sour na Pusit." Sagot ni mama. Allergic ako sa pusit! Teka, parang di ko na kaya.
"Allergic si Farfalla sa pusit. Di mo na ba alam?" Sabi ni Tita Aimee kay mama.
"Oo nga pala, nakalimutan ko!" Sabi ni mama at nakikita ko na naluluha siya with my eyes half opened.
"Nakalimutan mo na allergic ako sa pusit mama kasi hindi mo na ako binigyan ng atensyon."
BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...