Kabanata 18

162 7 9
                                    

[ note: maraming POVs dito! ]

KABANATA EIGHTEEN

[ Formally ]

--------------------------------

FARFALLA's POV

Sabado ngayon at kanina pa tulo-tulo ang pawis namin nila kuya Zild, tita Aimee, at tito Badj. Nag-aayos kasi kami dito sa bahay at nag-gegeneral cleaning.

Si Tito Badj at Tita Aimee sa kwarto nila, banyo, kusina, at sala. Si kuya Zild, magdidilig ng halaman, magwawalis sa may labas, at sa kwarto niya. Tapos ako dito sa kwarto, yung mini library, at yung kwarto na puro kahon-kahon, mga lumang gamit.

"Ano ng nalinis mo?" Tanong ni kuya Zild habang umiinom ako ng tubig.

"Yung kwarto ko pa lang." Sagot ko. "Inayos ko din yung closet ko kasi gulo-gulo. Ikaw ba?"

"Magdidilig pa lang." Sagot ni kuya Zild.

Pumunta naman ako sa mini library namin at winalis ang semento. Tapos gumamit ako ng feather dust para malinis ang mga libro. Nung nakapag-feather dust na ako, may isang notebook ang umagaw sa atensyon ko.

Ang diary ko. Binuksan ko ito at kung ano ano ang nakasulat. Pagkamatay ni papa, may iba si mama, lahat. Tas sa ibang pahina, mga moments namin ni Nikkoi.

Binasa ko ang lahat ng ito, at puro si Nikkoi talaga ang nakasulat. Hindi ko sinulat ang pangalang Nico. Siguro, Nikkoi ang pagpapakilala ni Nico sakin noong mga bata pa kami.

Nung malinis ko na yung mini library, dito naman ako sa kwarto na puno ng kahon kahon. Mga lumang gamit. Pati mga lumang orasan andito at telepono. May disco ball pa!

Bumahing ako ng limang beses dahil sa sobrang alikabok. Yung mga kahon, ang una kong binuksan ay yung may pangalan ko. FARFALLA.

Nandito yung mga damit ko nung bata pa ako tapos photo album ko. Ang cute ko pala noon. Ngayon kasi, maganda na ako eh. Charot.

Pagkalkal ko sa kahon, may nakita akong isang maliit na red box. Yung parang lalagyanan ng singsing. Kinuha ko ito at binuksan, ang kaso hindi singsing ang nandito. Kundi, kwintas na gold.

Kukunin ko na sana pero nabitawan ko ito nung sumigaw si kuya Zild.

"FARFALLA, ANDITO SI NICO!"

Agad-agad akong bumaba at si Nico andito nga.

"O, Nico? Buti naparito ka? Ano kailangan mo?" Tanong ko.

"Pwede ba tayong mag-usap, Farfalla?" Tanong ni Nico.

"Hindi eh. Naglilinis kasi ako." Sagot ko.

"Farfalla, mukhang sandali lang naman. Si Zildjian na lang ang magtutuloy doon sa paglilinis mo.." Sabi ni tita Aimee.

"Ah o sige po." Sabi ko.





Nandito na kami ngayon ni Nico sa playground. Dito kasi kami laging naglalaro nung mga bata pa kami.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko. Nakaupo kami sa swing.

"May ibibigay sana ako sayo." Sabi ni Nico.

"Ano naman yun?"

"Ito o." At nilahad niya sakin ang kanyang kamay na may hawak na kwintas na kulay Silver. May infinity sign.

"Eto ba yung binigay mo sa akin nung mga bata pa tayo?" Tanong ko. "Kulay silver?"

"Oo, silver. Bakit?"

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon