PROLOGUS

4.5K 222 6
                                    

June 12, 2016

The music blared around them. Multi-colored lights flickered.

It was chaos disguised as an ordinary teenage party. Malalim na ang gabi, ngunit walang sinuman sa kanila ang nakakapansin. Wala naman silang pakialam kahit pa sinabi sa balitang may paparating na bagyo. They were too busy swaying their bodies to the noise they called music and kissing strangers. The stench of alcohol was all over the place.

Napangiti ang dalaga.

Nang maglapat ang mga labi nila ng isang lalaki, agad niya itong hinalikan nang mapusok. She knew drinking too much tequila had a bad effect on her, but who cares? "Independence day naman!" Paulit-ulit niyang pinapaalala sa sarili. And with that, Algea wrapped her arms around the boy's neck to deepen the kiss. Naramdaman niyang lumilibot na ang mga kamay ng lalaki sa katawan niya. She immediately felt turned on.

Nang maghiwalay ang mga labi nila, napangisi ang lalaki; agad niyang tinungga ang bote ng beer sa tabi niya at iginiya ang dalaga papunta sa isang sulok. "Let's get dirty, dollface. Mukhang sabik ka na rin eh." At kinindatan niya pa ito.

Algea flushed and giggled. From afar, she spotted her other friends making out with their boyfriends. Napairap na lang siya. Hindi lang naman pala siya ang malandi sa grupo nila. Tsk.

Nagpahila siya sa lalaki kahit pa nahihilo na siya't paminsan-minsang may nabubunggo dahil na rin sa dilim ng bar. Who would've thought some bitch from their class would rent a whole bar for her eighteenth birthday celebration? Mabuti na lang talaga at naimbitahan siya.

She felt her back hit the cold wall.

Agad siyang sinunggaban ng halik ng lalaki at pinadausdos ang kamay nito sa kanyang hita. She felt his hands on her bare thigh, inching upwards. Naalala niyang maikling shorts nga lang pala ang suot niya. The guy gripped her hair and French kissed her hungrily. All Algea could do was moan and give in to the pleasure.

But just when she was fumbling for the boy's belt, biglang nag-ring ang cellphone niya.

"Tangina." Mahinang mura 'nong lalaki. Napabuntong-hininga ang dalaga at marahang itinulak papalayo ang kalandian ngunit sinimulan lang nitong halikan ang leeg niya. Napakagat-labi sa sarap si Algea ngunit pinilit pa rin niya itong hindi bigyan ng atensyon at sinagot ang tawag ng mommy niya.

"Mommy?"

"Algea! Nasaan ka na naman ba?!"

Napalunok siya. This doesn't sound good. "A-Ah.. Nasa party ng kaklase ko. Why are you----"

Her mother immediately interrupted her. At sa sinabi ng mommy niya, agad niyang naitulak ang lalaking humahalik sa leeg niya. Algea's eyes widened in horror. Tila ba nabingi siya sa lakas ng musikang pumapailanlang sa paligid. Her heartbeat raced inside her chest.

It was an emergancy and she needed to go home. Now.

"Excuse me.. Excuse! Ugh. Bullshit!" Naiirita niyang tinulak ang mga taong nakaharang sa daraanan niya. The other teens glared at her but she doesn't give a damn anymore. Nang mahawi niya ang ilang umiinom, nakita na niya sa wakas ang exit.

"Leaving too soon?"

But a certain brunette just had to ruin her life. Again. Tinapunan niya ng masamang tingin ang babaeng nakahalukipkip sa harapan niya. Napairap dito si Algea. She doesn't have time for this brat. "I need to go. It's an emergency."

Natawa nang mahina ang babae. "Emergency? Let me guess, nasira ang nail polish mo? You've always been so pathetic, Castillo."

"Shut the fuck up."

"You keep pretending to be a good daughter, when in fact, you're more of a slut than I am!"

"Stop."

"Ano? Nahihiya ka? Kailan ka pa natutong mahiya?!"

"I SAID STOP!"

Algea ignored her amused expression and shoved her out of the way. The other girl just laughed at her reaction and called out, "You really are a fucking bitch! HAHAHAHA!" At habang papalayo ang dalaga sa bar, tuluyan nang naglaho ang boses ng babaeng minsan na niyang itinuring na kaibigan.

*

It was already raining hard outside.

Nang makarating na siya sa parking lot, agad siyang tumakbo papunta sa kanyang sasakyan at binuhay ang makina. Hindi niya ininda ang pagkakabasa ng kanyang damit. Kailangan na niyang umuwi.

Habang binabagtas niya ang daan pabalik sa kanilang bahay, hindi maiwasang mapangiwi si Algea sa tindi ng buhos ng ulan at bugso ng hangin. Dumagdag pa ang madilim na paligid na naging dahilan ng mahina niyang pagmumura. How the fuck can she drive in a situation like this? Kung hindi lang talaga emergency, malamang nakikipagtalik na siya sa lalaking iniwan niya roon sa bar. She groaned in frustration.

Then, something caught her attention.

It was a black cat in the middle of the road.

Nanlaki ang mga mata ni Algea. "Shit!" Agad niyang ikinabig ang manibela ngunit nagsisi siya sa ginawa. It was too late. The road slipped against the tires of her car. Hindi rin nakakatulong ang pag-ikot ng kanyang paningin na dulot ng mga inuming nilaklak niya sa party kanina. Algea cursed a series of profanities under her breath at napasinghap siya nang mapagtantong bangin nga pala ang nasa kabilang gilid ng daan.

"OH MY GOD!"

She desprately stepped on the brakes, but it was no use. That's when she realized the brakes were no longer working. In a matter of seconds, Algea's car fell off the road and stumbled downwards.

"AAAAAAAAHHHHHHH!"

At sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo noong gabing iyon, namatay si Algea Castillo.

---

Edited.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon