KABANATA TWENTY-SIX
[ Lockscreen ]
---------------------------------
FARFALLA's POV
"Kuya Blaster, ang sarap ng milkshake." Sabi ko. Halos mga isang oras na kami ni kuya Blaster dito sa food park, kumakain tsaka nagkwekwentuhan.
Kanina napag-usapan namin yung tungkol kay Nikkoi. Sabi ko ibibigay ko ang desisyon ko sa Diyos.
"Talagang masarap. Parehas palang chocolate yung sa atin. Oo nga pala, gutom ka pa? Kasi ako oo. Kaya gusto ko pang kumain ng basang burger."
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam yung basang burger. Hindi ko alam bakit basa.
"Kuya Blaster, tapatin mo nga ako. Ano ba yung basang burger?"
"Burger na basa."
Ay wow hah. Ang ganda ng sagot.
"Jusko ka kuya Blaster. So ano, gutom ka pa? Kakain ka pa?"
"Kakain pa sana ako. Oorderin ko yung burger na malaki yung halos pang group na."
"Busog na ako pero siguro mas maganda kung sabayan kitang kumain!"
"Sige, maganda yan!"
Favorite food talaga ni kuya Blaster yung burger. Ako, lahat favorite ko. Umalis si kuya Blaster saglit para mag-order ng burger. Ako naman andito sa pwesto namin, lumalamon ng tacos habang nagcecellphone. May natanggap pala akong text mula kay kuya Zild.
Kuya Zild Kulotskie:
Farfalla, mag-iingat kayo ni Ter ha. Tsaka sumbong mo siya sa akin pag may ginawa siya sayo.Ako:
Kuya Zild naman. Wala naman gagawin si Kuya Blaster sa akin. Ang bait bait niya noh! Tsaka mahilig siya basang burger 😂😂Kuya Zild Kulotskie:
O sige mag-enjoy kayo sa date ninyo. Si Unique andito sa bahay, kadate kami ni tito Badj kumakain kami 😂 Huwag mo munang sasagutin si Blaster ah!Ako:
Opo kuya, jusko ka!"So, you are here?"
Nagulat ako sa boses na nagtanong sa akin. Pinatay ko ang phone ko at tiningnan siya. Si Arizella pala.
"Oo, bakit? May problema ba?" Tanong ko sakanya pabalik. Hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo ng babaeng ito sa akin.
"Wala naman. Akala ko sinusundan mo ako. Baka kasi mamaya, may gawin kang masama sa akin."
"Bakit kita susundan? Tsaka pwede ba, tigilan mo ako. Wala akong ginagawang masama sayo, Arizella. Basta ako, kumakain ako dito kasama ng–" Ano ko ba si kuya Blaster? Kaibigan? Manliligaw? Oo tama. "Kaibigan ko na manliligaw."
"Hindi ko tinatanong. Basta ako, I'm here to bond with my family."
"Aba, hindi ko rin tinatanong!" Nanlaki ang mga mata niya at inisnaban ako tas umalis na siya.
Kung hindi lang talaga mahaba ang pasensya ko baka mamaya kanina ko pa siya nasabunutan.
"Uy my loves, bakit ka nakasimangot?"
"Wala." Tipid kong sagot.
"Bakit nga? Nako ilabas mo yan."
"Eh kasi naman, andito si Arizella. Tapos ang init init ng dugo niya sa akin."
"May ginawa ba siya sayo?"
"Wala naman."
Kinurot ni kuya Blaster yung pisngi ko at sinabing, "Farfalla, smile ka na. Ayaw ko na sumisangot ka. Gusto ko na masaya ka. Smile na."
Napangiti ako sa sinabi niya at ayun ngumiti naman ako at lalo pang ngumiti nung makita ko ang burger sa harap namin. Ang laki grabe. Pwede ng kainin ng anim na tao. "Mauubos ba natin ito, kuya Blaster?"
"Oo kaya natin yan! Kain na." Sabi niya.
Kinain namin ni kuya Blaster yung burger jusko grabe ang juicy nung patty ang taba pa.
"Masarap noh?"
"Oo naman! Sobra!"
"Hindi na ako magtataka kung yung magiging anak natin, mahilig din sa burger."
Huh? Ano daw? Anak namin?
"Anak talaga natin?" Tanong ko.
"Oo. Kasi ikaw yung napipicture kong asawa at magiging nanay ng mga anak ko in the future." Seryoso niyang sabi. Sa napapansin ko kay kuya Blaster, nanliligaw palang siya pero yung effort niya sumasabog na. Grabe na. Parang hindi nga nanliligaw kasi sobra na siya sa effort sa akin. Tapos pinagppray niya pa ata ako. Tapos sa future plans niya, kasama na ako.
Wala akong masabi sakanya kundi wow grabe.
"Iba ka." Sabi ko sakanya.
"Naimagine ko, sa picture frame, may family picture. Syempre ikaw yung asawa ko." Medyo hiya niyang sabi tas kinikilig pa siya. "Tayong dalawa sa gitna tas may apat na bata nakakandong satin."
APAT?! SERYOSO BA SIYA?! HAY NAKO.
"Apat gusto mong anak?! Kawawa naman asawa mo sa panganganak." Hindi ko naman alam sino mapapangasawa niya kaya hindi ko clinaim na ako. "Marami na ang apat."
"Edi kawawa ka?"
"Huh?"
"Ah eh wala, wala!"
Nakauwi na ako, hinatid ako ni kuya Blaster dito sa bahay ng 10pm. Akala ko mapapagalitan kami nila kuya Zild, Tito Badj, at Tita Aimee pero hindi. Agad nga silang nagtanong kung kamusta date namin. Tas si kuya Zild inaasar ako ang dami ko daw kinain, magmumukha na daw akong siopao face parehas daw kami ni kuya Blaster.
Sa ngayon, nandito ako sa kwarto ko, nakatitig ako sa cellphone ko. Sa picture ni kuya Blaster to be exact. Hindi ko alam bakit. Hindi ko alam bakit kanina ko pa tinitingnan.
Aaminin ko, kinikilig na ako sa mga pakulo ni kuya Blaster. Di ko lang pinapahalata. Pati dito sa picture niya, kinikilig ako. Hala. The feeling is mutual na ata?
Parang meron akong gustong gawin sa picture niya. Hindi ko ipapaframe or papadevelop pero gagawin kong....
LOCKSCREEN.
And to be honest, I don't know the reason bakit gagawin ko itong lockscreen. Is it because it shows that the man behind the sunflower makes me his sunshine? Kinikilig ba ako dahil doon?
BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...