Kabanata 44

107 3 7
                                    

KABANATA FORTY-FOUR

[ Golden Buzzer ]

--------------------------

FARFALLA's POV

"Sigurado ka bang ayaw mong sumakay doon kila mama? Kasi kung saan ka... doon din ako."

"Ayaw kong sumakay doon kuya. Diyan dapat tayo sumakay kila tito Badj. Tsaka kapag sumakay ako doon, may ahas na nanunuklaw baka mamaya mapasa sa akin ang venom niya. Actually, dalawa pala sila."

"Sino yung isa?"

"Si Crystal."

Pupunta kami ng Batangas ngayon. Sabi ni mama, oo si mama ang nagsabi, mag-bonding daw kami. Akala ko naman bonding namin talagang family pero hindi. Kasama namin yung si Arizella, yung asawa ni mama hindi kasama kasi busy daw sa work, so ang sinama ay si Crystal. Pero si Goldie, okay lang naman kung sumama siya. Si Goldie tanggap ko pa.

"Farfalla, Zild! Sakay na kayo!" Sabi sa amin ni tita Aimee. "At mabuti nga dito kayo sumakay huwag doon sa kabila, you know naman. At ayaw kong naaapi si Farfalla. Kayong dalawa."

I love you so much, tita Aimee.

Hindi lang kami ang pupunta sa Batangas. Sinama ko si bestie ko syempre, sila kuya Gelo, Unique, at kuya Blaster.

Magkatabi na naman si Shanne at kuya Zild tas si kuya Gelo, katabi rin nila. Bali gitna si Shanne.

Tapos ako, parang yung pwesto namin nung nag-La Union kami. Si Unique, si kuya Blaster sa gitna and then ako.

"Napapaligiran na naman ako ng love birds." Sabi ni Unique at tumawa naman kami.

"Yung pag-ibig ko nasa kabila eh." Nagulat kami sa sinabi ni kuya Gelo. Sinong pag-ibig niya sa kabila? At bakit naka-dye na yung buhok ng parang gold?!

"Kuya Gelo, bakit parang gold na ang hair mo?" Tanong ko.

"Syempre para Goldie." Sagot niya. Goldie? Bakit Goldie? Hindi ko maintindihan.

Nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan at narinig kong tumunog yung cellphone ko. May unknown number na nagtext sa akin. At picture ang sinend sakin.

Binuksan ko ito at nakita ko si kuya Blaster ang nasa picture tapos may babae na nakapatong ang ulo sa balikat niya. Si CRYSTAL?!

"Kuya Blaster..." Tawag ko sakanya. "Ano ito?"

"Ang alin?"

Pinakita ko sakanya ang picture at nanlaki ang mga mata niya.

"Anak ng siopao na tuyo. Farfalla, let me explain, huwag ka magagalit sa akin, kasi naman—"

"Kumalma ka kuya Blaster. Natatawa ako sayo. Sige na explain."

"Hoy napapano kayong dalawa diyan?" Tanong ni kuya Zild.

"Huwag ka muna makealam, Zild. Away mag-asawa ito." Sagot ni kuya Blaster at pinalo ko siya sa braso. "Ouch!"

"Kuya Blaster, inaasawa mo agad si bestie ko." Sabi ni Shanne.

"Bakit Shanne gusto mo asawahin na din kita?" Halos mapukpok ako sa bintana sa gulat ko sa tanong ni kuya Zild. Sabi ko na nga ba eh. Sabi ko na talaga.

"Huh?" Tanong ni Shanne.

"Kunwari di narinig." Sabi ko at tumingin siya ng masama sa akin at tumawa ako.

"So eto na, Farfalla." Sabi ni kuya Blaster. "Kasi binilhan kita ng doughnut at mogu-mogu kahapon diba? Ang nangyari, sabi ni Crystal sakin samahan ko muna daw siya. Magkwentuhan kami. Una, ayaw ko pero baka kailangan niya lang ng kakwentuhan kaya ayun, sinamahan ko muna. Tas sabi niya ang swerte mo daw sakin, sabi ko naman ako ang swerte sayo. Tas sabi niya sana all tas ayun doon siya humiga sa balikat ko. Pero alam mo yung ginawa ko, kunwari tumawag ka na magbobonding tayo sa bahay niyo tas yun umalis na ako."

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon