KABANATA FIFTY-ONE
[ Grocery Store ]
--------------------------
FARFALLA's POV
"Tita Aimee, pagkatapos po natin mag-grocery, uwi na ba tayo?" Tanong ko habang nagtutulak ng push cart. Nandito kami ngayon sa grocery store at nasa section kami ng mga biscuit. Sa mga graham to be exact.
"Hindi pa. Kakain muna tayo." Sabi niya sakin.
"Oo nga po pala tita, ano po gagawin ninyo sa graham?"
"Gagawa ako ng graham balls, Farfalla. Tulungan mo ako ah!"
"Opo tita! Tapos lagyan natin ng marshmallow."
"Papatikim din natin kila Unique."
Speaking of Unique...
Nagpapasalamat ako sakanya kagabi kasi kundi dahil sakanya baka mamaya namatay na ako. Gusto ko nga siyang i-treat sa labas para makabawi sakanya.
"Tita, ano pong pwede kong gawin para makapagpasalamat kay Unique?"
"Ikaw bahala pamangkin. Pwedeng gawan mo siya ng sulat o kaya naman ilibre mo siya ng McDo o Jollibee."
"Sige po tita."
Pagkatapos doon sa may graham na section, pumunta kami ni tita Aimee dito sa may mga instant pasta. Like pancit canton, atsaka yung carbonara na agad niluluto. Minsan kasi ganito almusal namin.
"Farfalla, ako na dito. Kung may gusto kang bilhin, kumuha ka na."
"Tita, kukuha lang po akong Mogu-Mogu doon sa section ng inumin."
"Sige."
Simula kasi nung binilhan ako ni kuya Blaster ng Mogu-Mogu, naging paborito ko na ito. Kaya bibili ako ngayon.
Bubuksan ko na sana yung ref kaso may kamay din na bubukas.
Si Unique pala!
"Unique!" Sabi ko.
"O Farfalla, ikaw pala yan. Sinong kasama mo?" Tanong niya.
"Si tita Aimee." Sagot ko. "Eh ikaw?"
"Si mama."
"Kukuha ka rin ng Mogu-Mogu?"
"Hindi. C2. Oo nga pala, Farfalla alam mo saan yung section ng mga biscuit? Bibili kasi ako ng chocolate chip cookies."
Chocolate chip cookies. Naaalala ko na naman si Nikkoi. Paborito niya yun.
"Katabi siya nung mga junk foods."
"Ah sige."
"Oo nga pala, Unique minsan ililibre kita ah."
"Para saan?"
"Kasi niligtas mo ako mula doon sa pag-inom nung blueberry smoothie na may dishwashing liquid."
"Huwag na! Okay na sa akin yung thank you. Atsaka baka mamaya magalit si Blaster kapag lumabas tayo."
"Hindi yun! Magpapasalamat lang naman ako sayo eh."
"Sige na nga. O mauna na ako ah."
"Okay."
Nung kumuha na ako ng limang Mogu-Mogu, bumalik ako kung nasaan si tita Aimee pero bago ako makabalik doon, may narinig akong pangalan at boses mula na galing doon sa section ng mga dilata na katabi ang section ng mga pasta na instant.
"NIKKOI! Tara na, magbabayad na tayo!"
NIKKOI...
Sinong Nikkoi iyon? Agad akong tumakbo papunta roon pero wala na nakaalis na. Ang tanging nakita ko lang na papunta sa counter ay si Unique at ang mama niya.
Posible bang si Unique si Nikkoi? O baka naman nagkataon lang na may tinawag na Nikkoi at magbabayad na sila tas nakita kong papunta sa counter si Unique? Kung si Nikkoi man si Unique edi sana natatandaan niya ako. Pero hindi eh. Siguro, yung Nikkoi na yun, siya na yung totoong Nikkoi. Hindi si Nico. Kailangan kong hanapin ang totoong Nikkoi.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...