Kabanata 19

121 5 9
                                    

KABANATA NINETEEN

[ Farfalla's Answer + The Formal Panliligaw Day One ]

----------------------------

BLASTER's POV

"So, kaya ka nag-set up ng ganito para tanungin mo ako formally?" Natatawang tanong ni Farfalla.

"Oo. Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman."

"Eto na, I'm gonna ask you, formally." Sabi ko ng may kaba, syempre hindi naman ako sigurado kung may chance ako. "Ako si Blaster Silonga. Gitarista, minsan barbero, always lutang, matagal ng naghihintay ng sagot ng taong mahal ko. Farfalla, pwede na ba kitang ligawan?"

Medyo matagal siyang nag-iisip. Naiintindihan ko naman bakit matagal siyang mag-isip. Siguro dahil iniisip niya din yung kababata niyang si Nico.

Siguro baka iniisip din ni Farfalla na baka ligawan siya ni Nico kaya baka hindi ang i-sagot niya sa akin. Pero kung sakaling mag-hindi siya sa akin, maiintindihan ko. Pero never kong susukuan si Farfalla.

"Hmmmm..."

Kinabahan ako doon sa 'Hmmmm' ni Farfalla. Kasi malapit na siyang sumagot. Yung mga kamay ko, nanginginig talaga. At sa totoo lang, pinagpapawisan na ako sa kaba.

"Farfalla, kinakabahan na ako." Sabi ko at ngumiti siya sa akin.

"Kuya Blaster, ano nga ulit yung tanong mo sakin?"

Anak ng koko krunch! Akala ko sasagot na siya. Lalo pa akong kinabahan doon. Pambihira. Para siguro malinaw, uulitin ko ang tanong ko.

"Farfalla, pwede na ba kitang ligawan?" Tanong ko ulit ng mas kalmado at walang kaba.

"Pwedeng-pwede."

ANO DAW?! "PWEDENG-PWEDE" ?! SERYOSO SIYA DOON?! Hala! Totoo?! I can't believe this!!!

"Seryoso ka ba diyan?"

"Ayaw mo? Bahala ka. Huwag na lang."

"Hindi Farfalla, joke lang. Syempre gusto ko! Yes, salamat! WOOOOO!"

Pinayagan pa lang ako ni Farfalla na ligawan siya, masaya na ako. Para akong lumilipad sa saya. Paano pa kaya kapag pinakasalan niya ako? Edi nasa cloud nine na ako noon? Ay grabe. Kasal agad? Syempre huwag muna.

"Ang sayo mo, kuya Blaster. Yung ngiti mo, abot langit." Sabi ni Farfalla.

"Syempre naman. Basta bukas, ang start ng formal kong panliligaw sayo. Sa ngayon, kumain muna tayo."

Ang nagsserve ng pagkain namin ay yung tatlo. Si Tito Badj, Zild, at Unique. Lahat ng pagkain, niluto ni mama.

"Kuya Blaster, ang sarap ng luto ni tita. Sabihin mo thank you."

"Balang araw, mama na rin ang itatawag mo sakanya."

"Huh? Bakit naman?"

"Kasi magpapakasal tayo, yieeeee!"

"HOY BLASTER MITCHELLE, KASAL KASAL KA DIYAN!" Rinig kong sabi ni Zild at parehas kaming tumawa ni Farfalla.

"Yari ka na naman kay kuya Zild niyan," Sabi ni Farfalla.

"Hayaan mo siya. Nagbibiro lang naman ako." Sagot ko.

Pagkatapos namin kumain ng mga ulam ulam, dessert na. At ang dessert namin ay ice scramble na nakalagay sa malaking bowl.

"Anong klaseng ice scramble ito? Nasa bowl?"

"Nako, Farfalla, sinadya kong ipa-bowl yan para hindi ka mabitin. Alam ko kasi favorite mo yang ice scramble."

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon