QUADRAGINTA QUATTOUR

1.3K 81 0
                                    

Professor Samuel Castillo.

A name that will always leave a mark in my godforsaken life. Tinitigan kong maigi ang hitsura niya. Mula sa kanyang malalalim na mga mata hanggang sa namumuting hibla ng kanyang buhok. He looked older and more disheveled than he should be. Naalala ko tuloy ang poster niya na hanggang ngayon ay nakadikit pa rin sa pader ng laboratory-bedroom ko. He looked a little less insane in that poster than in real life.

It's like, I can no longer see the Almighty genius Professor Samuel I have been idolizing since I was a kid. Noon pa man, halos sambahin ko na ang taong ito.

Pero ngayon, mukhang tuluyan nang nawala ang paghanga ko sa kanya.

He should be dead.

He should be the one saving humanity..

He shouldn't even be here!

Mahina akong napamura nang mapagtanto kong malamang ay planado niya ang lahat ng ito. Are the zombie attacks his doing too? Naikuyom ko ang mga kamao ko. Anong bang iniisip niya?! And to think that Algea is his daughter! This is bullshit.

"You must really be out of your mind to think that I'll come with you, Daddy." Narinig ko ang pagkadismaya at galit sa tono ng boses ng dalaga. From the corner of my eyes, I can see her glaring at her own father.

Napapalibutan na kami ngayon ng ibang mga miyembro ng Project Beta. Hindi namin alintana ang malakas na pagbuhos ng ulan. I saw the professor frowned at what Algea said. "You made a deal to be our test subject in exchange for a cure. Malinaw ang usapan natin, Algea!"

Pero marahang umiling ang kasama ko.

"That's the problem! WALANG LUNAS! NI WALA NANG KINAKALAMAN ANG PINAKAMAMAHAL MONG SIYENSIYA DITO! IN A FEW FUCKING HOURS, I'LL BE DEAD WHETHER YOU LIKE IT OR NOT!"

"DO NOT YELL AT YOUR FATHER, YOUNG LADY!"

"BULLSHIT! YOU NEVER ACTED LIKE FATHER TO ME! YOU'RE A  LUNATIC!"

Nanginginig na siya ngayon sa tindi ng emosyon. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang mag-ama. Dumako ang mga mata ng propesor sa'kin at para bang kinakulkula niya ang kaluluwa ko. His eyes were dark and intimidating.

And I felt myself take a step back when he suddenly ordered,

"Let's kill the boy."

Napasigaw sa gulat si Algea nang bigla siyang hawakan sa magkabilang braso ng ibang personnel ng Project Beta. Sinubukan niyang magpumiglas ngunit hindi na nakayanan ng katawan niya ang gawin ito. Her body is too tired to fight against physical restraints.

"Algea---!"

Pero agad akong napadaing sa sakit nang biglang may matigas na bagay ang tumama sa abdomen ko. Napaubo ako sa tindi ng pagkakatama sa sikmura ko. I cursed in pain, but before I could even recover, two men were already holding me in face. Hinayaan ko siyang hilain ako papunta sa harapan ni Professor Samuel. It's useless. Wala na akong lakas para labanan sila.

Nang nasa harapan na ako ng taong akala kong liligtas sa mundo, para bang mas nawasak ang mga pangarap ko nang makita ko nang malapitan ang kanyang hitsura. His eyes held a mischievous glint in them that I knew wasn't there before whenever I saw him on TV. The evil smirk on his face made me want to doubt all the laws of motion. Nakakapangilabot.

Nilamon na nga siya ng ambisyon niya.

Soon enough, I felt a gun at the side of my head. My body tensed at the contact of the cold metal on my skin.

Professor Samuel faked a smile. "I've heard that you're a fan of me. How does it feel now that I am ordering my men to kill you, Levithian?"

"I regret even idolizing you, professor."

He shrugged.

"What a shame. Toxic compounds aren't the only harmful things in life, remember that.."

Huminga ako nang malalim at matapang na sinalubong ang kanyang mga mata. Algea's sobs broke the silence of the night as-----what? Agad kong binalingan si Algea na hanggang ngayon ay sinusubukang magpumiglas sa pagkakahawak sa kanya. Nang magtama ang mga mata namin, para bang nakatitig ako sa kawalan. Her hazel eyes wanted to reassure me that everything is going to be okay.

Her eyes wanted to give me hope..

Until the very last hour of our lives.

"Shoot." Her father's father echoed throughout the darkness.

"LEVI!"

Ngumiti ako.

At bago pa man ako kunin ni kamatayan, agad kong sinipa ang lalaking may hawak sa'kin at mabilis na nakipag-agawan sa baril. Nagkagulo ang ilang tauhan ng Project Beta sa ginawa ko. Rinig ko ang natataranta nilang reaksyon habang nakamasid lang sa amin ang propesor.

BANG!

A gunshot had accidentally been fired into the sky. At sa kabila ng panghihina ng katawan ko, nagawa kong agawin baril sa lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang itinutok ko ito sa kanyang direksyon. Pati ang ibang mga scientist, hindi na nagawang lumapit sa'kin. I smirked. I'm awesome, aren't I?

Pero nang lumingon ako sa direksyon ni Algea, nagtaka ako na maging siya ay parang natuod sa kinatatayuan niya. Kumunot ang noo ko. "What's the matter?" Algea pointed a finger behind me.

At doon ko lang din narinig ang mga yabag ng mga paa sa gitna ng nagngangalit na panahon. Malakas, at tila ba isang batalyon ang papalapit sa amin.

Nang sinilipin ko ang pinagmumulan ng ingay, agad akong nagsisi.

Because a legion of zombies were already running towards us. Nabubulok ang kanilang mga hitsura at umalingasaw ang kanilang naaagnas na amoy. Nahanap nila kami. Shit.

"P-Professor?!"

"Papunta na sila dito!

"Tangina!"

It doesn't take a Math genius to know that we were outnumbered.

The personnel of Project Beta were about to run away pero agad silang pinigilan ni Professor Samuel. "Mga duwag! Run away, and you'll each get an atomic bomb with your names on it!" At naglabas na rin siya ng isang modified na baril. Kuminang ang baril na ito sa ulan. Pero kahit na ganon, ay hindi pa rin mapakali ang mga tauhan niya. I can smell their fear the zombies made their way towards us.

At sa gitna ng kaguluhan, tumakas kami ni Algea. Nang makita ni Professor Samuel ang pagtakas namin, huli na dahil kinakalaban na ng Project Beta ang mga bangkay. Gun shots and screams were heard as we ran into the forest. Bahagyang tumigil na rin ang ulan at lumalalim na ang gabi.

Algea and I reached the cabin near the lake. Nanghihina kaming pumasok sa loob. Sumalampak kami sa sahig. Nakalapit ang mga likod namin sa flooring na gawa sa kahoy. Ss kadiliman, naririnig ko ang malalim naming pag-hinga.

"Algea?"

"I'm dying Levi."

Agad akong bumaling sa direksyon niya at halos lumuwa ang mga mata ko nang mapansin ang hitsura niya..

Algea Castillo.

Wala nang kulay ang balat niya at kumakalat na ang itim na mga ugat sa buong katawan niya. Her shallow breaths indicated her weak lungs at mula rito, ay nakikita kong unti-unti nang nawawalan ng buhay ang kanyang mga mata. I gritted my teeth and rushed towards her. Humawi na ang mga ulap at sumilay na ang buwan na nagbibigay-liwanag sa kalangitan. The moonlight crept into the cabin's window and illuminates Algea's serene face.

Nanginginig kong hinawakan ang kanyang kamay. Lumalamig na ang balat niya. Napansin kong mahina na rin ang kanyang pulso. This is not good, not good at all.

"N-No.. Wag muna. Y-You can't die on me! Damn it."

"We can't do anything now, nerd. The world wants me dead. I should be rotting in hell a long time ago." At nagawa pa talaga niyang ngumiti! I can't believe she still thinks of herself as a bad person. And yet, maybe she is.

But I just don't give a damn.

---


✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon