Kabanata 1

283 12 16
                                    

KABANATA ONE

[ Pizza + Teigan Trainor + Oyter Sauce + Gayter ]
------------------------------------

FARFALLA's POV

"O anong sabi ng kuya Zild mo sa rosas na bigay ni Teigan?" Tanong ni Shanne.

"Hindi naman siya nagalit. Pero sabi niya huwag daw akong magboboyfriend o kaya naman magpaligaw. Kasi tutuktukan niya daw," Sagot ko.

"Ang protective talaga ng kuya Zild mo!" Sabi ni Shanne. "Sana magkaroon ako ng kuya katulad ni kuya Zild mo."

"Magkaroon ng kuya katulad ng kuya Zild ko o magkaroon ng lovelife na katulad ni kuya Zild na protective o mapasayo na si kuya Zild? Mamili ka doon." Biro ko sakanya tas nagtawanan kami.

"W-wala. I won't choose anything. Tsaka hindi ko gusto ang kuya mo," Pagtanggi ni Shanne.

"Nako, Shanne Dandan! Don't me. Tuwing tumatambay ka kaya sa bahay namin, tahimik ka pag nandyan si kuya Zild tapos sulyap ka ng sulyap sakanya." Sabi ko.

Kapag kasi Friday or Saturday pumupunta si Shanne sa bahay namin lalo na kapag naboboring siya sa bahay nila.

Saturday ngayon, sa phone kami magkausap ni Shanne. Maaga-aga pa naman kaya hindi pa ako kumakain tsaka di pa naman nagtatawag ang mga kasama ko sa bahay.

"May gagawin ka ba ngayon, Farfalla?" Tanong ni Shanne.

"Wala naman Shanne," Sagot ko. "Bakit?"

"Wala din akong gagawin eh. Pwede ba akong pumunta diyan sa bahay niyo?"

"Sige ba! Alam mo namang welcome ka dito! Anong oras?"

"Mga meryenda time! 4:00 PM. Magdadala na lang ako ng pizza."

"Ay sige! Gusto ko yan. Hahahaahahaha. Salamat sa pa-pizza, Shanne!"

"O sige. Wait lang ah, kakain lang me ng breakfast."

"Okayyyy sige."

Binaba ko na yung phone ko tapos nilagay ito sa night stand ko. Sa totoo lang, inaantok pa ako. Magkukulabot sana ako kaso nga lang–

"Pamangkin, gising na. Kakain na tayo ng almusal. Nakapagluto na ang tita Aimee mo." Sabi ni tito Badj.

"Opo, tito Badj! Eto na po tatayo na!" Dali-dali akong tumayo at binuksan ang pintuan. "Good morneeeeng Tito Badj!"

"Magandang umaga, pamangkin. Kamusta tulog mo?"

"Okay naman po tito Badj! Oo nga po pala, pupunta si Shanne dito sa bahay mamaya mga 4 PM. Magdadala daw po siya ng pizza. Ayos lang po ba?"

"Ayos lang yun, Farfalla. Welcome na welcome si Shanne dito."

Bumaba kami ng hagdan pagtapos dumiretso kami sa dining table tas nag-aapag si Tita Aimee.

"Tita, ako na po." Sabi ko.

"Ay hindi na, Daniella. Ayos lang. Upo ka na diyan." Sabi ni Tita Aimee.

Umupo naman ako sa tabi ni kuya Zild at nakatutok siya sa cellphone niya.

"Kuya Zild, good morning! Busy ka ata sa cellphone mo ah." Sabi ko. Teka... parang bago ang cellphone niya ah. "Kuya? Diba naka-Samsung J7 Prime ka noon? Bakit iPhone 8 na ngayon?"

"Uhm kasi nagkita kahapon si mama at sila tito Badj. Regalo daw niya ito sakin dahil malapit na ang birthday ko." Sagot ni kuya at nagulat naman ako.

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon