KABANATA FIFTY-EIGHT
[ The Real Nikkoi ]
-------------------------
THIRD PERSON's POV
"Sinong hahanapin ninyo sa Baguio? Eh samantalang nandito ako." Nagulat ang lahat sa binitawang salita ni Unique Salonga.
Nanlaki ang mga mata ni Blaster, nanlaki rin ang mga mata ni Badjao, si Shanne, speechless. Ang mama ni Farfalla, gulat na gulat.
"I-ikaw si Nikkoi?" Tanong ni Zild sa kabanda.
"Ako si Nikkoi. Yun yung tawag sa akin nung bata pa ako." Sagot ni Unique.
"You are the real Nikkoi?" Tanong ni Shanne. "Pero bakit may gumagaya sayo? Yung si Nico?"
"Si Nico ba kamo? Bata palang kami, mainit na ang dugo niya sakin. Lalo na kapag lumalapit ako doon sa kababata namin na babae." Sagot ni Unique.
Lantad na ang katotohanan. Si Unique ang totoong Nikkoi.
"Unique, anong naaalala mo tungkol sa kababata mong babae?" Tanong ni Zild.
"Mga katangian ni Farfalla. Allergic sa pusit, mahilig sa chicken fillet ng McDo, may kwintas na infinity kulay gold at yung kwintas na yun nasa kwarto mo Zild." Sabi ni Unique.
"He's the real Nikkoi nga." Sabi ni tita Aimee.
"Ikaw nga si Nikkoi." Sabi ni Zild.
"Teka lang! May iba pang paraan para malaman kung ikaw talaga ang the real Nikkoi." Sabi ni Blaster. "Saglit lang! May kukunin ako."
Ngayon na alam na ng lahat maliban kay Farfalla na si Unique ay si Nikkoi, papano na. Magiging mahirap din ang sitwasyon dahil si Nikkoi ang first love ni Farfalla. Si Blaster ang lover boy niya ngayon. Sinong pipiliin niya? Panigurado, may masasaktan sa magkaibigan.
Kinuha ni Blaster yung nakita niyang larawan na naka-frame doon sa lumang box kung saan nahanap niya yung ipis, at pagkatapos bumaba siya.
"Unique, ikaw ba ito nung bata ka?" Tanong ni Blaster sa kabanda.
"Ako nga iyan." Sagot ni Unique at yun na ang totoo. He's the real Nikkoi. Si Unique Torralba Salonga ang totoong Nikkoi. "Si Farfalla ba iyan nung bata siya?"
"Ang anak ko yan." Sabi ng mama ni Farfalla.
"Nagkita na pala kami ng kababata ko." Sabi ni Unique. "At ngayon na nawawala siya dapat lang na hanapin natin siya para malaman niya ang totoo."
Sumakay na ang lahat sa bagong biling van nila Badjao at Aimee, at pagkatapos dumiretso na sila papuntang Baguio.
Sa kabilang banda, ang dalaga na si Farfalla, nakalabas mula sa bahay kung saan siya kinulong ni Nico— ang pekeng Nikkoi.
Tika-tika, at gutom na gutom. Dahil kahapon, yung araw na kinuha siya ni Nico, pinagtulungan siya ni Crystal at Nico na saktan. May mga sugat siya sa legs at paa. At nagawa din nilang pukpukin siya, para magkaroon siya ng amnesia. Ang kunwari, di na siya makaalala. Pero hindi, nakakaalala pa rin siya.
Wala si Nico ngayon. Bumalik sa Maynila. Buti na lang nakalimutan nitong ilock ang gate.
Naglalakad si Farfalla papunta sa isang sari-sari store na may telepono.
"Ate, ate pwede po bang makitawag?!" Tanong niya.
"Ay juskong bata ka! Anong nangyari sayo?" Tanong ng ale na nagtitinda.
"Mahaba po ang kwento." Sagot ni Farfalla. Alam niya sa sarili niya na hindi pa siya nakakalimot. Siya si Farfalla Daniella Benitez De Castro. Best friend niya si Shanne. Tita niya si Aimee. Manliligaw niya si Blaster, at marami pa siyang naaalala.
"Sa telepono ba?" Tanong ng ale.
"Kung maaari ho sa cellphone na lang."
Binigay ng ale ang kanyang cellphone kay Farfalla at tinawagan neto ang kanyang kuya Zild.
"Kuya... sumagot ka please..."
Sumagot naman si Zildjian.
"Hello, sino ito?"
"Kuya! Kuya Zild! Si Farfalla ito. Tulungan mo ako. Andito ako sa Baguio." Mangiyak ngiyak na sabi ni Farfalla.
"Saan ka sa Baguio ah?! Ayos ka lang ba?!"
Tinanong ni Farfalla ang kanyang lokasyon sa ale at sinabi ito sakanyang kuya.
"Kuya Zild, bilisan ninyo. Puntahan niyo na ako dito."
"Oo Farfa---"
"Puntahan mo ang kapatid mo sa may bangin dito sa Baguio. Sasabihin ko saan."
At binuhat ni Nico si Farfalla para di na tuluyang makausap ang kanyang kuya. Ang cellphone ng ale naiwan sa sari-sari store, hindi nakahingi ng tulong ang ale dahil nag-CR saglit.
Ano kayang pwedeng mangyari.. sa bangin? Sana walang buhay ang magtatapos.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...