KABANATA FORTY
[ Tirintas ]
---------------------------
FARFALLA's POV
"AHHHHHHHHHHH! MAY PINSAN NA AKONG BABY!"
"SERYOSO KA BA SWEETIE PIE?!"
"SERYOSO NGA AKO! 1 MONTH NA AKONG PREGNANT!"
"TITO BADJ ANG SAYA MO! MASAYA DIN AKO!"
"HINDI AKO MAKAPANIWALA, PAPA NA AKOOOOOOOOOOOO!"
Nagising ako sa tulog ko nung narinig ko ang mga nagsisigawan sa baba. Hindi ko masyadong maintindihan bat sila sumisigaw pero dinig ko naman ang mga sigaw nila.
Lumabas ako agad sa kwarto ko at pumunta sa baba. Nakita ko sila tita Aimee, tito Badj, at kuya Zild na yung ngiti nila abot langit. Nasa sala sila.
"Anong meron?" Tanong ko. "Good morning pala."
"May bago tayong housemate." Sagot ni kuya Zild.
"MAGKAKA-ANAK NA KAMI NG TITA MO!" Masayang sabi ni tito Badj.
Wow! Ibig sabihin magkakaroon kami ng bagong pinsan na mas magiging ka-close namin kaysa sa iba.
"CONGRATS!" Sabi ko tas naggroup hug kami. Para naman nanalo kami sa Pilipinas Got Talent.
"1 Month na pala akong buntis." Sabi ni tita Aimee.
"Sabi ko na nga ba tama ang kutob ko eh. Kaya pala nung minsan ko pa nahahalata para kang buntis. Kasi may nakita akong tatlong pregnancy test. Akala ko kay Farfalla yun." Nagulat naman ako kay tito Badj.
"Grabe ka naman sweetie pie!" Sabi ni tita Aimee. "Si Farfalla talaga naisip mo?"
"Tas minsan napaka-moody mo." Sabi ni tito Badj. "So ang kutob ko buntis ka nga, Aimee."
Pagkatapos namin kumain ng almusal at maghugas ng plato, tumambay muna ako sa sala. Magbabasa ako ng libro. Babasahin ko ang If I Stay by Gayle Forman.
Habang nagbabasa ako, napalapit sa akin si tita Aimee.
"Farfalla! Hindi ka ba naiinitan?" Tanong niya sa akin.
"Hindi naman po masyado, tita. May electric fan naman po." Sagot ko.
"Ay hindi! Ayaw kong nakikita kitang naiinitan. Gusto ko, presko ka ang pakiramdam mo. Iipitan kita. Tirintas!"
"Po? Seryoso kayo?"
"Oo naman! Maghintay ka diyan. Kukuha lang akong suklay at ipit."
Napapano si tita Aimee? Bat grabe ata ang concern at aruga sa akin? Teka nga.. pinaglilihian niya ba ako?! Kung pinaglilihian niya man talaga ako, hindi na ako magtataka kung bakit baby girl ang magiging anak nila ni tito Badj.
"O magbasa ka lang diyan! Iti-tirintas kita." Sabi sakin ni tita Aimee.
"Okay po."
Nagpatuloy lang si tita Aimee sa pagtitirintas sakin. Sa totoo lang, parang mas nanay ko pa siya kesa sa talagang nanay ko.
"Farfalla, alam mo ang swerte swerte ko sa inyo ng kuya Zild mo."
"Bakit naman po tita Aimee?"
"Kasi tinuring niyo rin kaming magulang."
"Swerte rin po kami sa inyo, tita Aimee. Kasi tinuring niyo po kaming parang tunay na anak."
"Mamayang maliligo ka, ako na lang mamimili ng damit mo hah."
Nakakapagtaka talaga si tita Aimee.
"Ay hindi na po tita. Okay na po ako."
"Ay hindi Farfalla! Ako mamimili sa suot mo."
Pagkatapos kong maligo, nakita ko na may damit na ako sa kama ko.
Stripes na damit tsaka cotton na candy shorts. Yung mga pwedeng pang-alis. Si tita Aimee talaga, alagang-alaga sa akin.
Nung nakapagbihis na ako, may kumatok bigla sa pintuan.
"Pasok po." Sabi ko.
"Farfalla! Tirintasin kita ulit, aalis tayong dalawa! Magma-mall tayo. Kasi ang tito Badj mo at kuya Zild may gig daw sila ngayon so tara."
"Tita, pwede na po ako sa nakalugay."
"Hindi! Gusto ko maayos ka. Sige na upo ka na diyan at ititirintas kita."
Hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit alagang-alaga sa akin si tita Aimee. Na parang ako yung anak niya.
BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfic"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...