KABANATA TWENTY-TWO
[ Tigyawat sa Ilong ]
-------------------------------
FARFALLA'S POV
Paggising ko sa umaga, rinig na rinig ako ang tawa ng mga taong kasama ko dito habang kumakain na ng almusal.
"Good morning." Bati ko.
"Good morning Farfalla, my loves!" Sabi ni kuya Blaster. Nandito din si Unique. Si tito Badj at tita Aimee syempre sweet as always. Si kuya Gelo andito din.
"Good morning sa mahal na mahal ni Blaster." Bati ni kuya Gelo at natawa naman ako.
"Nasaan ang kuya mo?" Tanong ni Unique.
"Tulog pa ata yung kulot na yun." Sagot ko.
"Teka nga, di ka papasok?" Tanong ni kuya Blaster. "Late ka na ah."
"Hindi muna ako papasok. Baka mamaya pag-initan na naman ako ni Arizella." Sagot ko. Hanggang ngayon kasi di ko pa rin makalimutan ang ginawa niya sakin. Dumugo pa tuloy ilong ko.
"Bakit hindi mo kami tinawagan kahapon? Eh di sana napagsabihan namin yung umaway sayo at nagtama sayo ng bola. Ano nga ba ulit pangalan nun?" Sabi ni tita Aimee.
"Arizella po tita. Hayaan niyo na siya. Tsaka andoon naman po si kuya Zild." Sabi ko tas kumain na ako ng almusal.
"Si Zild lang?" Tanong ni kuya Blaster. "Tss."
"Aroy!" Reaksyon ni Unique.
"May nakakalimutan ka ata, pamangkin." Sabi ni tito Badjao.
"Nandoon naman po si Kuya Zild, si Shanne, atsaka si kuya B." Natatawa kong sabi.
"Yang kuya B ba na yan, gwapo? Magaling magluto? Manggupit? Lutang? Corny mag-joke? Maganda boses? Mahal na mahal ka ba niyan? Tanong ni kuya Blaster. Talagang gusto niya banggitin ko siya ah.
"Magaling magluto, check. Manggupit, check. T-trim na niya niyan bangs netong si Unique. Humahaba na eh. Oo, sobrang corny mag joke. Maganda boses. Mahal na mahal ako? Yata? Di ko pa sure, nanliligaw pa lang eh. Yung gwapo? Teka lang, gigisingin ko na si kuya Zild masyado ng masarap ang tulog." Sabi ko at natawa silang lahat.
"May nagtatampo na..." Sabi ni kuya Gelo. "May nagtatampo na, nagtatampo, nagtatampo."
"Oo na kuya Blaster ikaw na! HAHAHAHAHAHAHAH." Tawa kami ng tawa lahat.
"Kala ko nakalimutan mo na ako eh." Sabi ni kuya Blaster. "Pero seryoso gwapo ako?"
"Walang taong pangit." Sabi ko naman.
"Gisingin ko na kaya si Zildjian?" Tanong ni tita Aimee.
"Gising na po ako." Nagulat kami sa boses na parang kulob?
"Kuya Zild, good morning!" Bati ako at nanlaki ang mga mata ko kasi nakatakip ang ilong at bibig niya ng panyo! Napano ito?
"Aba, napano ka pare?" Tanong ni Unique.
"Ah eh wala, nakatrip lang ako." Sagot ni kuya Zild. Huh? Anong klaseng trip yan?
"Nakadrugs ka ba, honeybunch?" Tanong ni kuya Blaster. Tas tumawa siyang malakas.
"Hindi ah! Mas mukha ka pa ngang nakadrugs kaysa sakin." Sabi ni kuya Zild. Teka nga? Paano makakain si kuya Zild kung nakatakip bibig niya? Jusko.
"Baka ayaw lang ng pamangkin ko na maamoy natin yung hininga niyang amoy imbornal." Halos matanggal panga ko kakatawa sa sinabi ni tito Badj. Si Unique pati ngalangala litaw pag tumawa siya grabe. Si kuya Blaster at kuya Gelo, halos mahulog sa upuan kakatawa. Si tita Aimee hina-hampas hampas si tito Badj habang humahalakhak.
"Ang harsh." Sabi ni kuya Zild. "Hindi naman sa ganoon. Tuwang-tuwa kayo sa sinabi ni Tito Badj ah. Tinatry ko lang magpanyo kasi baka mas bagay kong maging hypebeast kaysa maging vintage man."
Hindi acceptable ang reason ni kuya Zild. Alam ko, nararamdaman ko, may ibang rason. At aalamin ko yun, kuya Daniel Zildjian. Hindi ko hahayaan na matapos ang araw na ito ng di nalalaman ang tunay na dahilan.
"Ter, may itatanong ako." Sambit ni kuya Gelo.
"Ano yun?" Tanong ni kuya Blaster.
"Bakit wala kang tigyawat sa ilong eh inlove ka?" Tanong ni kuya Gelo. Totoo ba yun?
"Baka hindi pa tumutubo." Sagot ni kuya Blaster.
"Ay true yan!" Sabi ni tita Aimee. "Nung super inlove na inlove na ako kay Badj, paggising ko, may tigyawat na ako sa ilong."
"Tita Aimee grabehan naman ata ang pagkainlove mo kay tito Badj. Super na nga inlove na inlove pa!" Sabi ko.
"Ganoon kami sa isa't-isa. Super inlove na inlove." Sabi naman ni tito Badj. Ang sweet nila grabe. Natutuwa ako sakanilang dalawa.
"Kayo na may lablayp." Reklamo na naman ni Unique. Nakakalungkot lang kasi hindi pa niya nahahanap yung kababata niya. Sana mahanap na niya at sana magkita sila, balang araw.
"Magkakalab layp ka din, Unique. Bibigyan ka ni God." Sabi ko at nginitian niya ako.
Pagkatapos kong hugasan ang mga plato, nagdadaldalan pa ang IV OF SPADES, with Tita Aimee and Kuya Gelo. Tas si kuya Zild...
"Maliligo lang ako, guys." Sabi niya at umakyat papunta sa kwarto niya, dali-dali ko siyang sinundan.
Eto strategy ko, sisigaw ko pangalan niya tapos tatanggalin ko yung panyo sa mukha niya.
1, 2, 3!!!!!!!!
"KUYA DANIEL ZILDJIAN!" Sabay tanggal ng panyo.
"HALA! FARFALLA DANIELLA!" Sigaw niya rin sakin with a gulat face at humarap siya sakin.
Kaya pala...
Kaya pala nakatakip ng panyo ang ilong at bibig niya kanina.......
Siguro... in love na siya.
"KUYA ZILD, MAY TIGYAWAT KA SA ILONG?!?!?!!!!!!!!"
________________________________________
BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...