KABANATA FORTY-EIGHT
[ Dishwashing Liquid ]
---------------------
UNIQUE's POV
"Upo kayo, upo. Mag-orange juice muna kayo habang hinihintay ang hapunan." Sabi ng mama ni Farfalla. Kagabi, umuwi kami sa Maynila at nag-gig kami.
Ngayon, kaninang hapon ang gig namin kaya ngayong gabi nandito kami sa bahay ng mama nila Zild at Farfalla.
Wala pala yung asawa ng mama ni Farfalla na bago kaya pwede kami dito. At pwedeng magpakita si Zild at Farfalla.
Nakaupo kami sa sofa ngayon. Katabi ko si Farfalla tas katabi niya si Blaster. Si Zild, wala si Shanne. Si tita Aimee at tito Badj tas si Gelo.
"Bakit kulang ang orange juice?" Tanong ni tita Aimee. "Wala si Farfalla o."
"Ay tita, kulang po talaga yan kasi hindi po mago-orange juice si Farfalla." Sabi ni Arizella. "Gusto ko po kasi matikman niya yung blueberry smoothie na gawa ko. Gagawin ko palang. Gusto ko siya yung una na makatikim."
"Masarap ba yan?" Tanong ni Farfalla.
"Of course!" Sabi ni Arizella.
Narinig ko naman ang sinabi ni Blaster kay Farfalla.
"Tanong mo muna kung may lason yun bago mo inumin." Sabi ni Blaster.
"Wala naman siguro." Sabi ni Farfalla.
"CR lang ako." Sabi ko at nagtanong sa mama ni Farfalla na nagserve ng sandwich sa amin. "Tita, saan po yung CR ninyo?"
"Sa may kusina, hijo."
Pumunta ako sa may kusina at nakita si Arizella na gumagawa nga nung blueberry smoothie. At hindi ko na siya pinakelaman. Tutal di naman niya ako napansin.
Nung matapos na akong umihi, binuksan ko na yung pintuan nung banyo. At nagulat ako. Kitang-kita ko si Arizella.
Sinara ko ng kaunti yung pinto para di niya ako mapansin.
Bago niya ilagay yung blueberry mixture doon sa baso, nilagyan niya muna ito ng DISHWASHING LIQUID?!
Baka naman huhugasan niya lang?
Pero hindi.....
Nilagay niya yung blueberry mixture pagkatapos niyang ilagay yung dishwashing liquid. Tapos nilagyan niya pa ito ulit ng dishwashing liquid tapos hinalo.
PAPATAYIN NIYA BA SI FARFALLA?!
Pagkatapos nun... sumigaw siya ng...
"FARFALLA! YOUR BLUEBERRY SMOOTHIE IS READY!"

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...