Chapter 122

4.1K 97 31
                                    

QUEEN POV

"Hon, maaga akong uuwi mamaya."

Tsk. Ang tagal naman magtext. Sabi ni tita Blue ngayon ibibigay yung result ng DNA e.

"Dapat may dinner na agad pagkadating ko ha?"

Aish. Nakakakaba tuloy, dagdag intense feeling yung matagal na text tsk.

"Hon, are you listening?"

"Hon?"

"Queen!?"

"Oh why!?"

Napalingon ako kay Dwight, salubong ang kilay na nakatingin siya sakin. Ahhh? Okay, anong meron?

"I'm talking to you and you're not even listening! Ano bang pinagkakaabalahan mo dyan sa phone mo!?"

"H-ha? Sorry, hon. A-ano wala wala. Hinihintay ko kasi tawag ni ano.. Ni m-mommy." Utal-utal na paliwanag ko sa kanya.

"Is that true?" Hindi convinced. Tumango lang ako bilang sagot. "Okay. Like I said, maaga akong uuwi mamaya so you must prepare for our dinner."

"Oh, sure sure." Sagot ko at ngumiti nalang.
Ngumiti nalang din siya at hinalikan na ko sa noo.

"Bye. Ingat ka dito ah, I love you."

"Sige, ikaw rin ingat. Bye."

Lumabas na siya ng bahay. Hu!

"Nanaaaaay!"

"Yes baby?"

"Done na po!" Lumapit siya sakin at ngiting-ngiting umikot sa harapan ko.
Natawa ako nang onti, tabingi kasi ang pagkakasuot niya ng skirt niya.
"I told you po I can do it properly na! I'm really a big girl now!" Masaya niya pang sabi.

"Yes baby, you really are a big girl now. Pero lapit ko muna dito, ayusin ni nanay palda mo." She pouted first bago lumapit sakin, haha.
Sabi niya kasi kaya niya na daw isuot ng maayos school uniform niya, so cute.

"Hays nay. Btw, can I have a baby sister na po? Please." Nagpuppy eyes pa sya sakin. Uhh..

"Ahm, baby. Di kasi namin napag-uusapan ng daddy mo yan--"

"Please please nanay, pleeeeease?" My gosh Yurika.

"Okay, okay." Tumango nalang ako. Oh c'mon.

"Yey thank you!" She kissed me on my cheek.

"Oh andyan na school bus mo. Tara, hatid na kita sa labas." Sinamahan ko sya sa labas at hinintay ko muna na makaalis ang school bus niya bago ako bumalik sa loob ng bahay.

*beep beep*

Dali-dali kong kinuha ang phone ko at binasa ang message.

Mssg. from Tita Blue:
Queen, I have the result.

Mssg. sent to Tita Blue:
Okay tita I'm coming.

Umakyat na ko sa taas at mabilis na inayos ang sarili ko.

-

Nakasakay na ko sa kotse at palabas na ng gate nang makita ko sila Christian at Jean. Nasa kotse rin silang dalawa, paalis yata.
They both looked at my direction.
Christian smiled, so I smiled back. Si Jean naman, pinagtaasan lang ako ng kilay. Tss.

Nang makalagpas na sila sa gate namin ay umalis na rin ako.

Hays. Ano kayang resulta ng DNA test? Kinakabahan ako.


"Hi tita, tito and ate Reign." Nagbeso ako sa kanilang tatlo.
Nandito kami ngayon sa bahay nila.

Pinakita sakin ni tita ang hawak niyang envelope. I smiled.

"Okay, I'll open it."

Lub Dub Lub Dub Lub Dub

Sht. Hindi maalis ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Ma, what does it say?" Tanong ni ate Reign.
Then I saw how tita's tears fell down her cheek.
.
.
.
.
.
"Positive. He's Rick. He is our Rick." Tuluyan ng napahagulgol si tita. Kaya naman lumapit sa kanya si Tito at niyakap siya.

Hindi ko rin maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon, I just also found my self crying.

"Queen.." Lumapit sakin si ate Reign, then we hugged each other.

"Bumalik na siya ate. Bumalik siya.." I said between my sobs.

"Yeah. Pababalikin na natin siya.."

--

The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon