QUEEN POV
I'm now on my car, papunta na ko sa resto. I better visit mom, kesa mabaliw ako sa bahay.
When I got there, dumiretso ako sa kitchen."Mom.." She was cooking. Lumingon siya sakin then ngumiti siya.
"Napadaan ka?" She asked.
"Bored lang po sa bahay. And, I have something to tell you."
"Okay. Wait for me outside, tatapusin ko lang to para maiserve."
Lumabas ako at pumwesto sa isa sa mga table. Sa tabi yun ng glass wall kaya kita ang view sa labas.
Saglit lang naman akong naghintay, maya-maya ay lumabas na rin si mommy."So, ano yung sasabihin mo?"
"Mom.. Si Rick."
Napataas ang isa niyang kilay."What about your deceased boyfriend?" She asked.
"I think he's.. He's alive." Nagulat si mommy sa sinabi ko.
"What? Queen, we both know that he's already buried."
"Pero mommy.. Yung kapitbahay namin, yung bagong lipat, he perfectly looks like Rick. Swear mom, swear."
Halos maluha na ko sa pagpilit nun, pero hindi parin convinced si mommy.
"Queen.." She hold my cheek. "I know how much you miss Rick. Pero, wala na siya. It is very impossible that he's alive. Nandun tayo pareho nung libing niya."
Napaiyak nalang ako. Bakit ba ayaw niyang maniwala? I know it was Perv. Mahal ko siya kaya kilalang-kilala ko siya. Oo may konting doubt sakin na baka nga hindi siya yun, pero.. Pero kasi..
--
8:29pm
"Nanay, I saw tito Christian outside." Napatingin ako kay Yurika, then I smiled.
"Oh, anong nangyari?" I asked.
"He hugged me po. He said he really likes me." Ngumiti siya, kaya lumabas nanaman yung dimple niya. She really looks like her real dad and mom.
"Ah. Did you hugged him back?"
"Of course nanay! I like him din po eh. Because he looks like tatay Rick talaga."
Biglang nawala yung ngiti ko.
Ito nanaman. Christian.. Rick.."Yeah, he looks like your tatay. But he's not him. You're tatay's dead, diba?" I tapped her head.
"Opo." She pouted. "Don't you miss my tatay, nay?" She asked.
"I do miss him so much baby." I smile, then I hugged her.
"Hmm.. You love him?"
"Yes. As much as I love you."
"How about daddy, do you love him?"
Tumingala siya sakin at tinignan ang mga mata ko. Her brown eyes, Dane's eyes."I.." Ano bang sasabihin ko? "I love him. Of course." I kissed her forehead. "You better sleep na baby. May pasok pa bukas."
"But nanay, I'll wait for daddy pa po." She once again pouted, she's indeed cute.
"Wag na Yurika. I'll wait for him nalang okay? Then papaakyatin ko siya para ikiss ka mamaya." I assured her.
"Hmp. Okay po nanay, goodnight." I kissed her lips then umakyat na siya sa kwarto nya.
It's already 11:45pm, narinig ko na ang sasakyan ni Dwight.
"Hon. Bakit hinintay mo pa ko?" Lumapit siya sakin then he kissed my forehead.
"I have to. I also promised our daughter." I said then smiled. "Kumain ka na ba? May ulam sa ref, iinitin ko lang wait."
Pumunta ako sa kusina. Sumunod naman siya sakin.
"How was your day?" Tanong ko habang iniinit ang pagkain."Hectic. Tambak yung files sa table ko kanina. Haha." Iniwan ko muna yung iniinit ko then lumapit ako sa kanya. Minassage ko yung bandang balikat nya.
"So you're really tired?" Tanong ko. Tumango lang naman siya. Pinagpatuloy ko nalang ang pagmasahe sa kanya until matapos yung iniinit ko.
"Oh, kumain ka na." Pinaghanda ko na siya ng pagkakainan niya.
"Yum. Delicious food cooked by my gorgeous wife." Pambobola niya.
"Oh well." Natawa nalang ako.
*ding dong ding dong*
*ding dong ding dong*
Nagkatinginan kami nang may sunod-sunod na nagdoorbell.
"Ako na." He said. Lumabas siya ng bahay, nakasunod lang naman ako sa kanya.
"Dwight! Queen! Help me, si Christian!" Nagkatinginan kami ni Dwight dahil sa sinabi ni Jean. Then sabay kaming napatakbo palabas.
"What? Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot, sa halip ay tumakbo na siya papunta sa bahay nila. So sumunod nalang kami.
Naabutan namin si Per-- si Christian na nakaupo na sa may sahig habang sabu-sabunot ang sarili niyang buhok.
"Ahhhh!" He keeps on shouting.
"A-anong nangyayari sa kanya Jean?" Tanong ko.
"I don't know.. I don't know.." Umiiyak na siya.
"Ahhhh! Queen! Ahhhh!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa isinigaw ni Christian. My name.. Kasabay nun ay ang pagbagsak niya, nawalan siya ng malay.
--
Nandito kami ngayon sa hospital. Sumama kami kay Jean nang dinala si Christian dito.
"Hon, umuwi ka na muna. Walang kasama si Yurika sa bahay, baka magising yun." Dwight said.
Oo nga pala. Naiwan si Yurika. Tsk, I almost forgot my daughter."Sige. Magtataxi nalang ako. Balitaan mo nalang ako sa mga mangyayari ha?"
"I will." Hinalikan niya ko sa noo. Then umalis na ko at sumakay ng taxi para umuwi.
Nang makarating ako sa bahay, tulog parin naman si Yurika. It's already 1:30am.
Nag-aalala ako. Anong nangyari kay Christian? Parang sobrang sakit yung naramdaman niya sa bandang ulo niya kanina. At ang ipinagtataka ko pa, bakit sinabi niya ang pangalan ko?*riiing riiing*
I got my phone. Dwight's calling.
"Hello hon? How was he?"
[Gising na siya.]
"And?"
[Wala. Okay naman daw sabi ng doktor.]
"Eh ano yung kanina? Bakit daw sumakit yung ulo niya?"
[I don't know. The doctor and Jean talked privately.] What?
"Ah ganun ba."
[Yah. Uuwi na rin ako. Kaya naman na daw ni Jean.]
"Sige sige. Ingat."
He hanged up. What was with Jean? Bakit hindi manlang niya isinama si Dwight sa usapan nila ng doktor? Nagdududa na talaga ako sa kanya. She's kinda mysterious.
--
BINABASA MO ANG
The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)
Teen FictionPaano pag ang isang bratinelang babae ay nakatagpo ng isang pervert na gangster? Would they be enemies for life? Or would be partners for a lifetime?