KABANATA FIFTY-FIVE
[ Baguio ]
-------------------------------
FARFALLA's POV
"Pamangkin, sigurado ka bang makikipagkita ka diyan kay Crystal?"
"Opo, tito Badj. Sa isang Japanese restaurant. Nag-message kasi siya sa akin kahapon sa Twitter. She wanted to apologize daw po sakin."
"Sige, ingat ka Farfalla." Sabi naman ni tita Aimee. "Tawagan mo lang kami kapag may nangayring masama."
"Opo, tita."
Si kuya Zild hindi niya alam na makikipagkita ako kay Crystal. Mag-tatanghali na pero tulog parin kasi siya. Napuyat kagabi sa gig.
"Crystal, ano nga palang sasabihin mo sa akin?" Tanong ko habang kumakain ng tempura.
"I just wanted to apologize kasi. May realizations ako na Blaster is yours na. At ikaw ang mahal ni Blaster, kaya dapat hindi na ako naghahabol. I'm very sorry, Farfalla."
"Sincere ba yan?"
"Sincere, I'm so sorry, Farfalla."
"Apology accepted." Sabi ko naman.
"Samahan mo pala ako doon sa parking lot. Kukunin ko yung peace offering ko for you." Sabi ni Crystal. Tumayo kami ni Crystal sa pwesto namin at pumunta sa parking lot ng Japanese restaurant.
May kinuha si Crystal sa loob ng kotse niya at pagkatapos biglang sumulpot si Nico.
"Hello, Farfalla! Surprise!" Nagulat ako kay Nico. Bakit siya nandito?
"Crystal, alam mo bang andito si Nico?" Tanong ko.
"No! Hindi ko alam!" Sabi ni Crystal.
"Farfalla, sumama ka sa akin. Pupunta tayo sa Baguio." Napanganga ako sinabi ni Nico. Yayain niya pa ako sa Baguio?!
"Hindi ako pwede, Nico. Hindi alam nila tita Aimee." Sabi ko.
"Sumama ka na sakanya, Farfalla." Sabi ni Crystal.
"Ayaw ko!" Sabi ko.
"Farfalla, halika na. Pupunta tayo sa Baguio. Wala ka bang tiwala sa akin? Diba ako si Nikkoi?" Sabi ni Nico.
"Wala akong tiwala sayo. At alam kong hindi ikaw ang tunay na Nikkoi!" Sigaw ko. "Crystal, tulungan mo naman ako makatakas kay Nico." Si Crystal, nakatayo lang sa may kotse niya. Naka-smirk.
May kinalaman siya dito! Alam niya ito!
"Wala ka ng magagawa Farfalla!" Sabi ni Nico at ang tanging alam ko na lang ay nagdilim ang aking paningin.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...