Chapter 74

4.9K 116 9
                                    

THIRD PERSON POV

"M-mommy,baka pwede pong makibalita ka sa mga kaibigan ko?" Pakiusap niya sa ina kahit hirap na hirap na siyang magsalita.

"Okay anak,mamaya I'll try." Sabi nito at hinalikan siya sa noo.

Kung titignan,parang hindi na siya ang Dane Yuki Shin na nakilala natin.Yung cold lang,cold pero gwapo,malakas ang dating,at siya mismo malakas.
Ngayon,nangangayayat na talaga siya.Lubog ang mga matang wala ng buhay.Namumutla at nanunuyo ang mga labi.Maging buo niyang katawan ay namumutla.

Malaki na ang ipinagbago niya,hindi na siya ang dating na Dane na malakas.Yung Dane na pwedeng masandalan ng mga kaibigan niya.Sa ngayon,siya ang may kailangan ng sandalan.
Pero ayaw niyang ipaalam ang kalagayan niya sa kanila.Ayaw niyang madagdagan pa ang pag-aalala nila.Kaya mas pinili niyang sarilihin ito.Kahit hindi na nila alam,basta wag lang siyang makadagdag sa problema.
Ipinikit na niya ang mga matang pagod na sa pag-iyak.Iyak dahil sa sakit na nararamdaman niya sa katawan niya.Naaawa na siya sa sarili niya.Alam niyang hindi na niya kaya.
Kahit gusto pa ng isip at puso niya na lumaban,ang katawan niya ay hindi na kaya at sumusuko na.

'Konti nalang.Susuko na talaga ako.'

--

QUEEN POV

"Tita,wala pa rin bang nahahanap na donor?" Tanong ko kay tita Blue.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng ICU at nakadungaw kay Perv.Nasa wheelchair parin ako kasi hindi pa naman naghihilom ang sugat ko sa binti.It's been a week simula nang insidenteng yun.

"Wala parin.Marami rin daw kasing mga naka-line up na naghahanap din ng donor." Sagot niya na hindi inaalis ang tingin sa kanyang anak.
Haysss.Perv,kapit ka lang ah?Makakahanap din kami ng donor.

-

"Hi girl,kamusta na?" Bati sakin ni Violet.

Kasama niya sila Vien,Sammy,Dylan,Paris and Luke.Inilapag niya yung dala niyang prutas sa may mesa.Nandito nga pala kami sa kwarto ko sa ospital,hindi parin kasi ako pwedeng ilabas kasi...Ayoko pa -,-
Pumayag naman na yung doktor na umuwi ako,kaso ako ayoko.Parang ganun lang rin naman,lagi rin akong babalik dito para bantayan si Perv.

"Ito,medyo okay naman na." Lumapit silang lahat at nagbeso sa'kin.Then naupo sila sa mga benches at upuan.

"Mabuti naman.Nga pala,wala pa kaming nahahanap na heart donor eh." Sabi naman ni Sammy.Ngumiti ako.

"Okay lang yan.I know,makakahanap rin tayo before a month." Positive na sabi ko.Tiwala lang talaga,makakahanap din kami.

"Yeah.By the way,papakopyahin ka nalang namin ng notes girl.Medyo marami ka na ring namiss na lessons." Sabi rin ni Paris.Well yeah,isang buong linggo ba naman akong hindi nakapasok.

"Sige thanks.By the way,ano na nga palang balita sa university?" Tanong ko sa kanila.

"Ganun parin naman.Walang bago.Pero,buong week rin na hindi pumasok si Dane." Sabi ni Violet.Ha?Bakit isang buong linggo?Last time na nakita ko siya ay nung dumalaw siya dito.

"Hindi niyo manlang nakakausap kahit sa phone?" Tanong ko ulit.Kinakabahan nanaman ako.Ewan ko ba,kapag si Dane ang pinag-uusapan bigla nalang akong nagwoworry.

"Hindi namin siya macontact eh." Sagot ni Violet.Hmm.

Inabot ko yung phone ko na nakapatong sa side table,tapos dinial ko yung number niya.Kaso,mukhang nakapatay ang phone niya.Hindi ko rin macontact.

"Di ko rin macontact.Nasan na kaya yun?" Nag-aalalang tanong ko.Nagkibit-balikat lang sila.

"Ah girls,silipin lang namin si Rick." Paalam ni Dylan,then lumabas na silang tatlong boys.Naiwan kaming tatlo dito.

"Wala pa ring improvements kay Rick?" Tanong ni Paris.Ngumiti ako ng mapakla sabay iling.Lumapit naman sakin si Sammy at niyakap ako.

"Okay lang yan girl.I'm sure magigising din si Rick.Mahal na mahal ka nun eh." Sabi niya habang nakayakap parin sakin.

"Yah.Thank you girl." Sabi ko.Bumalik naman na siya sa kinauupuan niya.

"Salamat talaga girls kasi nandyan kayo para samahan ako." Sincere na sabi ko.

"Sure girl.That's what friends are for." Nakangiting sabi ni Violet.Ngumiti rin ako sa kanya.

"Yep.Maaaring talikuran ka ng lahat,pero kaming pamilya at mga kaibigan mo,hinding-hindi ka namin tatalikuran at iiwan." Sabi naman ni Paris.Ngumiti ako sa kanya.

"Tama.Tama.Hahaha." Natawa nalang kami kay Sammy.Kahit baliw siya,atleast napagaan niya ang pakiramdam namin.

Hayy.Puro nalang kasi kami worries this week.Parang ngayon na nga lang ako ulit nakatawa eh.
Mabuti nalang talaga at nandiyan 'tong mga babaitang 'to.Kahit bitch,baliw at cold yang mga yan,mahal na mahal ko yan.At maswerte ako kasi sila ang naging mga kaibigan ko.

--

The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon