KABANATA FIFTY-TWO
[ Harana ]
----------------------------
UNIQUE's POV
"Anong magandang kulay ng barong?" Tanong ni Blaster habang nandito kami sakanila, nakaupo sa sala. "Ito bang white, blue, o yellow?"
Kaya nagtatanong si Blaster ng magandang kulay ng barong niya kasi mang-haharana siya mamayang gabi. Haharanahin niya lang naman si Farfalla.
Kanina, nakita ko si Farfalla sa grocery store. Sabi niya ililibre niya daw ako kasi yun daw yung way ng pasasalamat niya sakin. Gusto ko nga munang mag-paalam kay Blaster eh.
"Ter, may sasabihin pala ako." Sabi ko sakanya habang namimili siya ng barong.
"Ano yun, Unique? Nahanap mo na yung kababata mo?" Tanong niya.
"Hindi, Ter. Si Farfalla kasi sabi niya ililibre niya daw ako kasi yun daw yung way ng pasasalamat niya sa akin. Okay lang ba?"
"Aba syempre okay lang! Magpapasalamat siya sayo eh."
"Hindi ka galit? Hindi ka nagseselos?"
"Love is not jealous."
Si Zild atsaka si tito Badj kinukumpara nila yung ibang barong kaya di nagrereact sa mga sinasabi ko.
"Alam mo Ter pakiramdam ko, pogi ka dito sa kulay yellow." Sabi ni tito Badj.
"Mas pogi si Blaster sa blue." Sabi naman ni Zild.
"Kahit ano naman suot ko pogi ako eh," Sabi ni Blaster. GGSS talaga.
"Manahimik ka nga, Blaster! Hindi kita payagang mangharana sa kapatid ko eh." Sabi ni Zild.
"Joke lang!" Sabi ni Blaster. "Ano na ngang kulay ng barong ang bagay sa akin?"
"Yung yellow!" Sabi ko.
"O, magmeryenda muna kayo." Sabi ni tita Marites, ang mama ni Blaster. "O Blaster bakit may mga barong diyan?"
"Kasi po mommy mang-haharana po ako mamaya." Sabi ni Blaster. "Ano pong barong ang bagay sakin?"
"Aba, haharanahin mo si Farfalla. Binata ka na nga anak. Alam mo pogi ka sa kulay yellow." Sagot ni tita Marites.
"Edi magy-yellow akong barong!" Sabi ni Blaster. "Panigurado kikiligin si Farfalla sa akin."
Siguro kung nandito lang yung kababata ko, baka niligawan ko na rin siya tulad ng panliligaw ni Blaster.
----------------------------
FARFALLA's POV
"Farfalla, andito si Shanne!!!" Sabi ni tita Aimee sa may labas ng kwarto ko. Pinatay ko ang TV ko dito sa kwarto ko at pagkatapos lumabas ako.
"Asan po siya tita?" Tanong ko.
"Nasa sala."
Bumaba ako at pagkatapos nakita ko na si Shanne sa sala.
"Bestie, nandito ka pala. Gusto mong kumain?" Tanong ko.
"Mamaya na lang bestie. Kumain na ako." Sabi ni Shanne. "Asan nga pala sila kuya Zild?"
"Uy bakit hinahanap mo si kuya Zild?" Tanong ko. "Yieeee."
"Hindi kasi napansin ko wala sila pati si tito Badj." Sabi niya.
"Nandoon daw sila kila kuya Blaster siguro nagppractice para sa gig." Sabi ko.
"Shanne, dito ka na mag-dinner ah. Tutal 7pm na, kakain na niyan kami." Sabi ni tita Aimee.
"Okay po tita." Sabi ni Shanne. "Oo nga pala bestie, may sasabihin pala ako sayo."
"Ano yung sasabihin mo bestie?" Tanong ko. "Importante ba?"
"Sobrang importante." Sabi ni Shanne. "Kasi diba nung minsan, nag-outing kami ng family ko. Pagkatapos kong kumain ng lunch, inikot ko ang buong resort."
"Tapos?"
"Napunta ako sa isang pool na may koi fish. Nandoon si Arizella at naririnig ko kausap niya sa phone
si—"Naputol ang sasabihin ni Shanne nung biglang may narinig kaming tunog ng gitara sa labas at kumakanta.
"Alam mo bang may gusto akong sabihin sa'yo. Magmula ng nakita ka'y naakit ako..." Kay kuya Blaster boses yun ah. "Simple lang na tulad mo ang pinapangarap ko. Ang pangarap ko."
"Farfalla, labas ka na. Parang may nanghaharana sayo." Sabi ni tita Aimee.
"Oh my gahd bestie! Hinaharana ka ni kuya Blaster. Tara labas." Sabi ni Shanne. Lumabas kami ng bahay at dito sa terrace, nakatayo kaming tatlong babae. Tas ang IV OF SPADES nasa may gate. Si kuya Blaster hinaharana ako. Nakabarong pa siya!
"Kaya sana'y maibigan mo ang awit kong ito. Para sayo, dahil..."
Unti-unti siyang lumapit sa akin.
"Simple lang ang pangarap ko. Mahalin nang katulad mo. Sana ay mapansin mo, dahil simple lang ang pangarap ko. Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko. Simpleng tulad mo."
Nang matapos yung parte na iyon, may inabot sakanya na bulaklak si kuya Zild. Gumamela na kulay pink. Nilagay sa may tenga ko at pagkatapos kumanta siya ulit.
"Alam mo ba na lalo kang gumaganda sinta. Sa simple na katulad mo ako'y nahulog na nga.
Lahat ay gagawin ko para mapaibig ka sinta. Kaya sana'y maibigan mo ang awit kong ito para sayo
dahil... Simple lang ang pangarap ko mahalin nang katulad mo.
Sana ay mapansin mo, dahil
simple lang ang pangarap ko. Maging ikaw at ako ang tanging ligaya ko. Simpleng tulad mo.""Ang effort mo kuya Blaster, nangharana ka pa."
"Farfalla, ang tanging ligaya ko ay ikaw. Ang simpleng tulad mo, pinaibig ako. Pero mas magiging maligaya ako kapag naging ikaw at ako. Nagustuhan mo ba yung pang-haharana ko sayo?"
"Oo naman." Sa totoo lang, kinikilig na nga ako pero hindi ko muna pwedeng ipakita.
"Nahirapan pa yang mamili ng barong." Sabi ni tito Badj. "Todo effort sayo, pamangkin."
Kung ako man yung makakatuluyan ni kuya Blaster, ang swerte ko sakanya. Pero kung hindi, ang swerte nung babaeng makakatuluyan niya.
BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Hayran Kurgu"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...