Kabanata 24

100 4 0
                                    

KABANATA TWENTY-FOUR

[ Yakap ]

-----------------------

UNIQUE'S POV

"Pre, saan ang gig natin ngayon?" Tanong ni Zild sa akin. Kasi ngayon, nagppractice kami may gig kami mamaya.

"Sa Route 196." Sagot ko.

"Sasama pala sila Farfalla mamaya." Sabi naman ni tito Badj.

"Yes! Sasama si inspiration ko." Tuwang-tuwang sabi ni Blaster. "Ikaw, Zild isama mo na rin yung nagpatubo diyan sa tigyawat mo sa ilong."

Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi ni Blaster. Paano kasi si pareng Zild, may tigyawat sa ilong.

"Kanino ka ba inlove, Zild?" Tanong ko naman.

"Kanino pa? Edi doon sa best friend ng pamangkin kong isa." Sagot ni tito Badj.

"Hindi naman ako inlove kay Shanne." Kaila ni Zild. Nako Zildjian, huwag kami.

"Utot mo, honeybunch." Sabi ni Blaster.

"Magpractice na nga tayo." Sabi ni Zild. "Huwag niyo ng pansinin ang tigyawat ko at huwag niyo na akong asarin kay Shanne."

Nagpractice na lang kami at prinactice ang mga ibang kanta namin, maliban sa Ilaw Sa Daan. Meron na kaming naggawa na mga bago. In My Prison, Spin The Bottle, Isang Pag-Ibig, atsaka I Love You.



Andito na kami sa Route 196 at bago kami makapasok, may tinanong si Blaster sa akin.

"Unique my porebs, may itatanong ako." Sabi ni Blaster. Seryoso? Porebs? Walang forever.

"Walang forever, Ter." Sabi ko. "Anong itatanong mo?"

"Nahanap mo na ba yung kababata mo?" Tanong niya. "Kung hindi pa, huwag ka mag-alala tutulungan kita."

"Hindi pa nga eh. Nako, Ter huwag na. Kaya ko na yun." Sabi ko.

"Alam mo Unique, kapag may sign ka na nakikita na naglelead sa kababata mo, sabihin mo lang sa amin. Para matulungan ka namin." Sabi ni Zild.

"Salamat, pare." Sabi ko.



Bago kami magsimula nakita na namin sina Farfalla, Gelo, Tita Aimee, at si Shanne. Nakaupo na sa harapan.

Nakita ko nga din yung babae na pinabaunan si Blaster noon ng burger. Lagi siyang nandito sa gig namin.

Nagsosound check palang kami pero chineer na kami ni Farfalla.

"GO, IV OF SPADES!"

"Thank you, Farfalla! Labyu!" Sabi ni Blaster at napailing si Farfalla tas sinapok ni Zild si Blaster.

"Labyu labyu ka diyan, soundcheck
muna." Sabi ni Zild.

Hindi ko alam bakit. Kapag nakikita ko si Farfalla na ngumingiti, may naaalala ako. Hindi ko alam kung ano o sino.

Tas hanggang ngayon di ko pa rin mabura sa utak ko yung kwintas na silver na nakita kong suot niya. Yung may infinity sign. Natatandaan ko pa kasi na may binigay akong kwintas doon sa kababata ko. Kulay gold. Nung una nga akala ko si Farfalla na kababata ko, pero hindi pala. Similar lang yung kwintas niya at nung kababata ko. Color lang ang difference.

Sana okay lang yung kababata ko. Sana ayos lang siya kung nasaan man siya. Sana wala pa siyang iniibig dahil iibigin ko pa siya.

-----------------------------

FARFALLA'S POV

May mga bagong kanta ang IV OF SPADES at nakakabless sa ears ang mga songs nila. Grabe! Hindi lang sila ang nandito sa Route 196 kundi pati Ben&Ben at Autotelic. Nakakabless din sa ears ang mga songs nila.

"Ang saya ng gabing ito. Grabe yung mga banda, wooooo! I really love OPM." Sabi ni kuya Gelo.

"Let's love and support OPM." Sabi ni Shanne.

Last song na ng IV OF SPADES pero di ko ata matatapos dahil naiihi ako.

"Guys, ihi lang ako."

"Sige pamangkin." Sabi ni tita Aimee.

Pumunta ako ng CR at umihi na. Bago ako lumabas ng cubicle ay may narinig akong babae parang may kausap sa phone.

"Freeen, alam mo kanina nasa harap ako habang pinapanood IV OF SPADES. Juskoooo, kinikilig ako. Yun nga lang sayang kasi wala ata akong pag-asa kay Blaster, kasi may inay-Labyu siyang girlalu kanina." Sabi neto. Parang kilala ko ito. Siya si Jolli Girl! Lagi siyang nasa gig ng IV OF SPADES. May gusto siya kuya Blaster? "Pero di bale, mahuhulog din sa akin si Blaster."

Hala. Grabe. Teka nga, bat ba ako sobrang affected? Gusto ko na rin ba si kuya Blaster? Hala. Anak ng tutubi.

Lumabas ako nung wala na siya. Paglabas ko may dalawang lalaki na nasa labas. Tila nag-aabang ng mga babaeng dumadaan sa CR na ito. Mukhang mga manyakis.

"Padaan po," Sabi ko.

"Miss, hindi pwede." Sabi ng lalaking matangkad na maputi. "Ano muna pangalan mo?"

"Ano ba! Padaanin niyo ako." Sabi ko.

"Hindi pwede hangga't di ka pumapayag na sumama samin." Sabi ng kasama niya na hindi ganoon katangkaran at may hikaw sa labi.

"Ano bang kailangan ninyo sa akin?!" Sigaw ko. "TULONG!" Sigaw ko ulit dahil hinawakan na nila ako sa braso.

"Sarap mong i-uwi."

"YUCK! KADIRI! TULONG TULONG!"

"HOY MGA SIRA!" Nagulat ako sa boses na yun at sinabunutan ang dalawang manyakis.

Si Unique pala!

"Hoy, payatot! Sa tingin mo may magagawa ka?" Tanong nung matangkad.

"Meron!" Sabi ni Unique. Pareho niyang pinagsisipa ang mga ito sa mga Batanes nila. At tumumba. Pinagsusuntok ni Unique yung isa ako naman sinipa ko na yung isa.

"Tara na, pre!" Sabi nung may hikaw sa bibig at umalis na sila.

"Farfalla ayos ka lang ba?" Tanong ni Unique tas niyakap ako.

"Oo, Unique. Ayos lang ako. Salamat." Sabi ko at kumalas sa yakap niya. "Huwag mo na itong sabihin kila kuya Zild. Magbebeast mode ang mga yun."

"Sige." Sabi ni Unique.

Kaninang yakap ako ni Unique, may naramdaman ako na kakaiba. Hindi ko alam kung ano. Basta, meron akong naramdaman na kakaiba.

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon