Kabanata 13

125 8 3
                                    

KABANATA THIRTEEN

[ Nico ]

--------------------------------

FARFALLA's POV

Umagang-umaga pa lang, may nambubulabog nasa bahay. Maririnig agad ang mga tunog ng gitara, drums, at boses.

Nagjajamming na naman ang IV OF SPADES.

"Inaantok pa ako..." Sabi ko sa sarili ko at humiga ulit. Pipikit sana ako pero bigla nilang tinugtog yung Sweet Child O' Mine, jusko. Sino ba namang makakatulog dito!

Nagkulabot ako para di ko na marinig pero ang lakas. Tapos dumagdag pa ang kapitbahay naming may malakas na bluetooth speakers! Hayaan Mo Sila, pa yung pinapatugtog.

"Yah, yah, yah, yah,"

"She's got smile that seems to me reminds me of childhood memories..."

Anak ng munggo! Di na nga ako matutulog ulit. Kulang pa yung tulog ko. Puyat pa ako sa Harry Styles Concert kagabi.

Wala pa akong ganang mag-almusal kaya kinuha ko muna ang cellphone ko at may message ako sa Messenger. At Nico ang pangalan ng nag-chat sa akin. Nico Valerio. Sino ito?

Nico:
Hi. Farfalla. Do you still remember me? 🙂

Me:
Hi. Nico. I'm sorry. I don't remember you. But your name sounds familiar, pwedeng pakilala mo sarili mo?

He was active 7h ago siguro mamaya pa ito magrereply.

Dahil hindi na rin ako makatulog sa kaingayan, napagdesisyunan kong bumaba na at mag-almusal.







"NOSI, NOSI BA LASI!!!!!!!!!!!!!!!!"  Grabe ang high notes ni Unique. "Sino? Sino Ba Silaaaaaaa!!!!!!!!"

Kanta ng Sampaguita yan eh. Nosi Ba Lasi.

"My loves, good morning!" Bati ni kuya Blaster habang naggigitara ito.

"Good morning, ang ingay niyo, kulang tuloy tulog ko." Pabiro kong sabi.

"Pasensya ka na Farfalla. Ngayon ko lang kasi naisip na tulog mantika ka nga pala. Lalo na pag walang pasok. 11:00 AM ka na nagigising." Sabi ni kuya Zild.

"Mas maingay naman yung kapitbahay noh!" Sabi ni Unique. "Nagppractice lang kami, Farfalla kasi may gig kami next week."

"Nood ka." Sabi ni kuya Blaster.

"Sige." Sabi ko naman.

"Pamangkin mag-almusal ka na doon. Pasensya ka na sa kaingayan namin. Hahahaha. Sige na, may nakahain na para sayo." Sabi ni Tito Badj.



Pagkatapos kong kumain, sumunod naman ang IV OF SPADES. Umupo sila sa upuan malamang tas kumain ulit. Nagutom.

"Kuya Zild, pwedeng magtanong." Sabi ko.

"Sige ano?" Tanong niya.

"May kilala kang Nico?" Tanong ko.

"Nico? Parang meron. Oo! Kababata din natin yun." Sagot niya.

Eh sino yung nasa panaginip ko? Si Nikkoi o Nico? Baka iisa lang sila.


"Sino si Nico? First love mo Farfalla?" Tanong ni kuya Blaster.

"Nako, Blaster wala pang first love yan. Kalaro niya lang yung si Nico." Sagot ni Tito Badj.

"Ahhhh so may chance pala akong maging first love mo. Kinilig naman ako dun." Napailing na lang ako sa sinabi ni kuya Blaster.




Nagpatuloy lang sa pagkanta yung IV OF SPADES dito sa bahay namin samantalang ako nandito pa rin ako sa dining area nakaupo tapos kachat si Nico. Nagreply na eh.

Nico:
Kababata mo ako Farfalla! Lagi tayong naglalaro noon sa playground.

Ako:
Ganun ba? Nico talaga pangalan mo?

Nico:
Oo. Bakit? 😀

Ako:
Kasi may napapanaginipan ako na NIKKOI ang pangalan. Ikaw din ba yun?? O may kalaro tayong Nikkoi?

Nico:
Hahahahhahahahaha wala tayong kalarong Nikkoi. Baka ako din yun. Nico– Nikkoi, close enough.

Ako:
Ah okay. So ikaw pala napapanaginipan ko?

Nico:
Oo. Ako nga. Malapit na kitang bisitahin diyan ❤️

Ako:
Looking forward to see you again. Wait lang, maghuhugas lang ako ng plato.





Parang nagtatalo ang puso at isip ko. Sa isip ko, iisa lang si Nico at Nikkoi. Pero sa puso ko, ramdam na ramdam ko na iba si Nikkoi at iba si Nico.

_________________________________________

AUTHOR'S NOTE:
Short lang talaga ang chapter na ito dahil nakafocus lang talaga siya kay Nico. Naniwala si Farfalla na iisa si Nikkoi at Nico. Hay nako. CREDITS pala sa friend kong si Gianne, na nagsuggest ng panlito. 💓💓😘

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon