QUEEN POV
"Nanaaaay!" Pagkapasok ko palang ng pintuan ay sinalubong agad ako ng yakap ni Yurika.
"Hi baby, I missed you."
"I missed you too, nay. What happened to tito Christian po? Is he okay now?" Tumingin ako kay Dwight nang magtanong si Yurika. He just looked back at me without any expression.
"Yes baby he is fine. Inatake lang siya ng sakit niya. He's still in the hospital, recovering."
"Ah.."
"Come baby, akyat muna tayo sa taas." Binuhat ni Dwight si Yurika paakyat sa kwarto namin.
Ako naman ay lumapit kay mommy. Btw, nandito kami sa bahay nila mommy para sunduin na si Yurika. Kagagaling lang namin sa ospital.
"Mom.."
"Yes, love?"
"Si Christian, si Rick.. What am I going to do now?"
"Queen, kung gugustuhin mong bawiin si Rick, mukhang magiging mahirap. He's married, at ikaw rin. Paano naman kasi kayo ni Dwight, diba? Si Yurika, pano mo ipapaliwanag sa kanya ang mga nangyayari? She's still young."
"Pero mommy.. Mahal ko pa si Rick."
"Queen."
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Dwight.
"D-dwight.."
"Can we talk?"
"Y-yes. Excuse mommy." Tumango lang si mommy kaya pumunta naman kami ni Dwight sa may garden.
"Dwight/Queen." Sabay pa kaming nagsalita.
"Okay mauna ka na." He said.
"No, you go first." I insisted.
"Do you love me?" He asked. He's staring directly at my eyes. Kaya napaiwas ako ng tingin.
"I-I.."
"You still love Rick."
"Dwight, ano.."
"You do! Bakit Queen, bakit di ko siya magawang palitan sa puso mo ha!? Kulang pa ba lahat ng ginawa ko!?"
"Dwight.." Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko.
"I won't let this happen. Akin ka na Queen, akin ka lang."
"Dwight!" Nagmamadali siyang naglakad paalis. I saw in his eyes so much anger.
"Pagsisisihan niyang bumalik pa siya." The last thing I heard from him bago siya nakasakay ng kotse niya. Hindi ko na siya napigilan.
Fck, anong balak niya!?--
CHRISTIAN POV
"Babe, I'm really really sorry if I didn't tell you." Jean is holding my hand. She is still crying pero hindi ko siya pinapansin.
Hindi ko lang talaga matanggap na nagawa niyang itago sakin ang totoong pagkatao ko. Ang sakit lang. Ang sakit lang na napaniwala niya kong ako si Christian, na childhood sweetheart kami, na.. Fuck.
"Christian, please--"
"It's not my name, right?"
Hinarap ko na siya. Nakahiga pa rin ako dito sa kama ko sa ospital."S-sorry.. Rick." Siya naman ang umiwas ng tingin.
"Jean for the last time, tell me honestly.. Alam mo ba?"
"Alam ang alin?"
"Na may pamilya ako. Na matagal na pala silang nangungulila sakin. Na matagal na nila kong napagluksaan kasi di nila alam na buhay pa ko."
"I didn't know. Hindi ko alam yun, babe. I swear. Nung nakita ka nila kuya--"
"Kuya? Is it kuya James?"
"Yes. We both know na he's a police. At sila ang naatasan na mag-investigate nun sa crime scene kung saan ka natagpuan."
"Ah. And then?"
"Nung dinala ka sa ospital, nakwento sakin yun ni kuya. Saktong kakagaling ko lang nun sa break up, with my real childhood sweetheart, Kiel. Kuya told me na samahan ko sya nun, doon sa ospital na kinararatayan mo. When I saw you, sobrang awang-awa ako sayo. You were helpless. May tama ka ng bala, puro sunog at paso ang katawan mo. Remember yung malaking peklat mo sa likod? That was caused by the incident."
Yeah she's right. Meron nga akong malaking peklat sa likod. Maging sa iba pang parte ng katawan ko. When I ask her about it, sabi niya nakuha ko daw sa sobrang kalikutan ko nung bata pa kami. Tss.
"Magmula nung makita kita non, everyday na kong dumadalaw sayo. Ako na nga naging caregiver mo nun e. Nakatulong rin yun sakin kasi nawala sa isip ko na kakagaling ko lang sa heart break. Then yun na, one day nagising ka. And you can't remember anything. Your questions were like, 'Nasaan ako?' 'Sino kayo?' 'Sino ako?'. Nagkatinginan kami nun ni kuya. He was about to tell you the truth but.. But, inunahan ko sya. Then there when I started the big lie. Dun ko sinabi lahat ng mga nalalaman mo ngayon na akala mo ay totoo sa buhay mo. Sorry."
Nagsimula nanaman siyang umiyak. Naaawa ako sa kanya. I want to hug her and tell her to stop crying. Kasi sa totoo lang, kahit may galit ako sa kanya dahil sa mga nalaman ko, hindi parin nawala yung nararamdaman ko sa kanya e. Maybe, I'm really inlove with her?
"Jean--"
"Rick!"
The door shut open, then there was Dwight, holding a gun with his hand, pointing it to us.
"Hindi ka nalang sana bumalik."
*bang* *bang*
--
BINABASA MO ANG
The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)
Roman pour AdolescentsPaano pag ang isang bratinelang babae ay nakatagpo ng isang pervert na gangster? Would they be enemies for life? Or would be partners for a lifetime?