Chapter 102

4.6K 87 2
                                    

QUEEN POV

"Have you started your project already?" Tanong ni Prof na nasa harap naming lahat.

"Yes prof." Sagot naman namin.

"Ok.That's good." Pagkasabi niya nun ay nagstart na siya ng lessons. Hay nako.

*poke*

Nilingon ko 'tong katabi ko.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Magluluto ba ulit tayo?" Tanong niya rin.Pssh.

"Ewan ko sayo.May babaguhin ka pa ba sa recipe?"

"Actually, meron sana.Hindi kasi ako convinced sa lasa nung niluto natin last time."

"Ah ok.Just set the date, sabihin mo lang sakin."

Tumango naman siya at ibinalik na ang atensyon kay Prof. Pati ako ay nakinig nalang rin. Hayyy.

-

@ cafeteria

"Mall tayo girls!" Aya ni Sammy samin.

"Oh yah! Sama ako dyan." -Violet

"Tss.Ok, count me in.Whatever." -Paris

"Count me in." -ako

Hay nako. Hilig kasi sa malling.

"Hi guysss!" Taka kaming napalingon sa kanya. "Ahm, I heard magmo-mall kayo? Can I join?" Hala siya.Feeling close lang?

"Sino ka ba girl?" Taas-kilay na tanong sa kanya ni Violet. Uh-oh.Di naman kasi nila siya kilala.

"Oh, I'm Diana Melrin Zamora.But just call me Melrin." Sabi niya.Oh well yeah, it's her.

"Wait, Zamora? Are you related to Dwight?" Tanong din ni Perv sa kanya.Huehue.Hindi ko pala nasabi sa kanya na may kambal si Dwight.

"Ofcourse.Dwight's the half of me.Haha.He's my twin." Sagot niya,then umupo siya sa tabi ni Perv. Hmm. Kailangan talaga kay Perv tatabi?

-

@ Mall

Naglalakad kami ngayon papunta sa time zone. By pairs kami, kasama kasi namin sila Perv, Dylan, Vien, and Luke, except kay Diana syempre. Mag-isa lang siya. Huehue.

"Ahm, ito na oh. Tara laro tayo." Biglang hinila ni Diana si Perv papasok sa time zone. Napabitaw tuloy kami ng kamay! Wadahek.

"Sheez girl. I can smell something fishy on her." Sabi sakin ni Sammy, habol niya ng tingin sila Diana at Perv.

"Yeah right. She's kinda, clingy on your boyfriend." Sabi pa ni Paris, then tumuloy na sila ni Luke sa loob ng time zone.

"Tsk Tsk. Bakuran mo na si Rick girl. Mahirap na. Nagkalat ang higad sa paligid. Hihi." Si Violet naman 'to. Tapos pumasok na rin sila sa time zone.
Edi sumunod na rin ako. Then hinanap ko sila Perv at Diana. Aba langya siya, makakapit naman siya sa braso ni Perv wagas-wagasan!

"Ehem. Pwedeng makuha boyfriend ko?" Sabi ko nang makalapit ako sa kanila. Tinaasan ko rin siya ng kilay. Alangan naman siyang napangiti saka bumitaw kay Perv. Pssh.

"Ay sorry. Hihi. Naexcite lang ako." Pssh. Naexcite ah? Di nalang sabihin na sadyang makati siya.

"May boyfriend ka naman diba? Eh kung tawagan mo kaya siya at papuntahin dito, para naman hindi ka lonely." I said then smirked. Para naman nailang siya at nag-iwas ng tingin.

"Ahm,ano e. Busy kasi siya. Hindi rin siya makakapunta." Muli siyang ngumiti ng alanganin. Hmm. This girl's really mysterious.

"I heard gangster sya? Anong group niya?" Tanong ko sa kanya.

"Really, he's a gangster? What group? Baka kilala ko siya. O baka kaaway ko pa pala. Haha. Sino?" Ang daldal ni Perv. Leshe kelan pa naging tsismoso 'to?

"A-ahh, hindi ko sure kung anong group niya eh--"

"Queen,Rick! Tara laro na tayo!" Sigaw ni Sammy. Pfft. Sumunod nalang kami ni Perv sa kanya. Bahala na diyan si Diana. Wala akong pake sa boyfriend niya. Haha.
Nagstart na nga kaming maglaro. Yiee. Saya naman!

--

RICK POV

"Galing talaga ni Perv!" Masiglang sabi ni my Queen at pumapalakpak pa. Haha. Naglalaro kasi ako ng basketball. Eh alam niyo naman ako, dinaig pa ang MVP. Pfft. Puro pasok.

"Ay wait nga Perv. Naiihi ako. Diyan ka lang ah. Wag kang aalis. Akin ka lang. Bawal mambabae." Natatawang napailing nalang ako tsaka tumango.

Baliw talaga yung reyna ko na yun eh. Pero syempre mahal na mahal ko parin yun 'no.

"Aish." Takte sumablay yung isang tira ko. Wala kasi yung lucky charm ko e, ihi-ihi pa kasi. Hahaha.

"Hi Rick!" Tsk. Nandito nanaman 'to. Kanina ko pa napapansin 'to ah. Papansin kasi.

"Hello." Maiksing bati ko rin sa kanya. Nasa bola at ring lang ang atensyon ko.

"Ang galing mo pala magbasketball!"

"Oo."

"Kasali ka ba sa varsity sa HIU?"

"Hindi na."

"Ay baket?"

"Ayoko na eh."

"Hala sayang naman. Dapat kasali ka pari--"

"Wait. May tumatawag sakin."
Tinalikuran ko na muna siya. Di naman sa bastusan. Sadyang may tumawag lang.

[Hello Rick????]

"Yes ate Corrine? May nangyari ba kay baby Yurika?"

[Wala naman. Tulog na siya. Nasan si Queen? Hindi sumasagot eh.]

"Ay. Nasa akin yung bag niya ate, sorry, nandito yata yung phone niya. Nasa cr siya eh."

[Ah kaya pala. Sige. Bye na.]

"Sige ate bye. Pakibantayan nalang ng maayos yung anak namin."

[Oo naman. Ge na.] *toot toot*

Muli na kong bumalik dun. Pfft. Tapos na. Wala na kong token.

"Sino yung kausap mo?" Tss. Puro tanong tong Diana na to.

"Ate ni Queen."

"Ah. I heard you said, 'Anak namin'? May anak na kayo?"

"Yes."

"Woah. It's a girl right?"

"Yes. Pano mo nalaman?"

"A-ahm, wala. Hihi. Feeling ko lang."

Tss. She's weird. And mysterious at the same time.

"Perv! Sabi ko akin ka lang eh!"

"Awwww." Daing ko nang pingutin ako ng sadista kong reyna. Amazona talaga 'to eh.

"Sayo lang naman ako eh! Ouch. Tama naaa!" Inalis ko na yung kamay niya sa tenga ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin, pati si Diana. Ehem.

"Ah Diana. Punta ka muna dun kila Violet dali." Pinagtulakan ko na siya paalis. Tss. Baka awayin ni Queen.

"*pak* Malandi ka talaga!"

"Aw! Sapok naman ngayon!? Nananahimik ako dito eh!"

"Nananahimik! Eh kausap mo nga si Diana!"

"Kausap lang naman eh-- Oy. Wag mo kong iwan!" Hinabol ko siya nang tinalikuran ako. Asus. Tampororot nanaman siya. "Ang selosa naman kasi my Queen." Asar ko sa kanya.

"Syempre mahal kita kaya nagseselos ako!"

"Ayiee. Labyu too my Queen."

"Tse!" HAHAHAHAHA.

--

The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon