Chapter 56

7K 141 1
                                    

QUEEN POV

Hayyy.Natapos rin!
Tapos na 'kong punasan at bihisan si Rick.Oh yeah.Binihisan ko siya,like duh,amoy alak kaya siya -__- And nga pala,polo niya lang ang pinalitan ko.Hindi na yung pants niya!May makita pa 'kong hindi ko dapat makita eh -,-
Kinuha ko na yung pouch ko na nakapatong sa side table ng kama niya,tapos lumabas na 'ko ng kwarto niya.Uuwi ako 'no.
Nang nasa may guard house na 'ko,as in sobrang lapit na sa gate,biglang umulan -__- Alam niyo yung biglang lakas?Pssh.
"Manong,payong nga po!!" Sabi ko kay manong guard habang nakatakip ang kamay ko sa bunbunan ko.Inabutan niya naman ako kaagad.
Hayss.Malas naman.Gabing-gabi na nga,umuulan pa -,-
"Manong,may dumadaan po bang taxi dito?" Tanong ko kay manong.
"Wala po maam.Kailangan niyo pa pong lumabas ng subdivision.Nakakapasok lang po kasi ang mga taxi dito kapag may ihahatid." Aish.Malas naman oh!So lalakarin ko pa pala hanggang sa main gate ng subdivision?Hassle!Magpapabili na nga ako ng kotse kay daddy!
"Manong,samahan mo naman ako dun.Wala akong kasama eh,ang dilim tapos kumukulog pa.Nakakatakot." Sabi ko kay manong with paawa effect.
"Ay sorry maam,hindi ko po pwedeng iwan 'tong bahay.Bakit di nalang po kayo diyan sa loob muna matulog,pansamantala?Malalim na talaga ang gabi,delikado na." Ay siya.Mas tinakot pa ko ng manong guard na 'to.Napa-pout nalang ako.
"Sige na nga.Diyan nalang ako matutulog." Sabi ko at naglakad na pabalik sa bahay nila Rick. "Ay!" Tungunu.Kagulat yung malakas na kulog -,-
Pagdating ko sa may pinto ay itiniklop ko na yung payong tapos iniwan ko sa gilid.Then pumasok na 'ko sa loob.Hays!Eh saan naman ako matutulog ngayon?Dito sa sala?Ang lamig-lamig kaya!Hindi naman pwede sa guest room,kasi sigurado naman ako na naka-lock yun.Hindi ko naman alam kung nasaan yung susi.Kung bakit naman kasi wala silang maid manlang dito eh -,-
Kinuha ko muna yung phone ko tapos dinial yung number ni ate Corrine.Mabuti at may signal pa.
[Yes?Bakit baby bunso?]
"Ate,pakisabi nga kila mommy hindi ako makakauwi.Dito na ko kila Rick matutulog."
[Ah sige.---Mommy!Hindi daw uuwi si baby bunso!Kila Rick daw siya matutulog!] Nailayo ko sa tenga ko yung phone,grabe siya makasigaw. [Ok daw baby bunso.]
"Ah.Sige salamat."
[Behave ka diyan ah.Umuulan pa naman,malamig.Tsk tsk tsk.Wag kang tatabi kay Rick.]
"Ate!!"
[Hahaha.Joke lang.Sige na.Byebye.]
"Ge.Bye." *toot toot*
Baliw rin talaga yung isang yun eh.Ang dumi ng isip.Hayss!
Umakyat na ulit ako sa 2nd floor,tapos pumasok sa kwarto ni Rick.No choice eh,ito lang ang available na room.Hmmn.Saan naman kaya ako matutulog dito?Sa couch.Nah.Masyadong maliit para sakin.Sa tabi niya sa kama.No thanks!Baka maulit pa yung mangyari kanina.Baka nga matuloy pa sa kung saan yun eh -__-
Last choice,sa sahig.Oh sheez.Kawawa naman ang kagandahan ko.Hayaan na,kailangan ko na talagang mag-beauty rest.Isantabi na muna ang kaartehan Queen!
Lumapit ako sa kama ni Rick,tapos kinuha ko yung kumot niya.Wala siyang banig or ibang kutson eh -,- Kaya itong kumot niya nalang ang isasapin ko,bahala siyang lamigin diyan kasi wala siyang kumot.Nang mailatag ko na yung sapin ko ay kinuha ko naman yung dalawang unan sa kama niya.Madami naman eh,di naman siguro kawalan yung pagkuha ko sa dalawa -,-
Humiga na 'ko.Ay fishtea.Ang tigas bb.Hirap matulog nito.
"Good night to me." Bulong ko sa sarili ko.At goodluck na rin kung makakatulog ba 'ko ng maayos. Pssh!

-

RICK POV

Hmm.Sht.Ang sakit ng ulo ko.Umaga na.Pano ko nalaman?Basta,sadyang nakaset na talaga sakin na magigising ako kapag alas-sais na ng umaga.
Dinilat ko ang mga mata ko sabay hilot sa sintido ko.Naparami yata ako ng inom kagabi.Tsk.
Napatingin ako sa damit ko.Ha?Hindi ito yung suot ko kagabi ah.Nung tinignan ko naman yung pantalon ko,ayun parin.Eh?Nakapagbihis pa ko ng polo?Tsk.
Bumangon na ko mula sa pagkakahiga ko.Pero nakayuko lang ako habang hinihilot parin ang sintido ko.Hayss.Ngayon nalang ako ulit nagka-hang over ng ganto kalala ah.Tsk.Mag-aalmusal na nga ako.
Umusog na ko sa gilid ng kama.Tapos nagulat ako nang pagtingin ko sa sahig,nandun si Queen at mahimbing na natutulog!Sht.Anyare sa babaeng 'to?Nilapitan ko siya at mahinang tinapik sa pisngi niya.
"Queen..Queen?" Tawag ko sa kanya.
"Hmm." Ang tanging tugon niya lang tapos gumalaw.Pero tulog parin.Tsk.
Tumakbo muna ako sa cr tapos naghilamos at nagtoothbrush.
Siya kaya ang naghatid sakin pauwi?Siya rin ba ang nagpalit ng damit ko?Grabe 'ko,di ko talaga matandaan.
Pagkatapos ko ay lumabas ulit ako at nilapitan siya.Ang himbing parin ng tulog.No choice,kailangan ko siyang malagay sa kama eh.So binuhat ko na siya dahan-dahan,di parin nagigising.Hagis ko kaya nang magising na?De dyok lang.Nang mailapag ko na siya sa kama,gumalaw siya tsaka naman nagising -,- Pinagbuhat pa 'ko -,-
"Oh Rick,gising ka na pala.Masakit ba ulo mo?" Tumayo siya mula sa pagkakahiga.
"Hindi na." Sagot ko.Oo,di na masakit.Nawala HO ko nung makita ko siya eh.
"Ahh.--Ay." Bigla siyang nagtakip ng bibig niya tapos lumayo sakin.Ha?
"Bakit?" Tanong ko.Umiling-iling naman siya. "Bakit nga?" Tanong ko ulit.
"Di pa ko nagtotooth brush." Sabi niya habang nakatakip parin ang mga kamay sa bibig niya.Natawa ako.
"Ayun oh,cr." Sabi ko sabay nguso sa may cr.Tumakbo naman siya agad dun.
"Toothbrush?" Tanong niya.
"Gamitin mo yung sakin.Nandun sa lalagyan." Pfft.Nakakatawa yung reaksyon niya,nandidiring naiinis.Haha. "Joke lang.Dun sa cabinet sa taas,may tooth brush dun na hindi pa nagagamit." Tumakbo naman na siya agad papasok sa cr.
Hayyy.Nakakamiss pala talaga si Queen 'no?Ang tagal ko rin siyang hindi nakasama at nakausap ng ganto.Kung hindi lang kasi dahil kay Althea.Sht.Oo nga pala.Tsk.Tang*na talaga.Nakakap-ta lang isipin na naloko ako ng babaeng yun.Tang*na talaga.Tang*na!
Pero I think I have to remove all the badvibes now,nandito si Queen kaya kailangan gv lang.Haa!
"Ok na." Nakangiti siyang lumabas ng cr.Kaya nginitian ko na rin siya.
"Anong kinakain mo pang-break fast?" Tanong ko sa kanya.
"Pancake ta's gatas lang." Sagot niya.Tss.Kaya pala ang payat nito,hindi madami kinakain tuwing umaga.
"Ah.Tara dun sa baba,magreready ako ng breakfast." Sabi ko at nauna nang lumabas ng kwarto ko.Ramdam ko naman na nakasunod lang siya.
Nandito na kami ngayon sa kusina.
"Bakit di ka mag-heavy meal?" Tanong ko sa kanya habang nagsusuot ng apron.
"Ayoko.Baka tumaba ako.Sayang sexy body." Nagpanggap akong nabilaukan.Natawa nalang siya. "Nagluluto ka pala?" Tanong niya nang hinahanda ko na yung ingredients para sa pancake niya.
"Yup.Naturuan kasi ako ni Alyan-- ni Althea.Tss." Nababadtrip talaga 'ko pag naaalala ko yung babaeng yun -__-
"Ahh!" Sabi niya at tumango-tango. "Bilisan mo na.Nagugutom na 'ko." Sabi niya at nagpout sabay hawak sa tiyan niya.Napangiti nalang ako at itinuloy na ang ginagawa ko.
Hayy.Mabuti at hindi siya naiilang sakin 'no?Maybe she already moved on.Wala na sa kanya yung past namin,wala na 'ko para sa kanya.Hayss.

-

QUEEN POV

Kumakain na kami ngayon.Pancake lang rin at kape ang kinakain at iniinom niya.Pero heavy meal naman daw talaga ang pang-break fast niya.Sinabayan niya lang daw yung trip ko -__-
"So,how was your life in Canada?" Tanong niya then he sipped his coffee.
"Ayos lang naman.Masaya rin." Sagot ko at ngumiti.Ayt.Naalala ko tuloy sila bigla.Nakakamiss.
"Marami kang kaibigan dun?" Tanong niya ulit.
"Marami din naman.Kaya hindi naging boring." Sagot ko naman. "May kaibigan pa nga akong Anthony ang pangalan doon eh.Kaya nung una,nahirapan pa kong makalimutan ka.Like duh,sa dami naman kasi ng pangalan sa mundo bakit yung second name mo pa.Kaya nahirapan talaga akong makapag-move on nung una eh.--" Napatakip ako sa bibig ko.Sht.Wala nang preno yung bibig ko!Bakit ko sinabi yun!?
Napangiti lang siya sabay sabing,
"It's ok.Continue.." Aish!Kung bakit kasi ang daldal ko eh!?No choice tuloy kundi ikwento na talaga yung naging buhay ko sa Canada!Pssh.

--

The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon