TRIGINTA UNUS

1.4K 100 0
                                    

When I designed the Paranometer a few months back, planado na ang lahat tungkol dito. Maging ang mga functions at calculations na ilang linggo ko ring pinagpuyatan, nakaplano. When it was modified in ESO numerous times and tested before the public release, nakaplano pa rin yun. Pero bukod sa nasira kong mga pangarap, isa lang ang hindi planado sa imbensyon kong ito..

BEEEEEEEEEP!

Nanlaki ang mga mata ko noong gabing iyon nang bigla na lang may tumunog mula sa pinakasuluk-sulukan ng bag ko. It was already 10 p.m., and I was forced out of my sleep because of the irritating noise. Nang hanapin ko ang pinagmumulan ng tunog, ganoon na lang ang gulat ko nang makitang ang Paranometer Version 3.0 pala ang lumilikha ng ingay.

Kumunot ang noo ko nang maalala kong may in-built generator na nga pala ito, at malamang gumana habang abala kami sa pagtakbo at pagtatago. It was on low batteries the last time I checked. Pinasadahan ko ng tingin ang umiilaw nitong screen. Pale blue light illuminated the darkness of the cabin. Naramdaman ko ang pagbangon ni Algea sa gilid ko (walang nangyari sa'min, inuunahan ko na kayo).

"What's happening?"

Inilahad ko sa kanya ang maliit na device. "May kung anong nasasagap ang Paranometer.."

She rolled her eyes. "Baka ako lang yan. Tsk."

Pero umiling ako. Pinagmasdan ko ulit ang coordinates na ibinibigay ng Paranometer. Yes, it was picking up Algea's paranormal energy. Kita iyon sa pagturo sa kanya ng mga antenna.. But the thing is, it was detecting something else. Posible iyon dahil sa special features nito.

Mahina kong pinag-aralan ang coordinates na lumitaw mula sa screen. At kamuntikan na akong mabilaukan sa hangin nang mapagtanto ko kung saan iyon.

"Shit.."

"Levi, anong nangyayari?"

I stood up and adjusted my eyeglasses. Huminga ako nang malalim at ipinakita ulit kay Algea ang coordinates ng isang partikular na lugar sa screen.

At sa pagkakataong ito, alam kong hindi namin maaaring ipagsawalang-bahala ang sinasagap na misteryo ng Paranometer.

"Are you up for some midnight adventure?" I asked Algea.

She smirked. "Where to?"

"ESORC."

*

Tonight was no ordinary night. It was pitch dark and the cicadas played in the background. Wala kaming inaksayang oras ni Algea at tinahak namin ang daan patungo sa ESORC. Hanggang ngayon, may bumabagabag pa rin sa isip ko. Ano naman ang masasagap na paranormal enegry sa Eastwood Scientific Organization Research Compound? Parang ang hirap isipin na may kung ano doon ang nagpapagana sa Paranometer ko.

The last time I followed the Paranometer's coordinates, natagpuan ko si Algea na umaahon mula sa kanyang libingan.

Ngayon, ano naman kaya ang maaabutan namin?

"Sigurado ka ba na dito nanggagaling ang signal?" Pang-ilang beses nang tanong sa akin ni Algea.

Pinagmasdan ko ang lugar na akala ko, hindi ko na pwedeng balikan. Ang lugar na naging sentro ng mga pangarap ko. Ang lugar na dahilan kung bakit ako nawala sa sarili at nilamon ng kasikatan.. I never thought that I would be running back towards the research compound again. Not like this.

I stared at my Paranometer again. Buo na ang loob ko. "Oo, may tiwala ako sa imbensyon ko.. There's something here that shouldn't even mix with Science. Kailangan nating alamin kung ano iyon."

Sumeryoso ang mukha ni Algea. "Tapos? Ano naman ang gagawin natin pagkatapos nating alamin kung ano ang meron dito? Levi, in case you've forgotten, itinuturing ka nilang isang kriminal!"

Mapait akong ngumiti.

"I know. But this is my home. And even if I have to risk getting caught just to ensure that nothing bad is going to happen here tonight, I'll still do it. Dito ka lang, ako na ang bahala."

Algea sighed in defeat and gave me a sad smile. "Nababaliw ka na talaga, nerd.. But if you think I'll just sit here and watch you play the role of the hero, nagkakamali ka. Sasama ako."

Nagkibit ako ng balikat. "Don't blame me if you get caught and become their lab rat." Nagsimula na kaming maglakad papaikot sa labas ng compound.

"Well, don't blame yourself if you get caught and be dead meat."

"Deal."

*

Ilang minuto na kaming nagpapalakad-lakad sa labas ng research compound. Paminsan-minsan, kinakailangan naming magtago sa dilim dahil sa mga gwardiyang naglilibot. Napasimangot ako. Ni hindi nga namin ang kung ano ang hinahanap namin dito! Baka nga nasa loob pala ng mga gusali ang kung ano mang maligno ang sinasagap ng Paranometer ko.

Well, it could even be the ghost of Dr. Benitez, pero ayoko nang isipin ang posibilidad na yun.

"Shit.. I neved knew this compound is as big as Eastwood!" Hinihingal kong sabi at sinandal ang aking likod sa isang puno.

"Don't be exaggerated. Baka naman----"

Natigil sa pagsasalita si Algea. Naalarma ako at nagpalinga-linga sa paligid. May nakakita ba sa'min?!

I felt relieved when I saw no one. Good. Atleast I won't have to engage in any hand-to-hand combat.

Pero nang balingan ko si Algea, nakatitig pa siya siya sa kabilang bahagi ng ESORC.

"Umm.. Algea?"

Pero nagulat na lang ako nang bigla siyang tumakbo papunta roon. I cursed under my breath and ran after her. Saan ba siya pupunta?! Wala namang makikita sa kabilang gilid ng lupain ng ESORC! Dating sakahan ang lugar na yun!

"Algea!"

And she finally stopped. I struggled to catch my breath and glared at her. "What in the name of atoms do you think---?!"

"Take a look for yourself."

Ano?

Inayos ko ang salamin ko at binalingan ang direksyon na tinutukoy niya. Napanganga ako nang makita ko ang isang lagusan sa lupaing nasa gilid ng ESORC. Natatakpan ito ng mga dayami at halos hindi kapansin-pansin. But that wasn't what caught my attention.

There were dim red lights flickering inside the cave.

BEEEEEEEEP!

Kinuha ko ang Paranometer mula sa bulsa ko at kinumpirma nito na doon nanggagaling ang signal ng paranormal energy. Humakbang ako papalapit para makita nang maigi kung ano ang meron sa loob. Napalunok ako sa kaba at pangamba sa kung anuman ang nasa loob ng lagusan. Kung anuman ang nasa likod ng mga pulang ilaw..

But I was shell-shocked and terrified when I saw machineries and metal frames. At sa loob ng lagusan, ay parang isang napakalaking laboratoryo. As far as the eyes could reach. At the center of it all, was a giant cage that looked like a prison of hell. And guess what's inside?

Hundreds of zombies---decayed and rotten, rattling against the cage bars and trying to break free.

Yes, ZOMBIES.

Naramdaman ko ang paghigit ko ng hininga at doon ko lang talaga napansin ang mga lalaking naka-lab coat na tila ba mga natataranta sa nangyayari.

And when I saw their red logos on their chests, nakumpirma ang hinala ko.

"Project Beta is behind this madness."

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon