VIGINTI QUATTOUR

1.5K 106 2
                                    

Levi drank his fifth cup of coffee that evening. Lumalalim na ang eyebags niya at kapansin-pansin na ang pamumutla ng mukha niya dahil sa kakulangan sa tulog. He was in the middle of printing his daily report to Professor Lopez. Kani-kanina lang ay parang kakaiba na ang nagiging reaksyon ng DNA ni Algea sa mga test na ginawa niya. Bukod pa sa pagmomonitor sa dalaga, pinagsasabay niyang asikasuhin ang blood analysis at advanced prostetics na iniutos sa kanya ni Dr. Burnham, ang isa sa mga senior niya sa ESO. And in between all this mess, he was still studying in college.

Plus, he was remodelling the Paranometer again before the public release. Paniguradong mailalathala na sa pahayagan ang kanyang pangalan!

"Kuya, you look worse than Algea. And that's something severe."

His sister's voice echoed from the door. Baka ang iritasyon at pag-aalala sa mukha ni Diana. This is the first time she saw him stressed out like this. Well, she was used to seeing him stressed and crazy, but not to the point of looking so disoriented. Para bang anumang oras, mamamalayan na lang niyang nakabulagta na ang kuya niya sa sahig dahil sa sobrang pagod.

But Levi didn't hear her...or he just ignored her. Hindi na alam ni Diana kung alin sa dalawa.

Levi sighed for the nth time.

His bloodshot eyes glanced at the clock.

"Shit.. Newton, alis na 'ko. Bye!" Minadali niyang isara ang kanyang laptop at kinuha ang bag na nakapatong sa kama. Levi hurriedly passed by the hall and went straight out of the house to attend his night shift at ESORC.

Napailing na lang si Diana. "Wala naman si Newton dito. Tsk." Malala na talaga ang kuya niya. Noong sinabi ni Levi sa kanila na nakapasok siya sa ESO, tuwang-tuwa siya para dito (kahit na puro pagmamaldita ang ginawa niya). Pero ngayon, iba na. "This isn't healthy for him anymore," she thought.

Nagtungo si Diana sa guest room, kung nasaan si Algea. She found the girl petting Newton while sitting on the edge of bed. "Meow!"

Napairap si Diana. "Konti na lang, magkakapalit na kayo ng mukha ni Newton.."

Algea smirked, "If you wanna tell me something, cut to the chase, bitch."

"Psh. Look who's talking, slut."

Sandaling katahimikan ang namayani sa silid. Diana's eyes roamed around the room until she spotted the darkened parts of Algea's arm. When she took a closer look, Diana realized that these darkened parts are from multiple injections and some metallic pressure. 'Ano bang ginagawa sa kanya ni kuya?' she didn't want to find out. For all she knows, Algea is her brother's "lab rat" or whatever he calls her behind her back.

Yup, her brother is crazy.

Diana exhaled. "Kuya Levi is taking things too far, don't you think?"

Naglaho ang ngisi sa mga labi ni Algea. Newton stared at them intently, na para bang nauunawaan niya ang pinag-uusapan.

"He is. Umalis na naman ba?"

Levi's sister nodded.

Napabuntong-hininga si Algea. Ayaw man niyang aminin, pero mukhang hindi na nga maganda ang mga nangyayari. Kung tutuusin, pwede naman siyang umalis sa sitwasyon na 'to. Malaya siya. Algea can sneak out at night and crawl back to her grave, pretend to be dead (kahit na alam niyang imposible). Pwedeng niyang takasan ang mga kaganapan dito, takasan ang malditang si Diana at iwan si Levi, na wala nang ibang ginawa kundi pagekspeirmentuhan siya.

But that's the problem.

Curse all the fucking stars out there, but Algea Castillo knew she can't leave him.

Algea cared too much, with or without a heartbeat.

Kaya nga ayaw pa sana niyang mamatay. Not yet, that is.

Diana watched her for a few seconds. "Can you talk some sense into him?" Ayaw man niyang humingi ng tulong sa zombie niyang kaaway, wala na siyang ibang naiisip na paraan. She heard Algea laughed dryly and shake her head, "He won't listen. Kapag sinusubukan ko siyang kausapin, umaalis siya sa harapan ko."

"Edi itali natin sa upuan!"

"Diana, that's not a good idea."

"Bullshit! Kung hindi mo pa napapansin, nababaliw na ang kuya ko dahil diyan sa leche niyang pangarap! Now, if you won't help me, ihahagis ko na lang talaga ang kapatid ko sa labas ng bintana at aasang magkaka-amnesia siya para bumalik siya sa normal!"

Algea frowned. "That idea is even worse." Inilapag niya sa kama si Newton at tumayo. Naglakad siya papalapit kay Diana, kahit na nahihirapan siya. "He's still your brother! Y-You shouldn't---"

Algea lost her balance while walking and fell on the floor. She started coughing nastily. Ramdam niya ang panghihina ng buong katawan. Is that even normal? Alam niyang hindi.

"Hoy, okay ka lang? Or mamamatay ka na ulit? Just tell me so that I can dance on your grave, slut."

But Diana's voice seemed too far to comprehend.

Bukod sa panghihina, wala nang ibang maramdaman ang katawan ni Algea. Napansin niya ang paglabas ng itim na mga ugat sa kanyang mga braso at ang paglala ng naaagnas niyang mga kamay. Her fingers weren't even there anymore.

Rotten. Dead. Nothing.

That's what she is.

Algea doesn't know what's happening to her. She was suppose to be dead two years ago.. At kung iyong ang pagbabatayan niya, iisang ideya lang ang pumapasok sa isip niya,

"I'm dying..again."

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon