Part 108

4K 88 0
                                    

QUEEN POV

"Peeeeeeeerv!!!"

"Bakit!?" Pfft hahaha. Ang epic ng mukha niya oh.

"Wala. I love you." Sabi ko sabay lapit sa kanya at sumabit sa batok niya.

"Tsk. Akala ko naman kung napano ka na. Napalabas tuloy ako sa banyo nang wala sa oras!" Hahaha. Yah, nakatapis nga lang siya eh. Tapos may bula pa sa ibang parts ng katawan niya.

"Ang tagal mo kasi eh. Namiss kita agad." I said then pouted. Ngumiti naman siya nang nakakaloko.

"Ah, talaga?" He asked. Still wearing that naughty grin.
Then bigla niya kong itinulak sa couch. Uh-oh?

"Perv, kung ano man yang balak mo, itigil mo yan." Banta ko sa kanya. Siya naman ay nakangisi parin habang nakatayo sa harapan ko.

Ngapala, nandito kami ngayon sa condo niya. Dito na kasi siya madalas matulog, minsan namin magkasama rin kami dito. Si baby Yurika nasa bahay, binabantayan ni mommy malamang. Hindi naman siya nagrereklamo, tuwang-tuwa pa nga siya kapag pinapabantay ko sa kanya si Yurika eh.

"Hahaha. Gusto mong makakita ng dragon my Queen?" What? Dragon? Oh my g. Wadapak. Inaatake nanaman po siya ng perverted mind niya.

"Waaaah Perv, isa!" Pano kasi, parang tatanggalin na niya yung pagkakabalot ng tuwalya sa kanya!

"Hahaha. Ito na my Queen..." Tinakpan ko yung mata ko.

"Perv! Pervert ka talaga! Itigil mo nga yan!" Sigaw ko habang nakatakip parin ang mga mata ko.

"Hahahahaha." Tawa niya. Siraulo talaga eh. Narinig ko nalang ang mga yabag niya palayo at ang pagsara ng pinto ng banyo. Kaya inalis ko na ang takip sa mata ko.
"Akala mo naman ipapakita ko talaga sayo. Tsaka na, sa honeymoon na natin. Hahaha!" Sigaw niya pa nang nasa loob na siya. Pssh. Sayang. Ay! I mean, mabuti naman.

-

@ mall

"Dylaaaaaaan!" Awts. Boses nga naman ni Sammy.

"Hahaha. I love you babe." Tumatawang sabi ni Dylan. Tss. Naghahabulan kasi silang dalawa. Muntanga lang eh.

"Baby, you want this?" Tanong ni Luke kay Paris. He's referring to the fries that he's holding.

"Yah. Give me some." Sagot ni Paris. Pfft.

"V, wag mo naman akong sakalin!" Reklamo ni Vien kay Violet.

"Hindi kita sinasakal V! Nakaakbay lang ako sayo oh, hello!" Sabi naman ni Violet tsaka umirap. Pfft.

"Akbay kasi nang akbay. Alam mo nang mas matangkad ako sayo eh. Nasasakal nga 'ko!" Hahahaha.
Parang baliw tong mga to e 'no? Pssh.

"Pagod na ko." Sabi ko then hinawakan ko yung kamay ni Perv na nakaakbay sakin.

"Gusto mo tigil muna tayo saglit?" Tanong ni Perv then kiniss ang gilid ng ulo ko.

"Wag na. Nag-eenjoy nga silang palakad-lakad oh." Sabi ko at nginuso yung anim.

"Ok." Bigla siyang umupo sa harapan ko. "Just ride at my back." Sabi niya at itinuro ang likuran niya. E?

"Sigurado ka? Piggy back ride? Baka di mo ko kaya." Nag-aalalang sabi ko.

"Kaya ko yan Queen. Payat-payat mo eh." Sabi ko nga. Pero hindi ako payat 'no! Slim lang ako, tsaka sexy.

Sumampa na nga ako sa likuran niya. Then dahan-dahan na siyang tumayo habang hawak ako sa dalawang hita ko.

"Don't tighten your grip." He said. Niluwagan ko naman ang pagkakakapit sa leeg niya, then nagsimula na ulit siyang maglakad. Ipinatong ko nalang ang ulo ko sa balikat niya.

"I love you." Bulong ko malapit sa tenga niya.

"I love you too." Sabi niya rin. Ayieeee. Kilig femfem mga be. Haha.

"Ang cute naman nila."

"Yah. Ang sweet."

"Akin nalang sana yung guy."

"Oo nga eh. Ang pogi."

Hay nako. Kung pwede lang ipagsigawan dito na fiancé ko yang pinapantasya nila eh.
"Oh, bakit?" Tanong ko nang tumigil sa paglakad si Perv.

"I think I saw a familiar face." Sabi niya. Bumaba naman muna ako sa likod niya. Then tumabi ako sa kanya at tinignan din ang tinitignan niya.

"Sino Perv?" Tanong ko.

"I think it's Ace." Oh. My. G. "Don't worry my Queen. You'll be safe, hindi siya makakalapit satin." He said. Napansin niya sigurong medyo kinabahan ako. Kaya hinawakan niya ang kamay ko.

"Ok Perv." Sabi ko nalang. Hinalikan niya naman ako sa noo bago kami magpatuloy sa paglalakad, nang mapatigil nanaman ako.

"Rinrin?" Takang banggit ko sa pangalan niya.

"H-hi Winwin! A-ahm, hi rin Rick." Sabi niya at ngumiti nang alanganin. Galing siya dun sa tinignan namin ni Perv kanina eh, kung san niya daw nakita si Ace.

"Bakit ka andito? Tsaka sinong kasama mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ahm, namamasyal lang. Hehe. Tsaka, w-wala akong kasama. Wala! Haha, bye." Bigla nalang siyang tumakbo paalis. Hala siya?

"She's weird." Sabi ni Perv. Tumango naman ako.

"Yah." I said. Hmmn.

--

(A/N: Medyo fast forward haha.)

QUEEN POV

5 months later

"Yaaaah! Ang galing-galing na talaga ng baby koooo." Sabi ko sabay kinuha si Yurika mula sa pagkakadapa niya sa kama.

"Nice my Queen. Nakakagapang na nga talaga siya." Sabi naman ni Perv. Ahihi. You read it right, nakakagapang na nga ang baby namin. 8 months na rin kasi siya eh.

"Tatatata." Oh. My. G.

"My Queen.."

"Narinig ko rin Perv.."

"Tatatata."

"Kyaaaaaah! Nagsasalita na siyaaaaaa!!!!"
Masayang sabi ko habang nagtatatalon at karga-karga parin si Yurika.

"My Queen, baka mapilayan si baby natin." Sabi ni Perv at inalalayan ako paupo. Then kinuha na niya sakin si Yurika. Gosh. Grabe lang, nakakaiyak. Tears of joy mga be. Nakakagapang at nagsasalita na siya. Hindi nga lang as in words talaga yung nasasabi niya. Huehue.

"My baby, say it again? Talk again my baby." Sabi ni Perv kay Yurika. Tumitig naman sa kanya si baby, sabay ngumitiiii. Shems, yung dimples niya lumilitaw, tas yung mata niya nawawala. Chingkit.

"Tatatata." Kyaaaa. She said it again. I'm so proud for being her mother.

"Tatatata? What does it mean my Queen?" Tanong ni Perv at tumingin sakin.

"Tatatata.. Tatay? Tatay siguro peeeeeerv!" Masayang sabi ko. Napangiti naman si Perv.

"Ah, yun ba yun my baby? You want to call me tatay? Ok, from now on, I am your Tatay, baby Yurika." Perv said then pinisil niya sa pisngi si Yurika. Humagikgik lang naman ng tawa ang baby namin. Hahaha.

"Hala Perv ang daya." I said.

"Huh? Bakit naman my Queen?" He asked.

"Sayo may tawag na siya. Which is Tatay, sakin naman wala." I said then pouted. Natawa naman siya.

"Hahaha. Hala ka baby, nagtampo na si nanay. Say nanay baby, na-nay." Sabi niya kay Yurika. Ang baby naman namin, humagikgik lang ulit. Pssh.

"Tatatata." Haysssss!

"Hahahaha! Hindi pa talaga right time my Queen. Next time na siguro. Hahaha." Tawang-tawa naman 'tong hinayupak na to! Buset. Argh!

--

SOMEONE POV

"Are we going to start our plan?" He asked. I smirked then faced him.

"Yes. And we'll make sure that we'll make their lives a living hell." I said.

"Ok. As you said. Let's start this."

--

The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon