Kabanata 2

202 10 7
                                    

KABANATA 2

[ Cheetos ]

-----------------------------

FARFALLA's POV

"Farfalla! Bilisan mo. Ang bagal. Malalate na tayo sa Sunday Service." Rinig kong sabi ni kuya Zild sa labas ng kwarto ko.

"Opo kuya, eto na." Sabi ko at binuksan ko yung pinto.

"Ang tagal mo, bunso." Sabi ni kuya Zild. "Tara na, naghihintay sa labas sila Tito Badj."

Lumabas na kami at sumakay sa kotse nila tito Badj at dumiretso sa church nila Blaster.

"Hello po, tito Allan." Bati namin kay Daddy A slash ang papa ni kuya Blaster.

"O kayo pala. Upo na kayo, malapit na tayo magsimula. Ako pala ang magp-preach ngayon. Hindi muna si Blaster." Sabi ni Tito Allan.

Ang church at ang bahay namin ay madalas na tambayan nila kuya Zild, kuya Blaster, pati ni tito Badj.

"Oo nga po pala, kami po ba yung kakanta ngayon para sa praise and worship?" Tanong ni kuya Zild.

"Ay hindi, Zild. Yung choir na muna. Kasi hindi daw makakarating si Unique. May trangkaso." Sagot ni tito Allan.

Sino si Unique? Bakit ngayon ko lang narinig yung pangalan na iyon?

"Kuya Zild, tito Badj, sino po si Unique?" Tanong ko.

"Yung magiging vocalist para sa banda." Sagot ni tito Badj. Bubuo sila ng banda? Bakit hindi ako updated?

"Anong itsura ni Unique?" Tanong ko.

"Ang alam ko lang ay nakasalamin siya," Sagot ni Tito Badj.






"Iwanan ka man ng crush mo, ng magulang mo, ng kaibigan mo, si God never. He will never leave nor forsake you." Preaching ni Tito/Pastor Allan Silonga. "He is never far away. He is an omnipresent God. Kapag kailangan mo siya, lagi Siyang nandiyan. Iniignore mo man Siya, hinihintay ka Niya lagi na bumalik sakanya. His love lasts forever. Kaya sa mga bitter diyan, smile. Cheer up. Huwag na kayong mag-ampalaya. Andiyan si God. Mahahanap niyo ang forever kay God. At mahahanap niyo din ang ka-forever Niyo kay God. Kasi habang minamahal mo si God, hinahanda na Niya yung taong magmamahal sayo."

End of message. Ang ganda ng topic. It talks about presence of God, family, and love. Kanina doon sa family, hindi naman ako nakikinig. Ayaw kong pinag-uusapan ang family lalo na naiiyak lang ako kasi hindi kami buo.





"Saan tayo kakain?" Tanong ni tita Aimee. "Magluluto ba kami ni Daniella o kakain na lang tayo sa labas?"

"Sa labas na lang tayo, sweetie pie." Sagot ni tito Badj at natawa kami.

"Ang corny mo, Badj!" Tas pinalo siya ni Tita Aimee sa braso. Nasa labas kami ng church at nagdedesiyon kung saan kami kakain.

"McDo na lang tayo. Ako magbabayad." Sabi ni kuya Zild.

"You have money, kuya?" Tanong ko.

"Yup. Nagpadala si mama sa akin. Tapos nakakakuha kami ng pera doon sa gig naming tatlo ni Blaster at tito Badj nung minsan." Sagot ni kuya Zild. Bakit si kuya, naaalala ni mama? Ako ba hindi?

"Ah okay." Sabi ko. Paalis na sana kami kaso dumating si kuya Blaster.

"Saan kayo pupunta?" Tanong niya.

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon