Chapter 104

4K 80 2
                                    

QUEEN POV

Naglalakad na 'ko ngayon sa gilid ng field. Malamang papunta nanaman sa building namin -.-
Kinuha ko yung phone ko, wala pa kasi si Perv. Tatawagan ko nalang.

*riiiing riiiing*

Ay hindi sumasagot. Hmm. Nasan nanaman kaya ang pervert na gangster na boyfriend ko na yun?

"Oh my gosh girl! Si Brixton!"

"Brixton? Si Rick? Bakit, anong nangyari girl?"

"Dun sa rooftop ng culinary building! May balak yatang tumalon!"

"What!? Oh my gosh, tara!"

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Namawis rin ako ng malamig. Tama ba ang narinig ko? Si Rick?
Napalunok ako ng bara sa lalamunan ko. Tsaka ko pinilit na igalaw ang paa ko at nagsimulang tumakbo.

Madaming tao ang nagtutumpukan sa tapat ng building namin. Lahat sila ay nakatingala sa direksyon ng rooftop. Dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko. At natutop ko ang bibig ko nang makita ko si Rick sa taas na nakatingala. Onting-onting maling galaw niya lang, maaari na siyang mahulog.

"P-perv.." Mahinang tawag ko sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ko. Umiiyak na rin ako ngayon.

"Girl!" Dali-dali silang lumapit sakin. Napaharap ako sa kanila at napayakap kay Violet.

Bigla namang may humila ng malakas sakin at iniharap ako sa kanya. Hawak niya ko sa magkabilang balikat ko.

"Queen! Anong nangyari?! Bakit nagkakaganyan si Rick!? Nag-away ba kayo!?" Halatang gigil na gigil at galit na galit si Dylan habang inaalog ang balikat ko. Lalo nalang akong napaiyak.

"Dylan ano ba! Tigilan mo nga yan!" Hinila siya ni Sammy palayo sakin.

"Shh, girl hush now." Yumakap sakin si Paris, napayakap nalang rin ako sa kanya at patuloy na umiyak.

Bigla naman akong hinatak ni Violet at itinuro ang rooftop. Nakita ko ang pagkaway ni Rick mula dun. Oh God. Ano bang gagawin niya? Tatalon ba talaga siya? May problema ba? Samin wala.
Bakit siya nasa gilid ng rooftop ng culinary building na may 15 floors? Shit.

"Girl tignan mo!" Nabalik ako sa ulirat at muling napatingin kay Rick. Kita ko ang pag-usog ng paa niya, na dahilan para mas magkagulo ang lahat ng nandito sa baba.

"Wag kayong magulo!" Rinig ng lahat yun mula sa speaker. Speaker na nakapalibot dito sa grounds? At alam kong boses ni Rick yun. "Please wag kayong magulo." Ulit niya. Kumalma naman ang lahat at nakatingala parin sa kanya.

"Queen.." Napalunok ako nang tawagin niya ang pangalan ko. "Mahal na mahal kita. Kayo ng baby natin na si Yurika. Alam mo naman yun diba?"

Natutop kong muli ang bibig ko. Ano ba yang pinagsasabi niya? Para na siyang namamaalam by the way he speak! Halata rin sa kanya na saakin siya nakatingin.

"Sagot!" Kasabay ng sigaw niya na yun ay ang mas pag abante niya. Fvck.

"Oo Rick! Oo, alam ko na mahal na mahal mo kami!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung narinig niya ba ako, masyado siyang malayo sakin.
Nakita ko naman ang pagngiti at pagtango niya.

"Good. At dahil nga mahal na mahal ko kayo.. Gagawin ko 'tong bagay na 'to." Mas humakbang pa siya paabante. Sht Sht. Inalis niya yung maliit na mic na nakakabit malapit sa bibig niya. Atsaka siya... What the fuck. Nagkagulo na talaga ang lahat.

"Riiiiiiiick!!!"

Para akong kinapos ng hininga. At parang tumigil din ang tibok ng puso ko.
Slow motion ang tingin ko sa kasalukuyang nagaganap.
Ang pagkakalaglag ng lalaking mahal ko mula sa mataas na building namin.

The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon