RICK POV
"Bro, pwede bang maupo ka naman?" Dylan said with a creased forehead.
"Dude, I can't. I can't calm down because I don't know what the fuck is happening inside that delivery room." Balisang sabi ko parin habang naglalakad paroo't parito.
Kung hindi lang ako hinawakan ni mama sa balikat at sinabing maayos lang ang lahat, hindi talaga ako titigil.
"Where is her husband?" May lumabas na nurse mula sa loob ng delivery room. "Come inside. The patient said she won't push unless the husband is beside her."
Nagkatingin kami ni mama. Dali-dali naman akong pumasok at lumapit sa tabi ni Queen. Lumuluha siya at pawis na pawis ang mukha. Agad kong hinawakan ang kamay niya.
Tinignan ko ang doktor at ngumiti lang siya nang alanganin sakin.
"Perv, this is so painful. I'm telling you, hindi ka na makakaulit!" Impit na sigaw niya at diniinan ang kapit sa kamay ko.
I wanted to laugh but I know it's not needed in the situation.
"Shh, shh. Okay, my Queen. Just push now, okay? So that we can already see our baby." Sabi ko at ngumiti sa kanya. She rolled her eyes on me and then gave one push.
"Ahhhh!" Naaawa ako sa ire niya, halatang mahirap at masakit.
"Ahhhhh!" Bawat sigaw niya ay dumidiin din ang kapit niya sa kamay ko.
"It's almost there, mommy. Try to push harder."
"Ahhhhh! Fuck, masakit! Ammm, ahhhh!"
Parang maiiyak na rin ako dahil sa awa sa kanya. Bawat ire niya ay tumutulo rin ang luha niya.
"I can see the head already. One hard push and the baby's out."
"My Queen, one hard push, okay? I know you can do it. I love you so much." I kissed her hand.
"Ahhhhhhh!"
Pakiramdam ko ay tumigil ang paligid. Nawala ang lahat ng ingay na naririnig ko. Ang natira nalang ay ang malakas na iyak ng isang sanggol. My child...
"A healthy baby boy." The doctor announced.
Tuluyan na akong naluha. I smiled and looked at Queen, she also looked at me and smiled.
"You did it, you're so brave."
"I did it." Masayang sabi niya habang nakatingin sa anak namin.
--
Narito na kami ngayon sa isang private room. Nakaupo ako sa upuan sa tabi ng kama ni Queen habang siya ay natutulog. Marahil ay napagod sa panganganak.
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babaeng nurse bitbit ang anak ko.
"Hello daddy." Bati niya sakin nang sinalubong ko siya.
I just smiled at her and I even saw her blushed, pfft. Iniabot niya sakin ang anak ko, good thing I already have an experience in carrying a baby. Lumabas na rin naman ang nurse.
"Hello, my junior." Bati ko sa anak ko. He is peacefully sleeping.
"Junior your face." Agad akong napalingon sa kama ni Queen, gising na pala siya. "Give him to me."
Lumapit ako sa kanya at inabot ang anak namin.
"Sigurado ka bang ayaw mong i-junior ko siya, my Queen?" Tanong ko at muling umupo sa upuan sa tabi niya.
She just rolled her eyes at me, tss. Idinapa niya naman sa dibdib niya ang bata.
Maya-maya ay dumating na muli ang pamilya niya at pamilya ko.
"Oh my gosh. My grandson is so handsome." Said tita Lorraine.
"Of course, he got his mom's eyes and nose and lips. He almost got everything from me, mom." Mayabang na sabi ni Queen.
Tumikhim ako pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Okay, okay. Siya ang kamukha, hindi ako.
"Oh c'mon. Bahagian mo naman ang anak namin, Queen. Haha, ikaw talaga." Lumapit din si mama sa amin. Queen just pouted.
Kinarga ni tita Lorraine ang bata at pinagkaguluhan na nila iyon. Muli akong lumapit kay Queen at hinawakan ang kamay niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Bakit ba ang taray mo sakin? Kanina pa yan." Tanong ko at pilit na itinatago ang nagbababdyang tawa.
"Let your laugh out because it's too obvious that you're just holding it back." Sabi niya nang hindi nakatingin. "Gawin mong biro 'to, Rick. Nakakatawa? You're laughing because you don't know the pain because you weren't on my situation a while ago."
Agad akong nagseryoso. Galit talaga siya and she's taking it seriously.
"Queen, I'm sorry, okay? I'm not making fun of you. Natutuwa lang ako because you did a great job earlier. I'm just so proud."
Hindi parin siya tumitingin sakin. Nagtatampo parin.
"C'mon, Queen. We just exchanged vows for like five hours ago, nakalimutan mo na agad yung iyo? Look, I haven't even changed my clothes from our wedding. Nag-alala ko sayo, kami."
Dun lang siya tumingin sakin at pinasadaan din ng tingin ang suot ko. Umirap lang siya at muling nag-iwas ng tingin. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya para iharap sa akin.
"I love you, my Queen."
She just pouted at me and rolled her eyes once again. Nakakarami na to ah.
"I said I love you, Queen."
"Okay, I love you too."
I smiled at that. Natuwa naman ako nang ngumiti siya pabalik sa akin. I kissed her forehead.
Maya-maya lang ay inasikaso ko na ang mga gamit at bills dahil pwede na kami agad lumabas. Tapos naman na ang test sa baby at wala namang complications.
Nakauwi kami sa bahay ng parents ni Queen around 8 pm. Yurika was there in the sofa bed sleeping, nakatulog siguro sa paghihintay. Mga katulong lang ang kasama niya rito dahil kasama sa ospital ang parents at mga kapatid ni Queen.
"Yurika, ate Yurika. Our baby's here." Marahan ko siyang ginising.
Kinusot niya ang mga mata niya at bumangon. Agad siyang yumakap sa akin.
"Nanay!" Tumakbo naman siya kay Queen na siyang may karga sa isa pa naming anak. "Wow, our baby!"
She jumped excitedly and we're very happy seing her like that, we're all smiles.
"Yes baby, our baby's home." Sabi ni Queen at naupo na sa isang upuan.
"Is it really a boy po? It doesn't change?" Inosente niyang tanong. She badly want a baby sister though.
"No, baby. It's a baby boy." Queen answered. Yurika pouted pero binawi rin naman agad ng ngiti.
"What's his name nanay? Tatay? You're still not telling us what's the name!" Reklamo niya. Natawa naman kaming lahat sa kanya.
Queen and I looked at each other. Ngumiti siya at ngumiwi naman ako. Tss. Ayaw pa kasi ng junior. Pangit ba ang pangalan ko?
"Baby, our baby's name is.." At nambitin pa talaga si Queen. "Knight Arvin."
"Woooow!"
--
(A/R: Sorry for the late UDs. Hope you understand :> )
BINABASA MO ANG
The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)
Teen FictionPaano pag ang isang bratinelang babae ay nakatagpo ng isang pervert na gangster? Would they be enemies for life? Or would be partners for a lifetime?