KABANATA TWENTY-SEVEN
[ Saturday, Laundry Day ]
---------------------------
FARFALLA's POV
"Bonux!"
"Downy!"
"Bonux!"
"Downy!"
"Bonux nga!"
"Downy nga kuya Zild eh!"
"Bonux nga Farfalla!"
Kanina pa kami nagtatalo ni kuya Zild dito kung anong sabon na panlaba ang gagamitin. Kasi Sabado ngayon. At kapag Saturday, Laundry Day.
"Downy kaya yung pinanlalaba nila tita Aimee!" Sabi ko kay kuya Zild.
"Bonux yun!" Protesta ni kuya Zild.
Maaga kaming gumising ni kuya Zild para maglaba. Kaso hanggang ngayon wala pa kaming nasisimulan dahil nagtatalo kami.
"Ano bang pinag-aawayan ninyong magkapatid?" Tanong ni tita Aimee. "Jusko, naririnig namin kayo ng tito Badj ninyo, ang sarap ng tulog namin."
"Ay sorry po tita Aimee, kasi si kuya Zild! Ang kulit! Bonux daw yung ginagamit na sabong panlaba." Sabi ko.
"Eh mas makulit po itong si Farfalla. Pinipilit Downy!" Sabi naman ni kuya Zild.
"Pambihira kayo, ang babaw ng pinag-aawayan ninyo." Sabi ni tita Aimee. "Nakakaloka."
"Hay nako, kayong dalawa diyan, tigilan niyo na ang away ninyo Zildjian at Farfalla. Dahil walang tama sa inyo. Hahahahahhahahahahahahahaa." Sabi ni tito Badj tas natawa siya. Kung walang tama sa amin, ano ang ginagamit na sabon panlaba?
"Ano po bang sabon ang ginagamit panlaba?!" Sabay namin tanong ni kuya Zild.
"TIDE!!"
Tide pala! Hindi Bonux! Hindi Downy! Kundi Tide!
"Tide lang pala yun Farfalla. Nag-away pa tayo." Sambit ni kuya Zild.
"Ikaw kasi!" Sabi ko.
"Since maglalaba kayong dalawa, magdadate muna kami ng tita niyo ha. Kayo bahala dito sa bahay." Sabi ni tito Badj. "Magdadate kami para may baby na ulit dito sa bahay!"
JUSKOOOOOOO!
"Loko ka talaga Badjao!" Sabi ni tita Aimee at nagtawanan lang kami.
"Siguro kung nandito pa si papa, baka ganyan din sila kasaya ni mama." Reaksyon ni kuya Zild.
"I agree, kuya." Sagot ko. "Uhm kuya Zild anong lalabhan mo?"
"Yung mga damit namin ni tito Badj syempre! Tas sayo mga damit ninyo ni tita Aimee. Alangan naman maglaba ako ng pant-----"
"Oo na kuya! I get it na!"
Pagkatapos kong maglagay ng sabon sa palanggana, ilalagay ko yung mga damit namin doon ni tita Aimee. Kaso nga lang...
"TAO PO!"
Si kuya Blaster ata yun.
"NAMAMASKO PO!"
"Buksan mo nga yung gate natin Farfalla, andito si hari ng mga basang burger." Mamaya pa sana kami maglalaba ni kuya Zild sa likuran ng bahay pero since lalabas na ako, doon na lang din kami maglalaba hindi na sa lababo.
Pagbukas ko ng gate bumungad sa akin ang ngiti ni kuya Blaster tapos may dala-dala siyang Surf?!
"Hi kuya Blaster! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...