Kabanata 15

135 8 2
                                    

KABANATA FIFTEEN

[ Infinity ]

-------------------------------

FARFALLA's POV

"Nikkoi, last na nating pagkikita ito. Lilipat na kami ng bahay na malayo dito," Paalam ko kay Nikkoi habang umiiyak.

"Huwag mong sabihin na huli na ito, Farfalla. Magkikita pa tayo. Pangako iyan. Walang kalimutan."

"Oo, Nikkoi, walang kalimutan."

"Alam mo may ibibigay ako sayo, para lagi mo akong naaalala." Sabi ni Nikkoi tas may kinuha sa bulsa niya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Eto o." Ipinakita niya sa akin ang isang kwintas na may infinity sign. Color gold. Tapos binigay niya sa akin.

"Gusto mo isuot ko sayo?" Tanong niya.

"Huwag na ako na lang." Sabi ko. Sinuot ko yung kwintas na bigay ni Nikkoi bago kami umalis.

"FARFALLA, TARA NA!"

"Nikkoi, salamat dito." Sabi ko. "Mamimiss kita."

"Mamimiss din kita, Farfalla. Tandaan mo ito, di mo man ako nakikita, tingnan at isuot mo lang yang kwintas na iyan para malaman mo na infinity ang pagmamahal ko sayo."


*KRINGGGGGGGGG*

Natapos ang panaginip ko sakto naman nag-alarm. Sakto lang sa paggising ko.

Napanaginipan ko na naman si Nikkoi. May binigay daw siyang Infinity na necklace sa akin. Totoo ba yun? Kung ganoon... asan na? Bakit hindi ko na suot ngayong dalaga na ako?

Tatanungin ko nga si Nico. Baka mamaya binalik ko pala sakanya ng hindi ko nalalaman.


"Farfalla, okay ka lang? Bakit parang lutang ka? Tingnan mo, yang tinidor mo ginagawa mong kutsara." Sabi ni kuya Zild.

"Hindi naman ako lutang kuya. May malalim lang akong iniisip." Sagot ko.

"Oo nga pala, palabas pa rin ang Infinity War. Akala ko bang manonood kayo ni Blaster? Kahapon pa kaya ako kinukulit nun." Sabi ni kuya Zild.

"Mamaya kaya? Kasi shorten period lang kami ngayon. Sama kayo!" Sabi ko. "Sasama ko si Shanne."

"Libre mo?" Tanong ni kuya Zild.

"Hindi ah. Si kuya Blaster lang naman yung pinangakuan ko ng libre!" Sabi ko.

"Sige na nga. Sama mo si Shanne ah."

"Oo nga! Kakasabi ko lang kanina. Siguro, ikaw naiinlab ka na sa bestie ko."

"What? No."

"No no ka diyan."








Tapos na ang klase namin kaya tumambay muna ako dito sa may school park, habang hinihintay si Shanne. Pumayag siyang sumama mamaya. Cleaners siya ngayon kaya hinihintay ko siya dito.

Habang hinihintay ko siya naisipan ko na maglettering muna ng INFINITY atsaka INFINITY WAR, tatry kong i-drawing ng cartoon style ang Avengers.

Nagsisimula na ako at biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Farfalla."

Inangat ko ang ulo ko, at nagulat ako si Teigan.

"Ikaw pala, Teigan." Sabi ko. "Anong kailangan mo?"

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon