UNDEQUADRAGINTA

1.3K 85 0
                                    

"A-Algea.."

Hanggang ngayon, para bang walang ibang gustong lumabas sa bibig ko kundi ang pangalan niya. To say that I am shell-shocked, is seriously an understatement. Ang huling beses na naramdaman ko ang ganitong gulat sa mga pangyayari ay noong gabing hinukay ko siya mula sa libingan niya. When she was still a zombie..

But now, she isn't.

Algea Castillo is a human.

At parang ayaw pa itong tanggapin ng brain cells ko! What in the name of gravity happened?! Paano siya naging tao?! Pinag-eksperimentuhan ba siya ng Project Beta?! Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. So many questions, so little significance.

I stared at her, lying on the bed. Kanina, si Diana na ang nagpalit ng damit niya kahit na nagpi-prisinta akong gawin ito. Don't get me wrong, wala akong gagawin sa kanya and my sister can really be a bitch sometimes.

Pero gusto ko ring makumpirma na tao siya!

Her eyes were close and she had a towel on her head. I adjusted my eyeglasses. Kinuha ko ang mini-notebook at ballpen sa bulsa ko at namalayan ko na lang na nagsusulat na pala ako ng notes. I unconsciously examined her clothed body. Her skin is fair, almost flawless. Hindi na naaagnas ang kanyang daliri (anong milagro ba ang nangyari sa kanya, at wala na ang mga itim na ugat. Everything about her is normal, except for her burning fever. She really seems human, but I need to test one more thing.

Napalunok ako at marahan kong inilapit sa dibdib niya ang aking kamay.

Calm down, Levi! Psh.

Pero bago pa man lumapat ang kamay ko sa dibdib niya, Algea's hand immediately caught my wrist and opened her eyes. Natataranta akong napahakbang papalayo. "A-Algea..y-you're awake.." Napakamot ako ng aking ulo. Well, shit. She just caught me almost touching her chest area. Stupid Levi!

But Algea weakly smiled at me. Nang magtama ang mga mata namin, pakiramdam ko nawala ang kahihiyang nangyari sa'kin kani-kanina lang.

"Levi.. K-Kailangan niyo nang umalis dito."

"Ha?" Bakit naman kami aalis dito?

Algea's eyes narrowed. "There are zombies outside! Hindi na ako magtataka kung nanggugulo na sila sa bayan! Kailangan niyo nang umalis dito sa Eastwood!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What the heck is she saying? Baka naman dahil sa taas ng lagnat niya, kung anu-ano na ang mga pinagsasasabi niya. Kinalas ko ang kamay niya at sinapo ang noo niya. "The fever must've affected your head. Want me to do analysis on that?"

Algea sighed in frustration and stood up. "Levi, hindi ako nagbibiro! THERE IS A ZOMBIE OUTBREAK IN EASTWOOD! NAKAKAWALA YUNG MGA BANGKAY NA PINAG-EKSPERIMENTUHAN NG PROJECT BETA!"

I felt my jaw dropped at what she said.. Mukhang seryoso nga si Algea sa sinasabi niya. I mentally kicked myself when I remembered the undead humans at the dim laboratory we've been to. Shit! May nangyari nga palang pagsabog sa ESORC..

I stood up and paced the room.

"Well, that IS a problem. But first thing's first," seryoso kong tinitigan si Algea, "paano ka naging tao ulit? Kagagawan ba ito ng Project Beta? Is that why they wanted you?" Iyon ang gusto ko munang malaman. Dahil sa pagkakaalam ko, hindi nagiging tao ang mga zombies nang ganun na lang.

Nakita ko ang mapait na ngiti sa mga labi ni Algea. She avoided eye contact and answered, "Let's just say that an unexpected person helped me.. Anyway, it doesn't matter. Sa loob ng dalawang araw, mamamatay rin naman ako."

"A-Ano?"

Sa pagkakataong ito, sana mali nga ako ng pagkakarinig. When our eyes met, I saw the loneliness and sorrow within those hazel eyes. It's like the truth was hurting her more than necessary

At doon niya ipinaliwanag ang mga mangyayari. May nagsabi raw sa kanya na kailangang panatilihin ng mundo ang balanse, kaya't kailangan siyang patayin ng mundo sa loob ng dalawang araw. Her soul was reaching the expiration date and that's why the dead are now disturbed.

Matapos niyang sabihin ang mga bagay na yun, hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. I tried to come up with a scientific explanation, pero mabilis akong pinigilan ni Algea. She grabbed my hand and let her warmth flow through me. Her voice was barely above a whisper, "Levi, there are things that Science can never explain.."

And that was it.

Dahil magmula pala noong umpisa, isang paranormal story na ang kwento namin ni Algea. Pilitin ko mang bigyan ng paliwanag ang lahat, pero mukhang hindi ito pwede.

Because paranormal phenomenas cannot be explained. Not by anyone.

Huminga ako nang malalim. If what she says is right, we have less than 48 hours before she dies again. Naramdaman kong pinisil ni Algea ang aking kamay na naging dahilan ng pagbalik ng atensyon ko sa kanya.

Nakangiti pa rin siya.

Kahit na alam kong nahihirapan na siya sa sitwasyon.

Bullshit..

"I'll create a mixture that will get us out of this mess.. You can't just die, Algea." Naramdaman ko ang panginginig ng boses ko. Fuck this! I can't be weak. Hindi ngayon..

Pagak na natawa si Algea at mas inilapit ang kanyang mukha sa akin. Malungkot siyang ngumiti at tinitigan ako sa mata na para bang ako lang ang lalaking nakikita niya. Which is logically true. But nevermind.

"You can't save me, Levithian. Not anymore."

At namalayan ko na lang ang paglapat ng mga labi niya sa akin. At hindi kagaya noon, hindi na tuyo ang kanyang mga labi. It even tasted sweet.. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. This is what Algea Castillo does to me. Napapikit ako sa gitna ng paghahalikan namin. Malumanay at puno ng sinseridad ang halik ni Algea. I responded with the same emotions. I want her to know that she will always be someone dear to me. A girl that I will never forget.

She gently pulled me closer as I wrap my arms around her waist.

This wasn't like any kiss I've had before.

Makalipas ang ilang sandali, nalasahan ko ang alat sa halik namin. Kumunot ang noo ko. Where did that came from? Nang ilayo ko ang mukha ni Algea, nakita ko ang paglandas ng mga luha niya. Tuloy-tuloy.

She was crying.

Nakatitig lang siya sa'kin. A smile still gracing her wonderful lips.

"There's a zombie apocalypse outside and here we are, kissing like two teenage idiots." Mahina niyang sabi na agad ko namang ikinatawa.

At nang mga oras na yun, biglang umalingawngaw mula sa pintuan ang boses ng kapatid ko.

"Hey, lovebirds! Mind if we check out the evening news? May nagaganap daw na hindi maganda sa Eastwood. Baka magugunaw na ang mundo, nandiyan pa rin kayo't naglalaplapan." Pag-irap niya, pero sumilay pa rin ang isang makahulugang ngiti sa labi ni Diana.

I scowled and dragged Algea out of the guest room. Tahimik lang na nakasunod sa amin si Newton.

And ngayong naiisip ko, may nangyayari raw sa Eastwood? Nanlaki ang mga mata ko. Shit! Yung mga zombies!

Mukhang huli na nga ang lahat.

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon