Kabanata 57

74 4 0
                                    

KABANATA FIFTY-SEVEN

[ Strawberry ]

----------------------------

BLASTER's POV

Bago ako pumunta kila Farfalla, namamalaman muna ako ng sandwich dito sa kusina namin.

Ang palaman ay strawberry jam. Sigurado naman ako na magugustuhan ito ni Farfalla. Wala naman hindi kinakain yung labs ko maliban nga lang sa pusit.

Mga limang sandwich ang pinalaman ko at nilagay sa tupperware na pang-sandwich. Lumabas na ako ng gate ng bahay namin at nakita ko si Crystal?! Anong ginagawa niya dito?! Bakit alam niya yung bahay namin?!

"O, Crystal ikaw pala! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Malapit lang kasi yung bahay namin dito. Naisip ko na bisitahin ka. Kaso parang aalis ka ata?"

"Oo eh. Aalis ako, pupunta ako sa bahay nila Farfalla. Dadalhan ko siya ng sandwich na may strawberry jam." Sabi ko.

"Ganoon ba? Pwede bang ihatid mo ako sa 7/11? Magkakape lang ako. Ayaw ko na kasing mag-taxi eh. Nagtitipid ako sa pamasahe."

Blaster, resist temptation. Hindi ang tukso ang lalayo sayo, kundi dapat ikaw. Lumusot ka Blaster. Lumusot ka. Kahit na ihahatid mo lang si Crystal, huwag. Tanggihan mo. Lalo na maraming Spaders ang nakaalam na si Farfalla ang mahal mo, Ter. Baka ano isipin nila kapag nakita kami magkasama ni Crystal.

"Uhm sorry Crystal, di kita mahahatid. Baka kasi pagdating ko kila Farfalla hindi na masarap itong sandwich. Sorry ah." Sabi ko.

"Sige, ayos lang." Sagot niya. "Pero kahit hindi na sa 7/11? Pabalik na lang sa bahay namin? Okay lang ba?"

"Oo na."


Hinatid ko si Crystal sa bahay nila at pagkatapos dumiretso kila Farfalla. Sakto din naman, nakita kong bumaba si Shanne sa may tricycle.

"Shanne ikaw pala!" Sabi ko.

"Hello, kuya Blaster! Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Papatikim ko kay Farfalla yung sandwich na pinalamanan ko ng strawberry jam." Sagot ko. "Ikaw ba?"

"Dadalhan ko siya ng strawberry. Galing kasi sa Baguio si papa."

"Tara, katok na tayo."

Kumatok kami ni Shanne at binuksan agad ni Zild ang gate. "Kayo pala, pasok kayo." Bakit parang pang-Biyernesanto ang mukha ni Zildjian?

Pumasok kami sa bahay nila at naabutan namin sila Tita Aimee, Goldie, mama ni Farfalla, tito Badj na parang may nangyaring masama. Yung mga mukha nila, parang pang-Biyernesanto.

"Kung si Farfalla, ang hanap ninyo wala siya dito." Sabi ng mama ni Farfalla na umiiyak.

"Ano pong nangyayari?!" Tanong ni Shanne.

"Nawawala si ate Farfalla..." Sabi ni Goldie. Nabitawan ko ang tupperware na may sandwich at si Shanne naluluha na. Nabitawan na rin niya ang mga nakasupot na strawberry.

"Paano siya nawala?!" Sabi ko ng pasigaw. Kaya pala kagabi pa, may nararamdaman akong kakaiba.

"Kinuha siya nung Nico na yun!" Sagot ni Zild. "Para daw hindi na hanapin ni Farfalla yung totoong Nikkoi at para makuha ni Crystal si Blaster."

Sinasabi ko na nga ba may masamang balak si Crystal! Kaya lagi siyang umaaligid sa akin.

"Nasaan daw sila?" Tanong ko. "May lead na ba ang mga pulis?"

"Hindi nga namin alam nasaan eh." Sabi ni tito Badj. "Sinabi palang namin na nawawala si Farfalla at dinescribe si Nico."

"Teka lang... parang may sign na si God." Sabi ni tita Aimee. "Alam ko na saan. Tutal may BA yung lugar. Sa BAGUIO! Ang mga strawberry ni Shanne ang sign ni God."

---------------------------

SHANNE's POV

Ngayon ko na ba dapat sabihin ang totoo? Yung narinig ko na hindi si Nico ang totoong Nikkoi.

"May sasabihin po ako." Sabi ko. Para ito sa ikabubuti ng lahat lalo na ng best friend ko. Nasa kamay siya ng maling tao.

"Ano yun, Shanne?" Tanong ni kuya Zild.

"Nung minsan, nag-outing kami ng family ko. Nag-ikot ikot muna ako sa buong resort. At napunta ako sa pool ng mga may koi fish. Si Arizella, andoon siya may kausap sa phone." Sambit ko. "At narinig ko na ang may pakana din pala doon sa blueberry smoothie ay si Nico. Kapag pala nainom yun ni Farfalla, kukunin siya ni Nico sa ospital at papalitawin na patay. Hindi rin siya ang tunay na Nikkoi."

"Dapat pala hinayaan ko na lang na patayin ako ni Nico kesa mapahamak ang anak ko!" High blood na sabi ng mama ni Farfalla at umiiyak na rin siya. Ako, naiiyak na rin.

"Hanapin natin si Farfalla at Nikkoi sa Baguio!" Sabi ni tito Badj. Aalis na sana kami pero biglang bumukas ang pinto. Si Unique pala at nagtanong siya.

"Sinong hahanapin ninyo sa Baguio? Eh samantalang nandito ako."

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon