ANG SIMULA
[ Ang Buong Jollibee at McDo ]
---------------------------------
"ANG GWAPO GWAPO TALAGA NI TEIGAN!"
"MUKHANG ARTISTA!"
"PAKASALAN MO NA AKO!!!!"
"LABYU, TEIGAN!"
"HART HART!"
"Ang famous ng crush mo, Farfalla." Sabi ng best friend kong si Shanne.
"Hindi ko kaya siya crush!" Pagdeny ko.
"Hindi daw! Kapag papalapit na siya sayo, nakikita ko yang cheeks mo, pulang pula." Sabi ni Shanne. Nasa hallway kasi kami ngayon, papunta na ng classroom.
Kasunod kasi namin si Teigan habang pumupunta ng classroom. Kaya maraming tumitiling babae. Dahil sa kapogian niyang taglay, tisoy, iba ang hulmahan ng jawline. Basta, nakaka-in love siya.
"Ikaw nga crush mo ang kuya ko eh!" Banat ko kay Shanne at nanlaki ang mga mata niya.
"S-s-sinong kuya mo?" Tanong niya. Kunwari pa siya! Crush na crush niya kaya ang kuya ko.
"Si Kuya Zild!" Sagot ko at natahimik siya.
"Uy, hindi ah." Si Shanne in denial din eh! Magbest friend talaga kami.
Nakapasok na kami sa classroom tapos umupo sa mga armchair namin. Magkatabi pa rin kami ni Shanne.
"Shanne, anong first subject natin?" Tanong ko.
"Mathematics ata," Sagot ni Shanne.
What?! Seriously? Math agad? Edi kung ganon, umaga pa lang, drain na utak namin. Ang hirap hirap kaya ng Math. Anak ng munggo naman talaga!
Everyday kasi iba iba ang schedule namin. Nakalimutan ko na Friday pala ngayon at unang una talaga ang Math.
Habang hinihintay si Miss Basha ang teacher namin sa Math, nilabas ko yung notebook ko at nag-lettering. Ilelettering ko lang naman ang pangalan ng crush ko. Si Teigan.
Since Grade 7, crush na crush ko na si Teigan. Pakiramdam ko nga more than crush na ang pagtingin ko sakanya.
Sinimulan ko ng ilettering ang name ni Teigan. Syempre gagalingan ko.
"Ang busy mo ata,"
Natigilan ako sa boses na kumausap sakin. Alam na alam ko ang boses na yun.
"Teigan, ikaw pala..." Sabi ko. At sinara ko na yung notebook ko.
"O bat hindi mo ituloy yung ginagawa mo?" Tanong niya. "Naglelettering ka ba?"
"Oo eh,"
"Anong nilelettering mo?"
"Ah wala. Pangalan lang."
Sana huwag na niyang itanong kung kanino pangalan yun.
"Kanino pangalan?" Anak ng munggo! Anong sasabihin ko?! Hala.
"Pangalan mo yun, Teigan!" Malakas na sabi ni Shanne. Ay nako naman. Yari talaga si Shanne sa akin mamaya.
"Talaga ba?" Tanong ni Teigan. "Pakita nga."
"Hindi. Huwag na. Pangit lang tsaka di pa tapos," Sabi ko.
"Edi kapag natapos pakita mo sakin. Di naman ako magagalit eh. Pasalamat pa ako sayo kasi humahanga ka sakin," Sabi ni Teigan. Ang humble niya talaga! Kaya lalo akong nahuhulog sakanya eh.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...