Chapter 103

5.3K 104 16
                                    

RICK POV

"Ang baby ni mommy. Ayiee. Stop crying na baby ko."

"Uwaa! Uwaa!"

HAHAHA. Ayaw pa talagang tumigil ni baby. Kawawa naman ang reyna ko.

"Queen akin na nga." Lumapit ako sa kanya at binuhat si baby Yurika na kanina pa umiiyak. Inaantok lang 'to eh.

"Shh.. Sleep na baby ni daddy. Shh.." Marahan ko siyang inuugoy. Tapos maya-maya lang ay nakapikit na siya. Aw. She's really a cute little angel.

"Ikaw lang pala ang gusto niya Perv." Sabi ni Queen habang hinahaplos ang ulo ni Yurika.

"Di ka daw kasi marunong magpatulog. Haha." Hinampas niya naman ako dahil sa sinabi ko. Pfft.

"Iakyat mo na siya sa kwarto. Sa crib mo ihiga." Utos niya sakin. Aba Aba. Ako ba inuutusan niya nang ganun-ganun na lang!? "Bilis na Perv." Sabi ko nga iaakyat ko na si Yurika eh.

Pumanhik na 'ko sa hagdanan papunta sa kwarto nila Queen. Nakasunod lang naman siya sakin. Pagdating sa kwarto ay inihiga ko na nga sa crib niya si Yurika.

"Ang cute talaga niya. Kamukha niya si Dane." Sabi ni my Queen na nasa tabi ko lang at nakatingin sa nahihimbing na si Yurika.

"Ah. So you're saying na cute pala si Dane?" I said at nagtaas ng kilay sa kanya. Not in a gayish way ah.

"Oo. Cute naman talaga si Dane ah." Sabi niya at inirapan pa 'ko. Aba Aba talaga.

"Hmm. Maganda kaya si baby Yurika. Mas kamukha niya kasi si Erika." Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"So maganda pala si Erika?" Taas-kilay niya ring tanong. Ha!

"Absolutely!" I said. Nangunot-noo naman siya.

"Ha! Maganda naman talaga si Erika. Hindi ko itatanggi yun." Sabi niya tsaka ngumiti. What the. Yun na yun? Hindi manlang siya nagselos or what? "Byebye. Bababa na 'ko. Bantayan mo si baby ah." Lumabas na siya ng kwarto.

Aba. Naisahan ako ng babaeng yun ah. Pasalamat siya mahal ko siya.
Umupo nalang ako sa gilid ng kama ni Queen at tinignan si Yurika.
Hayyy. This baby is a part of me now. Anak ko siya. Kaya hindi na ako kumpleto pag nawala siya sakin, samin.

"Daddy loves you much Yurika." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Nakita ko naman ang pagngiti niya. Napangiti nalang rin ako.

-

QUEEN POV

"San naman tayo pupunta?" Tanong niya sakin.

"Hmm.Dun nalang sa park." Sagot ko sa kanya.

"Sa park? That's also the place where we first met." Hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya.

"What is it Dwight?" I asked him. Well yeah, it's Dwight.

Galing kami sa bahay kasi kakatapos lang namin ulit magluto ng para sa project namin.

"Ah wala. Nevermind." Sagot niya at ngumiti. Pssh.

Saturday ngayon. Tapos na ang klase namin, hapon na rin kasi. Si Perv? Nasa kanila eh. Nandun din si baby Yurika kasi umuwi sila tita Blue and ninong Thunder.
Ngayon ay nandito na kami sa park. Umupo kami sa isang bench.

Bakit ko pa nga ba 'to sinasamahan? Sabi niya kasi kailangan pa daw naming i-finalize yung para sa project. Tsk.

"So, ano pa bang gagawin?" I asked him then inilabas ko yung notes ko.

"Yung sa plating at toppings nalang naman ng dessert ang kailangan natin eh." Sagot niya at bahagyang inayos ang eyeglasses niya. Ang cool niya talaga pag ginagawa niya yun. Ewan ko, pfft.

The Pervert Gangster's Queen (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon