Chapter 79

4.9K 116 0
                                    

QUEEN POV

Nandito parin ako sa kwarto ni Perv.Hindi na 'ko umuwi kahapon.Ayaw niya 'kong pauwiin eh,tsaka ayaw ko rin naman talagang umuwi.Huehue.I just wanna be at his side.

By the way,tulog parin siya hanggang ngayon.Tsk.Maaga pa rin kasi,5:35 am palang eh.

**beep beep**

Kinuha ko yung phone ko nang tumunog yun.

Mssg. frm HDonor..
  I'm on my way.

Ay grabe siya.Hindi excited 'no?Tsk Tsk.

Send to HDonor..
Ok mam.We'll wait.

Lumapit ako kay Perv tapos tinapik ko yung pisngi niya.

"Hmm." Ay.Kung buhusan ko kaya 'to ng malamig na tubig para magising agad?

"Perv, uy.Parating na yung nanay ng donor mo.Gising na." Tinapik ko ulit siya sa pisngi.

"Hmm.Hindi pa nga alas-sais eh." Ay grabe sya.Kailangan ba alas-sais talaga gigising?

"Aish.Bahala ka nga dyan,uuwi na 'ko." Lumayo ako sa kanya, pero naramdaman kong hinawakan niya yung braso ko.Huehue.

"Ito na,babangon na nga eh." Pagtingin ko ay nakaupo na siya sa kama niya.Nice.Messy hair.'Woke up like this' ang tema niya. Hahaha.

"Wait,kukuha lang ako ng bimpo.Pupunasan kita." Tumakbo ako cr.Well yeah, may sariling cr 'tong kwarto niya.Kaya nga ok lang kahit hindi na 'ko umuwi samin eh, parang bahay na rin kasi 'to.Hehez.
Nang makalabas ako ay pinunasan ko na siya ng bimpo.Tinulungan ko rin siyang tumayo para lumakad papunta sa cr,naiihi daw kasi siya.Atsaka magtu-tooth brush na rin.

"Queen,wag kang sisilip ah." Sabi niya habang nakaharap na sa bowl.

"Oo!Asa ka namang gusto kong makita yan." Pssh.Natawa nalang siya.Hawak ko siya sa braso niya pero nakatalikod ako sa kanya.Yung feeling na rinig na rinig ko yung ihi niya.

"Tapos na?" Bagot na tanong ko,hindi parin ako humaharap sa kanya.Aba nag-iingat lang.Baka mamaya hindi pa pala.

"Opo." Sagot niya tapos nilamutak yung mukha ko gamit yung kamay niya.Oh my!

"Geez!Rickkkk!Walangya kadiri ka!Humawak ka sa ano mo tapos hinawakan mo yung mukha ko!?Yuck! Ew Ew!!" Dali-dali akong tumakbo sa may lababo at naghilamos.Walangya yung pervert na yun!

"Hahahahahahaha!" Hagalpak niya ng tawa. Upakan ko 'to eh.

"Tse!Bastos!" Sabi ko pagkatapos kong maghilamos.

"Haha.Naghugas naman ako ng kamay.Hahaha." Tumatawa paring sabi niya nang inalalayan ko na siya palapit sa lababo para magsipilyo.

"Uluts! Naghugas daw.Edi sana basa yung kamay mo!" Sabi ko at inismiran siya.

"Di pwedeng nagpunas na?Hahaha." Tumatawa paring sabi niya habang naglalagay ng toothpaste sa toothbrush.

"Sus!Eh wala namang tubig dun,san ka naghugas?Sa bowl?" Sarcastic na sabi ko.

"Oo.Hahahaha." Waaaaah!Walangya talaga!

"I hate you na Perv!" Inis na sabi ko at nagpout.

"Hahahaha.Baliw.May gripo kaya sa tabi nung bowl." Sabi niya tapos nagstart na siya magtooth brush.Tinignan ko naman kung may gripo ba,at meron nga.Buti naman.

-

Pagkatapos niyang magsipilyo ay inalalayan ko na siya pabalik sa kama niya.Nakaupo lang siya,tapos tinap niya yung space sa tabi niya.So umupo ako dun.Hinawakan niya yung kamay ko habang magkatabi kami.Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

"I love you Perv." Sabi ko.

"I love you too my Queen." Ayieee!Pakurot nga beh! Nekekeleg eke eh.Hehehe.

**knock knock**

Kung sino man siya,panira siya ng kilig moment.

"Wait lang." Bumaba ako sa kama at lumapit sa pintuan.
Pagkabukas ko ay isang ginang ang nadatnan ko.

"I'm your donor's mother." She said.
Napatitig ako sa mata niya.Yung mata niyang kulay brown..Parang kay..
Dane.

--

The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon