Chapter 81

6K 130 0
                                    

QUEEN POV

"Ang bagal mo magligpit Perv." Reklamo ko habang nakatingin sa kanya.

Nakaupo lang ako sa isang upuan dito sa kwarto niya sa ospital habang siya ay nag-aayos ng mga gamit niya.Uuwi na kasi siya ngayon.Yeah,pinayagan na siyang makalabas ng ospital.

"Queen naman kasi,bakit ayaw mo 'kong tulungan?" Tanong niya sabay pout.Hahaha.Nag-paawa pa 'tong mokong na 'to.

"Tinatamad nga ako Perv.Hahaha.Bilis na,dadaanan pa natin si Dane.Baka andun na rin yung tropa." Paalala ko sa kanya.Binilisan niya naman ang pagliligpit.Hahaha.

Ngayon kasi kami dadalaw sa puntod ni Dane,actually ito palang ang unang pagdalaw namin sa kanya.Ngayon lang kasi pwede kasi nga ngayon lang naman pinalabas si Perv.Atsaka napagpasyahan namin na buong tropa kaming dadalaw.

"Hu!Tapos! Tara na!" Dinala na niya yung mga gamit niya.Aba, alangan namang ako ang magbuhat?Huehue.Hayaan mo siya.Isang buwan naman niya 'kong tinulugan eh,pangbawi niya nalang.Hehez.

"Ako na magdadrive." Sabi ko kay Perv habang nilalagay niya yung mga gamit sa backseat.

"Sige ba.Marunong ka?" Ngiting-ngiting tanong niya.

"Hindi." Sabi ko rin at natawa.Hahaha.

"Baliw ka talaga eh." Natatawa nalang rin na sabi niya at sumakay na sa driver's seat.Ay grabe siya?Hindi manlang ako pinagbuksan ng pinto ng passenger's seat?

"Oy,sakay na!" Sabi niya nang sinilip niya ko sa bintana.Inirapan ko lang siya.Hmmp! "Hala?Hahaha.Takte 'to." Natatawang sabi niya tapos bumaba ulit sa kotse.
Tapos pinagbuksan na niya 'ko ng pinto.Sumakay naman na 'ko agad.Tapos sumakay na rin siya sa tabi ko.

"Demanding naman ng reyna ko." Natatawang sabi niya habang pinapaandar yung kotse.

"Tse!I hate you!" Inis na sabi ko.

"I love you too.Hahaha." Pssh. Baliw na 'tong isang 'to.

-

"Guys!!" Tawag sa kanila ni Perv.Nag-apir sila ng mga guys,ta's nagbeso kami sa girls.

"Uy Dane,hello!" Bati ko sa kanya at umupo sa tapat ng puntod niya.Inalis ko yung mga dahon na nakatakip dun.

Dane Yuki Shin

Yan yung nakaukit dun.Hayss.Dane,sorry kung ngayon lang ako nakadalaw.Si Perv kasi eh.Huehue.

"Oy weirdo!Salamat ah." Napatingin ako kay Perv.Para talaga siyang baliw promise. Mukha siyang lasing nung sinabi niya yun.

"Umayos ka nga Perv!" Sabi ko sabay hampas sa binti niya.
Tumawa lang siya tapos umupo din sa tabi ko.Then inakbayan niya 'ko.Pati yung tropa umupo na rin sa damuhan palibot sa puntod ni Dane.

"Seriously weirdo,salamat.Salamat sa pagpapaubaya sakin ng puso mo.Don't worry cause I'll take care of it,and also Queen.I'll take care of them both." Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa puntod ni Dane.Napangiti nalang rin ako at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Hayy,I already miss you Dane." Sabi ni Violet then hinawakan yung puntod ni Dane.Tapos lumuha na siya, niyakap naman siya agad ni Vien.

"Dane,wala na kaming makokopyahan.Kainis ka naman eh." Sabi naman ni Sammy na maluha-luha na rin.Bahagya akong natawa kahit naiiyak na rin talaga ako.Totoo kasi yun,sponsor namin ng sagot si Dane kapag may mga exams.

"Wala nang bubugbog dito sa apat na ugok Dane kapag inaway nila kami.Sayang." Sabi naman ni Paris.

Napangiti ako.Yun kasi ang role ni Dane sa amin bilang boy bestfriend namin diba?Take care of us.Atsaka ako pa ang nagsabi na siya dapat ang bubugbog dito sa apat na mokong kapang niloko nila kami.Nakakaiyak.Wala na kasi.

Nagtagal pa kami sa sementeryo,nag-uusap-usap lang.Kasama rin namin sa pag-uusap si Dane,na parang nandito parin siya at kasama namin.Hayy.He'll always stay in our hearts.Forever.

"Girl,una na kami ha?Di ba talaga kayo sasama?" Sammy asked.Ngumiti lang ako at tumango.Magmo-mall kasi sila, bonding-bonding.Kaso napagdesisyunan na kasi namin ni Perv na tatagalan namin dito kay Dane eh.So magpapaiwan nalang kami.

"Sige.Bye." Nagbeso-beso kami bago sila tuluyang umalis.

Nakaupo parin kami ni Perv sa may damuhan.Tapos hawak niya ang kamay ko habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.Pareho kaming napatitig nalang sa puntod ni Dane.

"Queen.."

"Oh?"

"Pakiss nga."

"Manahimik ka dyan."

"Dali na."

"Tse!Ayoko."

"Tss.Gawa nalang tayo baby."

"Gawa ka mag-isa mo."

"Kung kaya ko lang bakit hindi eh."

"Bahala ka dyan."

"Dali na.Dun tayo sa kotse--Aray!"
Langya talaga.Kamanyakan ng lalaking 'to!

"Kadiri ka Perv!" Inis na sabi ko sa kanya.Sabay hampas ulit.Natawa lang naman siya.Pssh.

"Hahaha.Joke lang.'To naman.Of course I respect you Queen.Hindi kita pipilitin,atsaka ayoko rin naman talaga.Gusto ko kapag after pa ng kasal natin.Kaya kahit anong pang-aakit mo sakin,hindi mo 'ko magagahasa.Hahaha." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Asa ka namang aakitin at gagahasain kita!Ikaw nga yun eh!Dahil sayo muntakin na--" Tinakpan ko yung bibig ko.Geez.Hindi niya nga pala alam yun kasi lasing siya.

"Ha?Ano yun Queen?" Takang tanong niya.Umiling-iling naman ako.

"Wala,wala.Kalimutan mo nalang.Hehe." Sabi ko.Nagsalubong lang naman ang kilay niya.Ay jusmiyo.Kung bakit naman kasi walang preno 'tong bibig ko'ng 'to eh.

"Ano nga yun?Isa Queen.." Banta niya tapos tinignan ako ng matalim.Langya 'to.Nakakatakot yang ganyan niyang tingin ah!Pero umiling lang ako.

"Dalawa..." Palapit siya nang palapit habang matalim parin ang tingin sakin.Umiling lang ako ulit.

"Tatl--" Tinakpan ko na ang bibig niya.Mukha kasing may binabalak na masama eh.

"Eto na nga!Ikukuwento ko na!" Saad ko.Huminga muna 'ko ng malalim.Pssh.Ang awkward naman kasi ng scene na yun.

"Kasi diba noon naglasing ka,dahil sa panloloko sayo ni Althea.Edi inuwi kita sa inyo.Tapos hiniga kita sa kama,tapos hinila mo rin ako pahiga tapos niyakap mo 'ko.Tapos,tumayo ako.Syempre 'no,nasa tamang katinuan naman ako nun.Kaso nung tumayo ako,tumayo ka rin!Eh gigewang-gewang ka na nun kaya inalalayan kita.Kaso,dahil nga senglot ka,na-out of balance tayo.Tapos napahiga tayo sa kama.Tapos...Nasa ibabaw kita.Tapos...Nagkiss tayo...At dahil nga senglot ka,bumaba yung halik mo...Tapos,umabot sa leeg ko.Tapos...Tinulak na kita pahiga kasi alam kong pag hindi ko ginawa yun may madadagdag na tao sa mundo!" Napatingin ako sa kanya.
Seryoso lang siyang nakikinig.
Tapos nagbago yung ekspresyon ng mukha niya,mukha na siyang natataeng ewan. Nagpipigil kasi ng tawa.

"BWAHAHAHAHAHA!!" Di na siya nakapagpigil. "Nangyari talaga yun!?Hahahahaha.Epic!!Hahaha!" Tumatawa paring sabi niya at nakahawak pa sa tiyan niya.Kulang na nga lang magpagulong-gulong siya sa damuhan dahil sa galak niya eh.

"Hoy.Mukha kang tanga." Poker-faced na sabi ko.

"Hahahaha.That was just...really.Epic! Hahaha!" Tawa niya ulit.
Kaso bigla siyang tumigil at natahimik.Tapos tumingala siya, so tinignan ko rin yung tinitignan niya.May tao pala.

"Erika?"

--

The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon