Kabanata 23

115 4 0
                                    

KABANATA TWENTY-THREE

a/n: shanne's pov is set on the day na naglalaro ng volleyball sa school at nung andoon si Ter at Zild. Bali magiging continuation ito ng Kabanata 22.

[ Dandan ]

---------------------------

SHANNE'S POV

"Bestie, alam mo bilib ako kay Kuya Blaster." Sabi ko kay Farfalla habang nagwawarm-up kami bago ang practice.

"Bakit naman?" Tanong niya.

"Eh kasi nanliligaw pa lang siya grabe na ang effort niya para mapa-sagot ka niya. Tingnan mo nung araw na formally ka niyang liligawan, may mga pakulo pa siya. Paano pa kaya kapag naging kayo? Panigurado mas mag-eeffort pa yan." Reaksyon ko.

"Kung maging kami man, hindi lang dapat siya yung mag-eeffort dapat ako din. Kasi kayong dalawa dapat ang lumalaban sa relasyon niyo hindi yung mag-isa lang. Two is better than one." Sabi ni Farfalla. Napangiti ako sa sinabi ng best friend ko. Tama nga naman yun, two is better than one. Parang sa buhay, kung mag-isa mo lang, walang mangyayari. Pero kapag kasama mo si God, dalawa kayong lumalaban sa ano mang trials or kahit hindi trials, dapat kasama natin si God. Kasi without God, we are nothing.

"Practice pa lang support na sayo si kuya Blaster. Ako kaya? Kelan ako magkakalovelife?"

At tumawa naman si Farfalla.

"Bestie, alam mo, nandiyan lang yung lovelife mo. Pakipot lang kayo pareho. Naglalaro pa kayo ng tagu-taguan."

"Huh?"

"Taguan ng feelings! Ayon si kuya Zild oh. Alam mo bat siya nandito? Support niya daw yung babe niya. Yieee, huwag kang mag-alala bestie, botong boto ako sayo para kay kuya." Sabi niya pa tas kinikilig.

Talaga bang may gusto ako kay kuya Zild? Sa kuya ng best friend ko? Gusto din kaya niya ako? Nakatadhana ba kami? Aishhh. Ano ba itong iniisip ko? Hay nako.






Nagsimula na ang practice at sa tuwing si Farfalla yung nagseserve laging nagchecheer si kuya Blaster.

Ngayon, ako yung magseserve sa bola at hindi ko ineexpect...

"GO SHANNE!"

Chineer ako ni kuya Zild?! Halaaaa! Ohmygee. I can't believe it. Hala!

SHANNE, huwag kang kikiligin. Baka biro lang yun. Serve mo na yung bola.

"Kinilig naman ako doon, Shanne." Sabi ni Farfalla at umiling na lang ako.









"Bestie, saglit lang ah may kukunin lang ako sa locker ko." Sabi ko kay Farfalla. Nasa clinic na kami ngayon kasi tinamaan siya ng bola nung Arizella na yun kanina.

"Sige, kasama ko naman sila kuya eh." Sabi niya.

"Sige na Shanne, kunin mo na lang yung kukunin mo sa locker mo." Sabi ni kuya Zild.

Lumabas ako ng clinic at dumiretso sa hallway kasi andoon mga locker namin. Bago ko makuha ang notes ko sa locker ko, nagvibrate ang cellphone ko and at the same time may nahulog na papel.

Inuna kong tingnan ang cellphone ko. Meron akong text from unknown number.

Unknown Number:
Hi. ❤️

Ako:
Uhm hi? Who is this?

Unknown Number:
Magpapakilala ako pagkatapos mong tawanan ang knock knock ko. 🙂

Ako:
Jusko ka naman. Go ahead, mag knock knock ka na.

Unknown Number:
Knock Knock

Ako:
Who's there?

Unknown Number:
Dandan

Seryoso? Apelyido ko pa talaga ang ikno-knock knock joke niya? Kung sino man ito, siguraduhin niya lang na nakakatawa.

Ako:
Dandan who?

Unknown Number:
Dandan...

Dandan, dandan, dan and broke. Dandan broke high school kids.

Natawa naman ako sa joke niya. Kung hindi lang maraming tao dito sa hallway kanina pa ako humalakhak.

Ako:
Natawa na ako sa joke mo. Ngayon, magpakilala ka na.

Unknown Number:
My name starts with letter D.

Letter D? Parang wala naman yata akong kilalang letter D. Hmmm...

---------------------------

ZILD's POV

Halos lahat ng kasama ko dito sa bahay nagtataka kung bakit nakatakip ako ng panyo.

Kasi naman, meron akong tigyawat sa ilong. Nung una, hindi ko alam kung bakit meron ako! Tas habang kumakain kami kanina, sabi ni Gelo yung mga inlove daw nagkakatigyawat sa ilong, madalas.

Ang tanong, am I inlove? Kung oo, kanino?

"Maliligo lang ako, guys." Sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto ko.

Bago pa man ako makapasok sa kwarto ko may nanggulat sa akin.

"KUYA DANIEL ZILDJIAN!" Sabay tanggal niya ng panyo na nakatakip sa ilong at bibig ko.

"HALA! FARFALLA DANIELLA!" Sigaw ko sakanya at humarap na ako.

"KUYA ZILD, MAY TIGYAWAT KA SA ILONG?!?!?!!!!!!!!"

Agad kong tinakpan ang bibig ng kapatid kong maingay.

"Huwag kang maingay, Farfalla. Maririnig ka nila sa baba." Saway ko.

Inalis niya ang mga kamay ko sa kanyang bibig at tumawa siyang malakas. "HAHAHAHAHAHAAHA! Jusko, kuya Zild! Yan lang pala ang tinatakpan mo. Ikinakahiya mo ba yang tigyawat mo sa ilong? Wala naman nakakahiya diyan! Lahat tayo nagkakatigyawat."

"Baka kasi asarin nila ako na-inlove na ako." Rason ko. "Lalo na sa ilong pa man din tumubo."

"Eh ano ngayon kung aasarin ka nila? Bakit inlove ka ba?"

Hindi ako nakasagot doon sa tanong ni Farfalla.

Oo, Farfalla.

Inlove na ako.

Inlove na ako sa best friend mo.

__________________________________

AUTHOR'S NOTE:
Sino kaya yung nagtext kay Shanne and yung papel na nahulog? Sino kaya nagbigay doon?
Nahuli din si kuya Zild HAHAHAHA. Please vote and comment!! 😊😊😊

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon