QUEEN POV
*riiing riiing*
I got my phone from my pocket.
"Excuse me mom, sagutin ko lang to." Pumunta ako sa gilid at sinagot ang tawag.
"Hello?"
[Hello mam, this is from Landell Farm hospital's security. We just want you to be here because of an incident.]
Kinabahan ako dahil taranta yung boses ng lalaking nasa kabilang linya.
"What? What incident?"
[Mam yung asawa niyo po ay namaril dito sa ospital. Wala na po siya at tumakas.]
"W-what!?"
Gitlang-gitla ako. Bigla akong nanginig dahil sa sinabi niya.
[Mam please be here, asap.]
Dali-dali akong lumabas ng bahay nang maibaba ko ang cellphone ko.
"Nanay!"
"Queen where are you going!?"
"Mommy! Si Dwight. N-namaril si Dwight!"
"What!?"
Kinuha ko yung susi ng kotse nila mommy at dali-dali ko yung pinaandar.
Ang bilis ng pagpapatakbo ko sa kotse. Damn Dwight, what have you done?--
@Landell Farm hospital
Sa labas palang ay nagkakagulo na. May mga pulis na nagkalat, at maraming tao na halata mo sa mukha nilang natatakot.
Dali-dali akong pumasok sa loob ng ospital."Excuse me sir. Ano pong nangyari?" Tanong ko dun sa isang pulis na nakita ko sa loob.
"May lalaki daw na namaril dito sa loob."
"S-sino po bang nabaril niya?"
"Yung mag-asawa sa isang private room. Excuse me." Umalis na yung pulis nang may tumawag sa kanya.
Sandali akong napatulala. Mag-asawa? Is it Rick and Jean? Damn.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa private room ni Rick.
At napasinghap ako nang abutan ko sa loob ang mga dugo sa kama at sa sahig. Fuck, sila nga.
May mga pulis din dito na nag-iimbistiga."S-sir, asan yung mag-asawa dito? I'm their friend sir, k-kailangan kong malaman." Umiiyak na tanong ko sa isang pulis.
"I'm not sure mam, pero baka nasa ER."
Dali-dali akong lumabas mula dun sa kwartong iniimbistigahan.
Tumakbo ako papuntang emergency room. Saktong may doktor na lumabas mula sa loob."Doc, ano pong nangyayari sa loob?"
"We're trying our best to remove the bullet inside her body. Excuse me." Halatang taranta din ang doctor at dali-dali na itong umalis.
Natutop ko nalang ng mga kamay ko ang mukha ko. Her? So it's Jean. Damn.
"Jean! Babe! My god, Jean." Bigla akong napalingon nang marinig ko ang boses niya.
Yes it's Rick. Nasa wheel chair pa sya at tulak-tulak ng isang nurse. Umiiyak siya. Yes, he's crying so hard.
Lumapit ako at tumigil sa harap niya. Tinignan niya ko. Masamang tingin.
"Anong problema ng asawa mo? Fuck him! We're not doing anything to him tapos ganito? Damn Queen, damn!"
"Rick, sorry. Ako na ang nagsosor--"
"Don't call me Rick! If this is the kind of life where that Rick belongs, well I don't want to be him! Fuck you. Fuck you and your crazy husband!" Nagpatuloy siya sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)
JugendliteraturPaano pag ang isang bratinelang babae ay nakatagpo ng isang pervert na gangster? Would they be enemies for life? Or would be partners for a lifetime?