QUEEN POV
"He's one of a kind. Para ko na siyang kapatid, lagi siyang nandyan para sakin. He always help me whenever I have a problem. He's like a brother to me."
Dylan looked at the coffin behind him and made a small smile. Tinanggal niya ang suot niyang sunglasses at muling nagpunas ng luha niya.
"Dude, thanks for everything. Thanks for the experiences and memories. Hindi ko kakalimutan lahat ng mga payo mo, kahit yung mga kalokohan mo. And I also promise na babantayan ko ang pamilya mo. I will always be here for them kasi alam kong hindi mo na magagawa yun. Rest in peace dude. I know that your with Him right now. We love you."
Bumaba na si Dylan mula sa altar ng simbahan."Queen, ikaw na." Nilingon ko si mommy, marahan lang akong tumango sa kanya at dahan-dahan nang naglakad papunta sa altar.
I stared at his closed coffin first before I faced the people. Inayos ko yung mic sa harapan."Rick Anthony Brixton.." I started. "Hindi maganda ang first meeting namin. Magkaaway nga kami nun eh." I smiled as I remember our past.
"I first met him at the campus' cafeteria, he winked at me that time. Kaso walang effect sakin kasi ibang tao pa ang gusto ko nun. Then nung sa parking, nung sinabihan niya kong flat chested, nabato ko siya ng sapatos." Nilingon ko ang kabaong niya at ngumiti. Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ko, ang blured na ng paningin ko.
"He's such an asshole, that's my first impression to him. Pero as time passes by, I have the chance to know him more. Nalaman kong hindi lang naman pala siya loko-loko, hindi yung mayabang lang.. He's thoughtful, sweet. Kung importante ka sa kanya, asahan mong nandyan lang siya lagi para sayo." Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko. I just can't, hindi ko parin matanggap.
"Yun ang dahilan kaya ko siya nagustuhan, kaya ko siya minahal." I tried to wipe my tears. Pero kahit anong punas ko, hindi parin sila maubos-ubos.
"I never imagined na maaga kaming aabot sa ganto. Yung nandyan siya sa loob ng kabaong, tapos ako nagbibigay na ng last messages ko." Patuloy lang ang pag-iyak ko. Maging halos lahat ng mga nakikiramay at pamilya namin ay nag-iiyakan din.
"Kahit hindi ko kaya, kailangan ko 'tong tanggapin. I need to accept na wala na siya, iniwan na ko ni Perv." I once more looked at his coffin.
"Perv, ang daya mo. Bakit mo 'ko iniwan agad? Akala ko ba hindi mo na 'ko ulit iiwan at paiiyakin? Sinungaling ka talaga. Nakakainis ka, alam mo yun? Iniwan mo na kami ni Yurika. So pano na kami? Yung family mo, yung mga kaibigan natin? Tapos magpapakasal pa tayo diba? Magkakaroon pa tayo ng babies. Wala na ba? Ang daya mo Perv. Ang daya-daya mo." Napahagulgol na 'ko. Hindi ko na kaya. But I need to give my last message for him.
"Perv, mahal na mahal kita. Hindi na 'ko magmamahal pa ng ibang lalaki Perv, kasi ikaw lang. You're my one and only King. Kahit wala ka na, pipilitin kong bumangon. I need to let you go. I have to face each and everyday nang hindi ka na kasama. Palalakihin ko si Yurika nang ako lang, but still with the guidance of our family and friends. Perv, miss na kita. And I will always miss you in every moment of my life. Alam kong masaya ka na kung nasan ka man. I love you Perv, and I'm now letting you go."
Pagkababa ko ng altar ay sinalubong agad ako ng yakap nila mommy. Patuloy lang naman ako sa pag-iyak.
Wala na si Perv. Wala na yung kaisa-isang lalaking minahal ko nang totoo.We found his corpse last week, dun sa vacant building. Wala na siyang buhay, halos hindi na rin siya makilala dahil sa pagsabog na nangyari. Hindi na namin napa-dna yung bangkay kasi wala nang mapagkukuhanan ng sample ng dna dahil nga sa epekto ng pagsabog. Pero nakasigurado kaming siya yun nang makita namin yung relo na nasa kamay niya, yung relong bigay ko.
"Queen, let's go?" I nodded at ate Corrine. Nag-umpisa na kaming maglakad palabas ng simbahan. Simbahan kung saan bliness ang bangkay niya, bago siya ihatid sa huli niyang hantungan.. Ililibing na siya. Ililibing na yung lalaking mahal ko..
--
(A/N: The next chapter would be super duper fast forward. Sinabi ko na agad para di kayo mashookt haha.)
BINABASA MO ANG
The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)
Teen FictionPaano pag ang isang bratinelang babae ay nakatagpo ng isang pervert na gangster? Would they be enemies for life? Or would be partners for a lifetime?